Pagsasalin

48 0 0
                                    

Sa bawat malayang pag-angat ng buwan ay kalakip ang paglubog at pagsikat ng araw, at sa bawat pagsilip sa hindi mabilang na bitwin sa kalangitan ay nagbabantay sa mga kaganapan sa ibabaw ng mundo, hindi makakaila na dumarating ang katapusan sa bawat nilalang, na tila nauupos na kandila ang buhay ng matandang manggagaway.

Ngunit kailangan parin niyang maghintay at magtiis, isang taon pa upang si Flor ay maging ganap na nagapagmana ng kanilang lahi, isang taong paghahanda para matagumpay na maisalin ni Tandang Erene ang kanyang kapangyarihan sa kanyang hinirang na tagapagmana na si Flor.

Tulad sa isang masunuring sudalo sa kanyang opisyal ay sinunod nila ang matanda upang higit na mapangalaggan ang si Flor magiging ganap na dalaga sa kanyang ika labingwalong taong kaarawan.

"Flor...aking pinakamamahal na apo, nalalapit na ang oras ng aking pamamahinga, ngunit hindi magaganap ito hanggat hindi ko naisasalin sa aking tagapagmana ang aking kapangyarihan, kaya naman ay inihanda kita mula noong bata ka pa para sa araw na ito. Kaya aking apo, ihanda mo ang iyong sarili, sapagkat mula ngayon makalipas ang ikatlong pagbilog ng buwan at sisimulan na natin ang ritwal sa pagsasalin sa isang tagong kweba sa bundok hindi kalayuan sa ating tirahan. Dadalo sa ritwal ang ilan nating mga kamag-anak, higit ang mga tiyuhin, tiyahin at pinsanin mo sa Bohol at Capis upang tiyakin na hindi mapuputol ang kapangyarihan ng ating lahi" Salaysay ng matanda kay Flor.

Batid ng matanda na may alinlangang bumabalot sa puso at isipan ni Flor, batid ng matanda na hindi nais ni Flor ang ganitong buhay, batid niya na napipilitan lamang apo sa kanyang nais ngunit wala itong magawa sapagkat siya ang nakatakda.

Dumating na ang ikatlong pagbibilog ng buwan, at unti-unti na ring nagdadatingan ang ilang mga kamag-anakan ni Lola Erene mula sa iba't-ibang bahagi ng kapuluan na tila dadalo sa isang malakihang piging o pista. Grandeosa ang pagdating ng mga taga Boho at Capis, sa kanilang paghakbang sa lupaing sakop ng matandang manggagaway ay nararamdaman na ito ng lahat.

"Tuloy kayong lahat sa aking munting dampa. Hayaan ninyo na aking kilalanin ang presensiya ni Tyang Milet at Insoy sampu ng kanyang mga kasama upang tayo ay makadaupang palad sa ating maringal na gawain na minsan lamang maganap sa loob ng isang siglo, sapagkat sa ilang sandali lamang ay atin nang sisimulan ang ritwal ng pagsasalin sa aking apo na si Flor." Pagbati at pagkilala ni Lola sa mga panauhin.

"Maraming salamat po inyong pagbati lola Erene. Ang aming pamilya ay labis na nalulugod sa araw na ito, amin din titiyakin na maayos na ipapasa ang iyong kapangyarihan sa karapat-dapat na magmana nito," tugon ni Tyang Millet.

Bagama't mala pista ang pagdating ng mga kamag-anak ni lola Erene, kapansin pansin naman walang ibang taong mangahas sa mga panahon yaon na gumala, tila ang iba ay ninais na lisanin ang Babag 1 upang matiyak nila na sila ay magiging ligtas sa kinakatakutan nilang pagsasalin.

Sa kabila ng katahimikan, mula sa hindi kalayuan ay makikita ang anino at yabag ng isang matipunang lalaki, na tila kasunod niyang lumalakad ang kalahating bumabang nakasilip na buwan sa buong Cebu. Ang kanyang amoy at enerhiya ay nakakaagaw tuon sa lahat ng mga bisitang naroon sa bakaron ng matandang manggagaway. At mula sa pangunahing hapag, ay tumindig si Lola at buong galak na sinambit...ikinagagalak ko ang pagdating ng isang minsan nang nawala ngunit kanyang muling nabagtas ang daang pabalik sa kanyang inang nangulila at dugong nanabik sa iyong pagbalik...ikaw nga Islao!

"Kilalanin ninyo ang aking anak na si Islao, narito siya upang saksihan ang araw na itinakda para sa kanyang anak na si Flor...na bilang tagapagmana ng ating saling lipi na mula sa puro at malalakas na manggagaway!" buong pagmamalaki ng matanda.

"Batid ko na hindi lang manggagaway ang narito aking ina, tila higit mo pang napalakas ang iyong ugnayan at lawak ng iyong kapangyarihan upang ang mga ibang antas ng karunungang itim at elemento ay makiisa sa iyong layunin?" pagpapahayag ng kanyang napansin at naramdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chronicle of ManggagawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon