MELODY
Niyaya ako ni Sandy dito sa Mall upang mag-gala. Tamang-tama nga yung pag punta namin dito kasi halos lahat ng mga boutique ay sale. Umaabot ng hanggang 70% sale kaya ang sarap talaga mamili. Sobrang dami ng tao kahit san sulok ng mall ka pumunta.
Sa totoo lang wala talaga akong pera, tanging si Sandy lang talaga ang nagpumilit na isama ako dito para may kasama daw siya at kausap. Pero ang kapalit nun, pangako niya na lahat daw ng magustuhan ko ay bibilhin niya. Libre niya ako for short.
Kaya tatanggi pa ba ako sa blessings?
Kasalukuyang naglalakad kami. Sinusuri ang bawat boutique na makita namin, naghahanap na pwedeng mabili. Si Sandy naman kada tingin sa nakitang boutique papasok kaagad kaya ang magagawa ko na lang tuloy ay sumunod na lang sakanya. Ang dami na nga niyang hawak-hawak na mga paper bags sa kamay niya, mga dress, sapatos, blouse, t-shirts, short, pants, etc. Samantala ako ni isa wala pa. Wala pa kasi akong magustuhan sa ngayon. Hindi naman talaga kasi ako mahilig mag shopping ng mga damit o kahit ng mga sapatos, depende na lang siguro kung wala na akong maisuot o sikip na sakin yung damit at sapatos ko, doon lang ako bibili.
Nasa isip ko siguro pagkain or libro sa ngayon.
Pumasok na kami sa Terranova ngayon, sinuri ko ang paligid, puro mga damit ang binebenta nila. May mga accessories din sila. Si Sandy na naman nauna, as usual. Hinayaan ko lang siya maglibot-libot habang nasa likod niya lang ako. Tumingin-tingin din ako ng damit, baka sakali na may matipuhan ako. “Uy bagay ba sakin ito Melody?” pagtatanong niya sakin.
Tinanggal ko muna yung salamin ko kasi medyo napuwing ako. Kinusot-kusot ko muna yung mata ko tapos binalik ko kaagad yung salamin. Pagkakita ko sakanya, nakataas yung damit sa kaliwang kamay niya, color black na blouse ito tapos yung design may polka dots na color white. Ang cute nga eh. Bagay na bagay talaga sakanya.
“Oo. Ang cute nga eh. Bagay na bagay sayo,” tapos binigyan ko siya ng ngiti.
“Thanks!” nginitian niya din ako pabalik. “Alam mo bagay din sayo ito,” na-shock ako sa sinabi niya. Pag sinabi niya kasing bagay sakin ang isang bagay, ipagpipilitan niya na magustuhan ko ‘yun. “Miss pahingi nga ng Large na size nito,” pag-uutos niya doon sa sales lady.
“Sige po ma’am. Wait lang,” umalis na yung sales lady at pumunta sa mga stock room nila. Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na yung sales lady na may dalang-dalang blouse na color black na may polka dots. “Eto na po yung request niyo, ‘yung large size po,” kinuha ni Sandy ito at iniabot sakin.
“I-fit mo, Melody. For sure ang cute mo tignan diyan,” kinuha ko yung blouse then sinunod ko yung sinabi niya. “Okay na ba sayo yan Melody or masyadong masikip?” narinig kong tanong ni Sandy habang nasa loob ako ng fitting room.
“Okay lang. Sakto pa nga eh,” tugon ko sakanya.
“OMG! I’m so excited naaaaa! Dali! Labas ka na!”
Napangiti tuloy ako dahil dito kay Sandy. Mas excited pa siya kumpara sakin eh. “Eto na po, ma’am,” lumabas na ako sa fitting room at bumungad sakin si Sandy na nakangiti, yung mga mata niya parang kumikinang at suot-suot na pala niya yung blouse na color black with matching polka dots tapos nakashorts siya.
“Naks naman terno tayo,” sabi ko.
“Naman!” dugtong niya. “Parehas pa tayong maganda. That’s what friends are for,” natawa na lang tuloy ako pati siya.
Binayaran na ni Sandy ‘yung damit na kinuha namin parehas at lumabas na sa Terronova. Hindi na rin ako nagpalit katulad niya. Inalis lang naming yung mga tag price. Ang cute nga namin tignan eh, para tuloy kaming magkapatid kasi terno yung suot namin. Ang kaso lang, siya naka-shorts pero ako naka-pants na color pink.
Napatigil ako sa paglalakad ng humarap siya sakin, umaktong tinakpan niya yung bibig niya gamit ang dalawang kamay at gulat na gulat siya. “Ohmy. Melody, bagay na bagay talaga sayo. Ikaw ba talaga yan? Hindi talaga ako makapaniwala eh.”
“Bestfriend naman eh,” nag pout na lang ako.
“Nagmukha ka ng babae,” natawa na lang ako sa sinabi niya. “I am so proud of you, Melody,” bigla akong niyakap nitong lokaret na Sandy na ito. May sira na ata siya sa ulo eh. “See? Ang ganda mo! Para new look naman, hindi na lang laging t-shirt at pants yung porma mo. Para kang tomboy eh,” dagdag niya. Tapos pumalakpak siya sa sobrang tuwa.
Tama nga naman siya, lagi kasing t-shirt at pants ang sinusuot ko. Hindi man lang ako natuto mag dre-dress, kahit blouse, maski short sa labas. Pero sa loob ng bahay, nagsusuot naman ako ng mga shorts kaso minsan lang.
Ito talaga yung malaking advantage pag may best friend kang maarte. Este fashionista.
“Thank you talaga Sandy!” sabi ko. “Siguro hindi lang sapat yung pag papa-thank you ko sa lahat ng ginawa mo sakin. Kaya etong power hug para sayo!” niyakap ko siya na sobrang higpit.
“A-aray Melody! Saglit lang.. H-hindi na ako makahinga eh,” kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya. Nasobrahan ata yung tuwa ko. “S-sorry,” napakamot na lang ako sa ulo ko.
“Okay lang ‘yun, ikaw talaga,” sabi niya habang inayos-ayos yung sarili niya. “Basta pag nagka-boyfriend ka na kaagad sabihin mo sakin, ha? Andito lang ako para suportahan ka.”
“Ha? B-boyfriend?” napansin kong nagsisimula na siyang mag lakad habang nakatayo pa rin ako sa kawalan. “O-oy Sandy, saglit lang!” ang bilis niya maglakad kaya napilitan tuloy akong tumakbo.
Love life?
Hindi pa talaga sumasagi sa isip ko ‘yung pumasok sa isang relasyon, natatakot ako eh.
Crush pwede pa.
Saka sino nga bang magtatangkang manligaw sakin?
Pero sana pag dating ng araw, makahanap ako ng taong mamahalin ako kung sino at kung ano man ako.
BINABASA MO ANG
I Don't Want To Fall (Revising)
Novela JuvenilPaano kung ikaw ay No Boyfriend Since Birth? Naging pastime at stress reliever ang pagkain? Pero napagtanto mo na lang ang sarili mo na na-iinlove ka sa isang miyembro ng 'Cream De La Crop' na pinangungunahan ni Clyde Fortes, isang President ng orga...