WTG 8

29.9K 671 14
                                    

[Cold's Point of View]


Matapos ang insidente kanina ay mabilis akong nag'drive pauwi ng bahay ko. Badtrip na nga ako, gutom pa ko. Bwesit naman kasi. Nasabi ko na ba sa inyong mag-isa lang ako sa bahay ko? Walang katulong. Eh sa ayoko eh. Ayoko kasi ng distorbo at pakialamera. Baka mabisto pa ang trabaho ko.

Pagkatapos kong maglinis ay dinala ko sa talyer ang motor ko. Wala naman siyang sira pero ang talyer kasi pwede na doon magpa-car wash kaya doon ko nalang dinala. Tsh, kung pwede nga lang ako nalang maglilinis eh, kaya lang sadyang mala'demonyo talaga yung Xander na yun at kung anong klaseng pintura ang nilagay nya. Aish, bwesit talaga.


*Riiiiiiiing* *Riiiiiiiiiing*


Napalitlag naman ako nung mag ring at mag vibrate ang phone ko. Langya, nagulat ako dun ah. Eh kasi naman nakatunganga lang ako dito sa bahay habang iniisip ko yung motor ko. Hindi kasi ako sanay na pinapahawak yun sa ibang tao.


*Riiiiiiiiiiiiing* *Riiiiiiiiiiiiing*


"Oo na. Oo na. Sandali! Atat ka masyado eh." Parang baliw kong sabi. Tss, mag kwento daw ba habang may tumatawag?

"Hi," Napangiti ako at excited na sinagot ang tawag ni Daddy. Matapos ng huli naming pag-uusap noon ay naging mas maayos ang relasyon namin pero madalang nga lang siyang tumawag sa akin. Akala ko nga nakalimutan na niyang may anak sya rito sa Pilipinas eh.

"Princess, kamusta?" Pangangamusta nya. Napabuntong hininga naman ako.

"So far, so good." Sarkastiko kong sagot sa kanya dahilan para matawa sya.

"Oh Dad, baka gusto mo nang sabihin sa akin yung misyon ko dito dba? Nakakahiya naman sayo, andito na ko't lahat wala ka paring sinasabi. Akala ko nga nakalimutan mo ng may anak ka dito eh." Sarkastiko ko uling sambit sa kanya at natawa ulit sya. Hindi nman siya yung tipong madaling magalit eh. Kahit bastusin mo yan, walang reaksyon yan. Parang ako.

"Hahaha, come on Leigh. Just enjoy your stay there. Sasabihin ko rin naman yung misyon mo eh. Just relax." Ngayon batid kong naka-ngiti sya at ako? Aba aba! Akala ko ba pagdating ko dito sasabihin nya yung misyon ko? Luh? At, hanohraw? Mag relax?! Mag enjoy?!

"SERYOSO KA DAD?!" Yes, I shouted. Anak ng.. Andaya!

"Yes Princess. Kaya kung ako sayo jan, don't stress yourself too much. There's a perfect time for that. Okay?" Mahinahon nyang sabi at wala na akong nagawa kundi ang um-oo. Hays.

"Oh look at the time, tsk. Hey Princess, I need to go, I really need to go to work now. It was nice talking to you. I miss you and I know you can handle yourself right? Daddy loves you baby." Rinig kong sabi nya at batid kong nagmamadali sya. Hays ulit.

"Yes dad, I can handle. Take care too." Yun lang ang sinabi ko then the line went off.

Napabuntong hininga ako. Madaya. Andaya talaga. Hindi ko talaga alam kung anong plano ng magaling kong ama pero sige, pagbibigyan ko sya. Pero mag relax at enjoy?! Hindi yata pwede yun. Lalo na't alam kong gaganti yung Xander na yun sa akin. Hays ulit. Ang komplikado naman ng buhay ko.


[Xander's Point of View]


Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon