Kabanata 4

18 0 0
                                    

Kabanata 4

"Isang kama nanaman?!" Reklamo ko.

Dinaanan lang ako ni Devil at hinulog ang bag sa sahig saka pasalampak na humiga sa kama.

"Kung ayaw mo edi dyan ka sa sahig. Arte,"

Eto talagang lalakeng to, hindi maginoo. Inirapan ko siya.

Sabi kasi ng boss ko kanina hindi ko naman daw kasi sinabi sa kanya ng maaga na may kasama ako. Naka-book na siya ng hotel kaya ngayon mapipilitan ako na makasama nanaman sa iisang kama etong demonyo na to.

Nakita ko siyang kinakalikot ang kabinet bago nahanap ang remote saka nanood ng tv.

"You can't understand that. That's english, unfortunately," iling-iling na sabi ko. Nanonood kasi siya ng series na english. Marunong na ko mag-english. Syempre madali ako matuto eh.

Bumangon siya at tiningnan ako. "Minumura mo ba ko?!" Parang inis na sabi niya.

I rolled my eyes. Pumunta ako dun sa bag ko saka kinuha ang grammar book at dictionary. Tumungo ako sa kama at tumabi sa kanya.

"Hindi kita minumura," andun parin ang masungit niyang mata. Naka-brown contact lense siya. Nakakagulat nga dahil hindi siya natakot nung ilagay ko iyon.

Nilagay ko sa tabi niya ang grammar book at Oxford dictionary na binili ko.

"Dito sa pilipinas may dalawang pangunahing lengwahe na pwede ka maintindihan ng kahit na sino. Filipino at Ingles. Ngayon para maintindahan mo ang mga pinapanood mo at para hindi mo sabihin na minumura kita, aralin mo ito. Marunong ka naman magbasa diba? Nakita kitang binabasa yung alphabet book ko eh."

Nakakagulat nga na etong si Devil, pag may nakikitang libro, binabasa. Saan ka makakakita ng demonyo na mahilig magbasa? Si Devil.

Kinuha niya yung mga libro at sinuri ito. Tiningnan din niya yung TV na american at british yung accent. Wala na siya sinabi kaya iniwan ko siya dun. Pagod na rin ako kaya naisipan kong humiga dun sa isang gilid ng kama habang nakita ko naman si Devil na umalis at tumungo sa lamesa.

Sabi na nga ba't mahilig ang demonyong yun ng libro. Nakakapanibago talaga. Hindi mo inaasahan na isang katulad niya ay mahilig magbasa.

****

Nagising ako ng maaga. Ayaw kong mas mauna pa ang boss ko na dumating dun sa site. Uminat ako at nahagip ng mata ko si Devil na busy pa rin sa pagbabasa. Binabasa niya yung business books ko. Sandali... hindi siya natulog?

Pumunta ako sa lamesa niya at inangat niya mata niya sa akin bago binalik ulit sa libro.

"Hindi ka natulog?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"No," Tipid na sagot niya.

Tumaas ang kilay ko. Marunong na siya mag-ingles? Masubukan nga.

"You don't feel sleepy?"

"No,"

"You don't want to sleep?"

Tinaas niya ang ulo niya at tiningan ako.

"I will sleep if you go. Buy me new books. I don't want to spend my time doing idle things," mahabang sabi niya na may pagka-american at british na accent.

Ang sexy. Mas lalo siya naging sexy!

"Ang bilis muna man matuto," masayang sabi ko.

"Hindi ba't ganyan ka din? Sadyang maswerte lang talaga tayo," Humikab siya at tumungo sa kama. "Wag mong kalimutan na bilhan ako ng libro."

I rolled my eyes. Ang bossy talaga.

Tumungo ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko doon, naabutan kong natutulog na si Devil. Tao na siya eh. Nakakaramdam na rin siya ng antok. Hindi kasi kami natutulog na mga nilalang pero simula nung naging tao ako, gustuhin ko man na hindi matulog, hinihila pa rin ako ng kama ko sa kanya.

Pagdating ko sa trabaho, wala pa masyadong tao. Ginawa ko na yung mga dapat kong gawain at dumating naman ang boss ko fiften minutes after.

As usual, pure business lang ang pinag-uusapan. Andun lang ako sa tabi ng boss ko, naghihintay ng mga utos niya.

Natapos ang araw ko sa trabaho mga bandang 6pm na. Nagpaalaam ako sa boss ko at diretso akong pumunta ng bookstore. Syempre para bilhan ng libro yung mokong na yun.

Bumili ako ng mga world facts. Mga educational books at saka mga romance books na din. Napangisi ako ng nakakaloko. Pipili na sana ako ng libro ng may nakasagi sa akin at may mga librong nahulog sa sahig. Iniwanan lang ako ng taong yun at napailing na lang ako.

Mga tao talaga ngayon. Ang kasamaan na nila ang pinapairal.

Kaya kami nahihirapan na mga anghel eh.

Ay tao na pala ako.

Pumunta na ko sa counter at nagbayad. Madami ata akong nabiling libro eh. Hindi ko na kasi tiningan kung ano yung mga nabili ko. Gusto ko na kasi talaga umuwi.

Mga 8pm na ko nakarating sa bahay. Andun si Devil sa kusina, naghahanap siguro ng makakain.

"Andito na ko." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "Ahh yung salot." He rolled his eyes. "Ipagluto mo nga ako. Nagugutom ako,"

Natamaan ako ng inis. Ito talaga tong lalaking to, sinusubok niya talaga kabaitan ko.

Kumuha ako ng cup noodles at inilagay yun sa harapan niya.

"Eto nalang kainin mo. Pagod ako. Yung mga libro mo andun sa sala. Bye. Matutulog na ko." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Baka masapak ko pa siya kung ano man yung lalabas sa bibig niya.

Nag-half bath ako at nagbihis. Pumunta na ko sa gilid ko sa kama at mabilis akong natulog. Napagod kasi talaga ako.

Pagkagising ko, wala akong naramdamang bigat kaya napagtanto kong hindi nanaman siguro natulog si Devil. Bumangon ako at tama ako, andun siya ulit sa lamesa. Nagbabasa naman ngayon nung romance novel na binili ko. Aba, Nagustuhan niya? Akala ko itatapon niya.

Nagtoothbrush muna ako at nilapitan siya. Umupo ako sa katabing upuan.

"Mukhang tungkol sa pag-ibig yang binabasa mo ah," pilyo kong sabi.

Umangat siya ng tingin at muling nagbasa. "Hindi ko masyado maintindihan ang mga emosyon na sinasabi nila dito but it sounds interesting. Hindi ko pa nararamdaman ang mga ito."

Tiningnan ko siya at may kislap sa mga mata niya na tila nasasabik siya.

"Mukhang sakit na sakit ang lalaki dito hindi naman siya sinasaksak o pinapatay. Ganun ba kasakit ang mga tinuturan nila dito?" He settled his eyes on mine. "Tell me, did you ever felt this before?"

Napatahimik ako. Nakaramdam na ba talaga ako ng sakit na sagad buto? Oo, nasaktan ako dahil hindi ako minahal ni Zekely pero hindi naman sagad laman ang naramdaman ko.

"Hindi pa pero nagmahal na ko. Masakit siya." Malungkot kong sabi.

His interest perked up. "Oh? I like that. Pain is good," an evil glint shone on his eyes.

"Hindi biro to, Devil." Babala ko sa kanya.

"Hindi naman ako nagbibiro. And besides why don't we make our stay here interesting? Matagal pa naman tayo dito." He smirked. "Yung kissing na sinasabi nila dito, sounds interesting too." Mas naging mala-demonyo ang mata niya.

Pumula ang aking mga pisngi at umalis. Hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko atang lumayo-layo sa kanya. Ba't ko pa kasi siya binilhan ng romance na libro?

Nagsisisi na ko!

The Devil's Angel LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon