LET THE GAME BEGINS

8 0 0
                                    

Tugss Tugss Tugss Tugss....
Tugss Tugss Tugss Tugss....
Tugss Tugss Tugss Tugss....

Napakalakas ng tugtog dito sa Bar. Kanina pa kami dito ng kaibigan ko  upang mag party party

Habang nasa dancefloor kami bumulong ako sa kasama ko na mag si-CR  lang ako.

Bago ako makalayo simigaw ang kaibigan ko. "Marieeee Graaaceee bilisan mo huh!!!"

Hay nako lasing na naman kaya andami na namang sinasabi.

Pagdating ko sa harap ng CR ng ladies sobrang haba ng pila so pumasok na lang ako sa CR ng mens

Naramdaman kong may pag katipsy na ko dahil sa hindi ko na kinaya napasuka na lamang ako sa lababo

"Miss ok kalang?" Biglang tanong ng isang taong di ko kilala pero sigurado akong lalaki iyon

Tumayo ako ng maayos at tinignan siya. Uyyy gwapo ang isang ito may mabibiktima na naman ba ako sa laro kong ito.

"Okay lang ako" sabi ko ng gumegewang pa.

"Miss alam mo bang CR ng lalaki ito at ayokong mapagkamalan tayong nag aano." Sabi nito

Natatawa naman ako sa lalaking ito masyadong malawak ang pagiisip

"Im Grace" sabay abot ng aking kamay at pag katapos ay nangitim ang aking paligid

Pag gising ko nasa isang kama ako at alam kong hindi ko ito kama 4 am na ng madaling araw at nakita ko ang aking katabi na wala ring saplot alam kong may nangyari pero ok lang sakin iyon

Sabi ko nga laro lang ang lahat kung gusto nila go lang ako pero ayoko ng mahuhulog sila sakin kasi hindi ako nag seseryoso.

Lumipas ang mga araw at ganon parin ang aking gawain

Nitong mga nakaraan lagi na lang akong hinahanap at kinukulit ni Rudge. The CR BOY nakilala ko CR hahaha.

Tinataguan ko na lamang ito dahil alam kong nahulog na siya sa kamandag ko.

Pero itong gabi na ito nakita niya ko.

"Grace alam kong tinataguan mo ako pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal na kita gabi gabi lagi na lang kitang hinahanap at lagi rin nasa isip ko" sabi nito na nakahawak sa aking magkabilang braso.

"Hahaha sorry to say hindi kasi ako umuulit ng boylet eh hindi ako kagaya mo na agad agad nagmamahal at nagtitiwala kasi masasaktan ka lang"
Sabi ko naman sa kanya "Bitiwan mo nga ako" habol ko pa

Pero matigas siya hindi niya ko binitawan

"Mahal kita mahal na mahal na kita ewan ko na love at first sight ata ako sayo" sabi niya naman hindi pala sinabi sinigaw niya iyo sa akin

Kinalag ko ang braso ko sa kaniya at naglakad palayo sakanya

Kinabukasan umulit uli ang pangyayaring iyon kinulit kulit niya ako at umabot sa puntong

" Bakit ayaw mo bang magtiwala at magmahal muli huh bakit ganyan ka sana naman bigyan mo ko ng pag kakataon na mahalin kita"

Natigilan ako sa mga sinabi niya parang slow motion ang lahat ng nasa paligid ko.

Bakit. Bakit nga ba ako hindi nagtitiwala. Hindi mali pala Bakit takot ako magtiwala

Lahat naman may rason diba lahat may dahilan kung bakit.

Hindi ako yung tipo na babae na wala lang magawa kaya Bar lang ng Bar gimik lang ng gimik

Sa umaga subsob ako sa trabaho ko pero pag kagat ng dilim gimik kumbaga pampatanggal ko na ng stress. Walang akong magulang. Ako. Ako ang bumubuhay sa sarili.

Minahal ko pero winasak lamang ang puso ko. Hindi lang naman lalaki ang kayang magloko huh ako din. Mga babae rin parang damit lang ang mga lalaki para sa akin araw araw nagpapalit.

Siguro isa mga rason ko yan kung bakit takot na kong magtiwala.

Yung mama mo na hindi ka man lang mayakap dahil nagseselos siya sayo dahil yung pagmamahal at atensyon ng papa mo nasayo kaya naghiwalay sila at ako naman lumayas sa aming bahay at tumayo ako sa sarili kong mga paa.

Isa pa iyan sa mga rason ko.

"Sige papayagan kita sa gusto mo pero sa isang kondisyon" sabi ko naman sakanya siguro ito na yung time na magtiwala ako sa isang tao.

"Sige anong kondisyon" sabi naman niya na may galak.

"Hahayaan mo ko sa mga gusto kong gawin. Kagaya ng pag gimik kung gusto mo sumama ka basta wag kang aangal sa mga gusto kong gawin. parang tayo pero hindi gusto kong patunayan mo na deserve mo ang ang tiwala ko " sabi ko naman sakanya.

"DEALLL!!!" Sabi naman nito sabay abot ng kamay. Inabot ko naman ang kamay ko sakanya.

3 years later....

Ilang weeks months taon na napinatutunayan ni Rudge na katiwatiwala siya pero hindi ko matanggap yun sa sarili ko.

Kaya ngayon. Hanggang ngayon nagsisisi ako sa mga katangahan kagagahan kabobohan na ginawa ko.

Noong mga time kasi na pinatutunayan niya na katiwatiwala siya pinaglaruan ko lamang iyon.

Lasing ako noon or sabihin na nating nagkunwari akong lasing at sinabi ang mga katagang pinagsisihan kong dapat hindi ko na lamang sinabi.

"Sige nga kung mahal mo ko pakasagasa kadiyan sa parating na truck hahahha tignan natin kung kaya mo hahahaha" sabi ko sakanya na pagewang gewang ako.

"Kung yaan ang gusto mo. Handa ako magpakamatay para sayo. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sayo dahil mahal na mahal kita mahal na mahal. Kung ito ang magpapatunay sayo. Paalam mahal kong Grace tandaan mo mahal kita sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. I love you Grace dont forget that"

Sabi niya saakin kasabay iyon ng pagsalpok ng truck sakanyang sarili.

Halos maiyak ako at dun na lamang ako natauhan na mali ang paglaruan ang pagmamahal ni Rudge sa akin.

Maling mali ang lahat ng mga ginawa ko sakanya.

Gabi gabi araw araw ko itong pinagsisisihan ang mga katangahan na ginawa ko sakanya.

Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

Ngayon ko lang din na pagtanto na hindi ko siya kayang mawala pero hinayaan kong mawala siya dahil sa katangahan. Oo puro katangahan at kagagahan ko.

Totoo nga ang sabi nila pag andyan naiinis ka at naiirita pero pag nawala na hahanap hanapin mo na.

Kaya ngayon kahit wala na siya feeling ko andito pa rin siya sa tabi ko.
Literal na nasa tabi ko. Katabi ko kasi ang lapida niya na nakadikit sa lupa.

"Rudge mahal ko pinagsisisihan ko lahat ng mali kong nagawa sayo alam kong happy ka ngayon diyan kung nasaan ka man alam kong huli na kung sasabihin kong mahal na mahal kita oo ngayon ko lang napagtanto na mahal pala kita ang tanga ko no hinayaan kong mawala ka sakin hinayaan kong mamatay ka sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo sorry Rudge alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad sayo"

Sabi ko sabay patak ng mga luha ko sa lupa na kina uupuan ko at sa lapida ng pinakamamahal ko natawa narin ako sa sarali ko kasi para akong tanga na kinakausap ang lapida niya.

Kaya mali mali nga talagang paglaruan ang pag ibig ng isang tao towards sayo kasi hindi mo alam ang mangyayari pag ikaw na ang taya o ikaw na  ang paglalaruan ng LARO NG PAGIBIG.

Game Of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon