Kabanata 13

18 0 0
                                    

Kabanata 13

Professional kong natapos ang meeting. Tahimik lang sa isang sulok si Valentine. Minsan pa ay masyadong malalim ang iniisip niya na kapag tinatawag siya ng mga client ay hindi siya nakakasagot agad. Hinihilot niya pa ang ulo niya tapos mas lalong dumidilim ang kaliwang itim na mata niya.

Yung atmospera naman sa loob ng meeting ay mabigat. Pati ang mga tao sa loob ay kung hindi galit ay malungkot, yung iba naman ay nakangisi ng nakakaloko.

Napabuntong-hininga ako. Na-iimpluwensya ng emosyon ni Valentine ang mga mga taong marupok at mahina. May mga tao naman, sa nakikita ko, na hindi naapektuhan. Naka-upo sila na tutok sa laptop screen. Yung iba nakangiti sa cellphone at yung iba ay natutulog kaya hindi naapektuhan.

"Listen!" Para sa isang babae ay dumagundong ang boses ni Valentine.

Nagising ang mga natutulog. Pinunasan pa nila ang gilid ng labi. And the rest turned their attention to the woman standing at the end of the table.

"If you have no more questions then I expect all of you understood what Ms. Alias had explained. We need to re-stock. We need it right away. As soon as possible because if the deliveries are delayed then that will cause us our reputation. Dismissed."

Tumayo na ang lahat pagkatapos nila iligpit ang gamit. Si Valentine naman ay nahulog sa upuan at puro buntong-hininga ang ginagawa. Nilapitan ko siya at mabilis niyang itunuon ang mga mata sa akin. She looked at me with suspicion on her eyes.

"Ba't hindi ka pa umaalis?" Noong una ko siyang nakilala, masayahin ang kanyang boses at lutang dito ang pagka-accomodating niya. Pero ngayon ay parang nawala ang saya at bait sa kanyang boses. Puro pait ang nararamdaman ko dito.

"Ayaw mo bang makita si Ferror?" nakita ko kung paano tumigas ang katawan niya pagkabanggit ko sa pangalan ni Ferror. Hindi siya makapagsalita ng ilang segundo. Noong mahimasmasan siya, tumayo siya sa harapan ng pinto at binuksan ito.

"I'm advising you to leave, Ms. Alias. I need to go back to my work on-hand so it will be for the best if you get out of this room." Matigas na tugon niya.

Tinitigan ko siya. Her eyes were anything but friendly. Para itong sasabak sa gyera sa titig pa lang niya.

"Okay," I surrendered.

Akmang aalis na ko sa pinto ng maramdaman ko ang pagsinghap ni Valentine. Tumingin ako ng ilang sandali at nakita ko ang pagyakap ni Ferror sa likod ni Valentine at doon na pwersahang nasara ang pinto.

****

Tahimik ang bahay pag-uwi ko. Normal ito sa akin dati pero ngayon ay hindi. Parang nakakalungkot na katahimikan ang nababalot dito sa bahay.

"Devil?" Tawag ko.

Tamang-tama ang pagtawag ko kasi andun siya sa sala, nanonood ng tv.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. And we stayed that way for a couple of minutes pero hindi niya ko kinibo. Nagtataka tuloy ako kung talagang busy siya sa pinapanood niya or baka lumilipad ang isipan niya sa kung saan.

Bigla ay naalala ko ang sinabi niya nung bago kami umalis ni Ferror. Yung bang ang kaligayahan ay wala daw sa sistema nila at kung paano ko naramdaman na parang wala akong silbi sa kanya, after all these days.

Ayan ka nanaman Yana! Kung ano-ano iniisip. Kaya ka nadedepress eh.

Hindi ko lang kasi talaga mawaksi sa isipan ko. Parang ang hirap alisin.

May silbi naman ako kay Devil diba? Kasi kung wala baka mas mabuti pang bumalik na lang ako sa langit. May silbi pa ako doon.

Tumayo si Devil at sinundan ito ng mata ko. Pumunta siya sa kusina. Kumuha ng isang baso at nag-init ng tubig. Binuksan niya ang isang drawer at kinuha doon ang 3-in-1 na kape pagkatapos ay ibinuhos niya sa baso niya. Saka nilagay ang mainit na tubig na pinakuluan niya.

Nilapit niya ito sa labi niya at sinimsim. Pati ang paglapat ng labi niya sa baso ay tinitigan ko. In that moment, his eyes caught mine.

"Kanina ka pa nakatitig." walang ganang sabi niya.

"Um, uh..." I run out of words.

Ibinaba niya ang tasa niya at lumakad siya sa direksyon ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig niya.

Diyos ko, malalim na talaga siguro ang nararamdaman ko dito sa demonyong ito.

He was now standing in front of me. He kneel down to my eye level. I couldn't produce any words. Not when his eyes were in fiery now.

"I would like to continue the kiss," he whispered low. Naramdaman ko ang pag-init ng buong katawan ko.

Again, my words had failed me. Napalunok ako at nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa leeg ko.

The sexual tension is growing thicker!

"Gusto mo naman diba?" Lumapit siya sa akin at ang mainit na hininga niya ang dumapo sa tainga ko.

Hindi ulit ako kumibo pero tumataas ang balahibo ko dahil pababa ng pababa ang mukha niya at huminto ito sa may leeg ko.

Ang mainit na hininga niya ang sumalubong sa akin at nakiliti ako sa init nito.

"De..Devil," wala sa perwisyo na sabi ko. Konting-konti na lang. Konting-konti na lang, sasabog na ko!

"Mm?" Busy siya sa paglalaro sa buhok ko. Pero hindi doon nakatuon ang pansin ko. Mas lumalapit na kasi ang labi niya sa leeg ko at dumating na nga ang kinababaliwan ko.

His lips were now on my neck and it was sucking my eregenous zone.

Oh god!

Napaungol ako ng wala sa oras at nagustuhan ata ito ni Devil dahil hinapit niya ko sa katawan niya at naglapat ang katawan naming dalawa.

He kept sucking my neck and it felt so good that I didn't want it to stop.

"De..Devil,"

His kisses went up at sa isang iglap ay naglapat ang mga labi namin.

Mapusok ito. My hands went to his hair at siya naman ay pumapasok ang kamay sa loob ng t-shirt ko. Hinihimas niya ito. Naglalaban pa rin ang mga labi namin. Minsan humihinto kami para huminga.

Magkadikit ang mga noo namin at idinilat ko ang mga mata ko para tingnan si Devil at nakapikit siya. He was breathing hard. My lips twitched upward. At sakto, dumilat ang mga mata niya at nakita niya ang maliit na ngiti sa labi ko.

Nakatitig lang siya. Hindi siya nakangiti pero yung mga mata niya...there was a soft emotion resting on it.

I leaned my head and kissed him again. Tumugon siya at ganun lang kami ng ilang mga segundo. Mas uminit ang katawan ko ng maramdaman ko ang kamay niya na pataas ng pataas. When his hands fondled my breast, I moaned, breaking the kiss.

Akmang hahalikan niya ko ulit pero hindi ito natuloy when someone coughed behind us.

Napabalikwas kami ni Devil at bumaba siya para takpan ako kila Ferror at Valentine.

"What the fuck?!" Singhal ni Devil.

"Umalis lang ako ng sandali at ganito na ang aabutan ko?" Ferror was smirking. Si Valentine naman ay nakangiti pero magulo na ang buhok niya.

Alam na.

"Kung maka-asta ka parang hindi din kayo naglandian ng babae mo,"

Inayos ko ang damit ko at buhok. Si Devil naman ay tumayo at inayos din ang sarili. Umupo siya sa tabi ko at umupo sa harapan namin ang dalawa. Magkadaop ang kamay nila.

"I'm guessing the two of you are in good terms now?" Devil said, bored.

"We are," Masayang sambit ni Valentine.

"But we have a problem." Seryosong tugon ni Ferror.

Kumunot ang noo ni Devil. "Ano?"

"Pinaghahanap na ko ng tauhan ni Lexicon. Kailangan ko na daw bumalik."

****

17-09-2017

The Devil's Angel LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon