Chapter 2

196 8 3
                                    

Friday naaaaa! Ibig sabihin Club Day sa school namin. Halos lahat busy sa pag hahanap ng kanikanilang club na sasalihan. Walang klase ngayon kaya kahit yung iba hindi pumasok okay lang, hindi naman ichecheck yung attendance namin.      

Sa Gymanasium gaganapin yung mga club promotion.                                                                                                                                    

Kasalukuyang pinagmamasdan at tinitignan-tignan ko ang iba’t ibang club dito. Bawat mga club may kanya-kanyang pakulo para lang makaakit ng mga members.                                              

May napili na ako sa totoo lang eh, pero pinag-iisipan ko pa kung ano ba talagang sasalihan ko? One club policy lang talaga dito. Namimili pa ako kung sa Cooking Club ba ako sasali (since mahilig ako kumain at marunong naman ako mag luto) or sa PALS/Peers Assisting Listening Sharing, isang org. na tutulungan ka sa counselling, every year may outreach din na nagaganap.                                                                                                                                                      

 “Oops. Akala ko kasi pader. Sorry,” sabi ni Andrea, nakita ko siyang nag smirk habang naglalakad papalayo sakin. Halata naman na sinasadya niya ako bungguin knowing the fact na ang laki-laki ng Gym na ito tapos sisingit talaga siya sa gilid ko.

 “Wag kasing paharang-harang sa daan kung ayaw mabunggo,” dugtong ni Marjorie. “Tama ba girl?” nag-apir silang dalawa ni Andrea tapos huminto muna sila sa paglalakad at tumingin sila sakin. Bigla na lang silang tumawa na akala mo walang bukas.

‘Di naman sila kagandahan sa tuwing tumatawa. Porket member lang sila ng 3G o 3 Girls dito sa Oxford University ganoon na sila makaasta. Silang tatlo ay pare-parehong 2nd Year College, sa pagkakaalam ko magkaka-blockmate rin sila. Ang kursong kinuha nila ay Mass Communication, kasama sa Star Section din ‘yung grupo nila.

Hindi ko lang alam kung nasan yung leader nila na si Eunice, hindi ko kasi nakikita yung presensya niya ngayon.

Ang 3G kasi ang itinuturing na mga prinsesa dito sa Oxford, kumbaga sila ang mga nag re-reyna reynahan dito kaya halos lahat ng tao ay kilalang-kilala sila. Mayayaman kasi ang pamilya nila, kasama din silang tatlo sa listahan ng mga honors, magaganda sila, sexy, beauty with brains talaga. Ang negative side lang talaga sakanila, sobra silang mang bu-bully ng tao. Lalait-laitin nila ang isang tao kapag may nakita silang kakaiba. Katulad ko na isang obese. Di na nga matalino, di naman ganoon kagandahan.                  

Wala naman nakasaad sa batas na bawal maging mataba diba? May mali ba doon?                         Aishh! Dapat di na ako nagpapa-apekto sa mga panglalait nila. Dapat masanay na ako. Simula noong lumipat ako dito noong High School ipinadama na kasi nila sakin na parang hindi ako isang tunay na tao. Ipinadama nila sakin na parang may isa akong malubhang sakit na bawal lapitan, kaya ‘yan ang tingin ng mga tao sakin hanggang ngayon.

 Laking tuwa ko na lang siguro kung may kakausap sakin na taga-Oxford University except sa bestfriend ko.                                                                                                                          

 “Huy!” bigla na lang ako napatalon sa gulat.                                                                        

I Don't Want To Fall (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon