Third Page

7 3 0
                                    

"Sanay na"


Oo! Nasanay na ako.
Sa mga pagpapa-kyut mo.
Sa mga pambobola mo.
Sa mga galawan at paglalambing mo.
Na para bang nagpapakita ka ng motibo.
Kaya't aasa na naman ako.
Kahit pa alam kong hanggang dito lang 'to.
Hanggang dito lang, kasi "Kaibigan mo lang ako".


Kaibigan mo lang ako.

Na handang damayan ka.
Sa tuwing sinasaktan ka niya.
Sa tuwing pinaiiyak ka niya.
Sa tuwing binabalewala ka niya.
Hindi ka ba nagtataka?
Nandito pa rin ako kahit nasasaktan na.
Kung sabagay kaibigan mo nga pala ako 'di ba?
Na napapansin mo lang kapag wala "Siya".


Siya.


At hindi ako, siya.
Na gusto mo.
Na kailangan mo.
Na mahal mo.
Tama ako hindi ba?
Kaibigan mo ako kaya alam ko.
Halos araw araw ba naman bukambibig mo.
Siya! Siya! Siya! at hindi "Ako".


Ako.


Ako lang naman.
Yung nagpapatawa sa'yo.
Yung nagpapatahan sa'yo.
Yung lihim na nagmamahal sa'yo.
Tunay mong kaibigan.
Kahit sa'kin ay wala kang nararamdaman.
Ayos lang, h'wag mo lang akong iiwan.
H'wag kang mag-alala sanay na ako, "Sanay na".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masterpiece'sWhere stories live. Discover now