Chapter 3

173 3 0
                                    

CLYDE

Isang araw ang lumipas simula ng breakup naming ni Eunice.

Hindi ko alam ang gagawin ko simula nung iwan niya ako. Parang di na kumpleto yung buhay ko—laging may kulang. Pagkatapos kasi ng mga nangyari noong araw na ‘yun, halos wala na kaming komunikasyon.

Maski hi hello man lang sa loob ng campus, wala. Hindi na rin siya nagrereply sa tuwing nag tetext ako. Pag tumatawag naman ako, laging ‘the subscriber cannot be reached’. Pati na rin sa social media, hindi ko na makita yung mga posts niya sa Facebook kasi in-unfriend niya na ako. Tinanong ko naman sa dalawa niyang kaibigan na sina Marjorie at Andrea pero hindi nila ako pinapansin, dinadaan-daanan lang nila ako.

Mukhang bitter pa rin talaga sakin si Eunice, dahil sa ginawa ko.

Gusto ko lang naman siyang kamustahin kung okay pa ba siya after ng break up namin. Kung kumakain pa ba siya ng tatlong beses sa tamang oras, kung nakakatulog pa ba siya gabi-gabi, kung kamusta na ba ‘yung mga studies niya.. Ang hirap malaman, hindi naman ako manghuhula.

Yung mga pinagsamahan namin naglaho na lang na parang bula. Sobrang nakakalungkot talaga isipin. Akala ko forever ko na siyang makakasama, hindi pala.

Inaamin ko naman na may pagkukulang ako, pero sana pinakinggan niya muna ang parte ko bago siya gumawa ng mga desisyon. Sana hinayaan niya muna ako magsalita nang sa ganoon maayos naming itong problema namin.

 Pero nauwi lang sa wala, pinangunahan kasi siya ng mga emosyon niya

Wala na. Hindi na pwedeng ibalik yung dati, hindi na pwedeng mabuo uli yung relasyon namin. Parang basag na baso lang ‘yan eh, mahirap na uli ayusin.  

Maayos mo man, hindi na uli katulad ng dati.

Ang hirap pala pag ganoon yung sitwasyon.. Lalo na’t alam mong sumusuko na siya pero heto pa rin ako, tuloy pa rin na nakikipaglaban kahit alam kong wala na itong patutunguhan.

Sa totoo lang, hindi naman ganoon yung pagkakakilala ko sa dating Eunice. Malayong-malayo siya sa dati. Siya yung tao na hindi madaling sumuko, palaban siyang tao. Siguro may malalim na dahilan lang siya para bumitiw sa relasyon namin.

At kung ano man yung dahilan na ‘yun, kailangan kong malaman.

Hindi naman kasi porket wala na kami—wala na yung relasyon, ay wala na rin akong pake sakanya. Hindi ako ganung tao, sapagkat ako yung tao na kahit umulan man o bumagyo, ipinapangako ko sayo na lagi pa rin akong nasa tabi mo.

Ako din yung klase na taong hindi madaling sumuko sa mga bagay-bagay, hangga’t kaya ko panindigan at ipaglaban ang isang bagay, gagawin ko.

Alam kong mahal niya pa rin ako gaya ng pagmamahal ko sakanya. Umaasa pa rin ako na kahit papano may onting nararamdaman pa rin siya sakin. Umaasa ako kahit masakit.

Okay lang naman sakin na hindi niya ako mahalin pabalik, basta ang alam ko patuloy ko pa rin siyang mamahalin hanggang sa kaya ko.

***

Medyo nakakatamad na araw ngayon lalo na’t Sabado pa. Tinapos ko na nga yung mga dapat tapusin ko kanina. Mga paper works para sa PALS, mga homeworks, projects, assignments, nag review na rin ako para sa quiz. Halos lahat nagawa ko na.

‘Yung  pamilya ko din busy sa kani-kanilang ginagawa. Tanging si Manang Synthia, kasambahay namin, ang kasama ko ngayon sa bahay namin. Sina mama’t papa kasi abala sa pag ha-handle ng company namin, si Ate Micah naman, panganay na kapatid ko, may Saturday classes kasi siya ngayon, pumapasok siya sa Oxford University gaya ko. Ang kaso, 2nd Year College ako, 4th Year College naman siya ngayon sa kursong Accountancy, pero ako Tourism ang kinuha kong kurso.

I Don't Want To Fall (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon