~Chapter Two~
~Kamalasan While Waiting For The Jeep ~
JErica’s POVJ
Habang naghihintay ng dyip eh, may isang putting Mercedes Benz na dumaan sa harap ko at Bloooshh, Boom! Tinalsikan ako ng putik. Pati sa mukha ko, what the f*ck!
“Huy, bumaba ka nga dyan, bwiset ka, hari ka ng daan; f*ck sh*t ka. Ilulublob kita sa putikan, huy bumaba ka” sabi ko doon sa mayabang na driver kahit pakiramdam ko ay di sya nakikinig.
Kinakalabog ko pa rin ang kotse nya at pinapahiran ko ng putik. Pinagsisipa ko ito at dinuraan ko.
Sa ilang saglit pa ay bumaba na siya sa kotse niya
“What the F; hey miss, are you crazy?” sabi nya
“Hoy, ikaw ang tanga-tanga mo, anlaki- laki ng daan ; pinutikan mo pa ako. Piling mo kung sino ka” sabi ko sa kanya
“Ikaw ang malaking tanga, bakit kasi di ka gumilid at umiwas, tuloy naputikan ako; tapos dinumihan mo pa ito. Hindi mo ba alam na mas mahal pa ito kesa sa buhay mo, ikaw magpa-car wash nyan; crazy and cheap lady.” Sabi nya sa’kin
“Huy, oo mahirap lang kami pero wag mong lagyan ng presyo ang buhay ko dahil priceless ako; Anak ka ng putik, at isa pa di ako crazy and cheap. Ikaw nga mang-mang at bulag. Bwiset” sabi ko sa kanya.
“Tanggalin mo nga yang shades mo, para makita ko yung buong makapal mong mukha; bakit nasisilaw ka ba sa ganda ko ha?” dagdag ko sa kanya.
Hahh, nagulat ako nang tanggalin niya ang shades nya, siya pala si- JED VILLAFUERTE; Ang may-ari ng school namin. Bigla akong napalunok ng laway ko at natulala. Nakakainis naman, kasi bakit ba siya naka sibilyan; bakit kasi hindi siya naka-uniform! Purket sila lang yung may-ari ng school pwede nya nang gawin yung gusto niya tuloy nagkagulo pa.
“AH, Mr. JED VILLAFUERTE” sabi ko kay Jed.
“So, now you know na ako si Jed Villafuerte na may-ari ng school na pinapasukan mo at ang family namin ang second in the list of RICHEST FAMILY IN THE PHILIPPINES and Seventh Richest Family in Asia. Bakit naman bigla kang tumigil sa kadadakdak; Ms. Cheap.” Pagmamayabang niya sakin.
“Ahm, Mr. Boastful este Mr. Villafuerte, sorry po! Kung gusto niyo ako po magpa-car wash nyang kotse niyo o kaya ipagawa niyo sakin gusto niyong ipagawa for a whole day as in this day” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Day?” pagtatanong niya
“Ahmmm, gusto niyo po week; 1 week!” sabi ko.
“No, Patatawarin kita kung paglilingkuran mo ako for a month.”sabi niya.
“Hahh, diba pwedeng two weeks na lang, Please” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Sige ka, mukhang gusto mong mapa-expel sa school namin; kaya kong gawin yun kahit first day pa lang.” pananakot niya sa akin.
“Hay, sige na nga pero sa isang kondisyon!” sabi ko sa kanya.
“Ano yun?” pagtatanong niya.
“Ahhmm, paglilingkuran mo ako for a month, gaya ng gagawin ko sa’yo.” Sabi ko sa kanya.
“Ahmm, ayoko gusto ko 1 day lang.” sabi niya sa’kin.
“Ayoko nga!” sabi ko sa kanya.
“Ok; Just wait!
-Lola, may ipapa-expel po akong --- ” sabi niya habang parang may tinatawagan siya sa Cellphone niyang mamahalin at pinutol ko ito dahil ---
“Ahhm, Wait, sige na payag na ako for one day only” sabi ko habang inaagaw ko yung cellphone sa kanya.
“Hahaha, Funny.” Sabi niya habang tawa siya ng tawa.
“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya.
“Wala, sige na punta na tayo dun sa may car wash!” pagmamadali niya.
“Eh paano yan baka ma-late tayo!” sabi ko sa kanya
“Ako bahala sa’yo” pagyayabang niya.
Hmmm. Di na lang ako umimik.
Pasakay na sana ako sa kotse niya at bigla niya akong pinigilan.
“Oopps! Di ka pwedeng sumakay sa kotse ko, may putik ka saka ambaho-baho.” Sabi niya sa’kin.
“Eh, paano yan akala ko ba kasama ako.” Sabi ko sa kanya.
“Kaya nga, mag-commute ka. Belat!” pang-iinis niya sa’kin.
Hay! Pinag-commute pa ako ng lokong ‘to. Nakakahiya andame kong putik.
Kainis, tapos gagawin pa akong alila for a month then siya one day only.
Grrrrrrrrr !!!!!!!!!!!!
Kamalasan nga naman- broken -hearted na nga naputikan pa, late pa tapos alila pa for a month then pinag-commute with putik. Mukhang kakailanganin ni Mama ng Tide dito ah.
Hehehehe !
Pumara ako ng dyip papuntang Sta.Mesa, Manila.
-Para!-
- pero di ako pinansin, siguro nandidiri sa’kin.
Pumara ulit ako pero sabi nung driver- BAWAL daw kasi puno ako ng putik.
HAY, Antagal ng mga dyip; kung hindi ayaw magpasakay, punuan naman. Enebeyen!

BINABASA MO ANG
PUPPY LOVE - Operation Move On
Ficțiune adolescențiThis story is a TEEN-FICTION and may pagka- S.P.G. 'to but I assure you na mag-eenjoy kayo. This is my first story and may pagka-corny but astig 'to. I do hope na basahin, unawin, o kaya ay i-vote niyo 'to pag nagustuhan niyo. Write your comment bel...