A Thousand Years

47 1 1
                                    

♪ ♫ ♩ ♬ Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

One step closer

I have died every day waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more ♪ ♫ ♩ ♬

- - - - - - -

Ang ganda ng kalawakan.

Nagniningning ang mga bituin at ang liwanag pa ng buwan. Malamig ang simoy ng hangin.

Kay ganda ng gabi at lalo pa itong gumanda dahil kasama ko siya.

Siya, ang taong pinakamamahal ko.

Siya, ang taong pinagkakatiwalaan ko.

Siya na nangakong kailanma'y hindi ako sasaktan at iiwan.

Siya na nag-iisang laman ng aking puso't isipan.

Siya na biyaya ng Maykapal.

Siya si Adrian Castillo.

Ang taong kayakap ko ngayon.

Ang taong kasayaw ko sa ilalim ng buwan.

Ang taong palaging nagpapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Ang sarap ng ganito. Parang ayaw kong matapos ang gabing ito.

- - -3 years ago- - -

"Ara, kilala mo ba 'to?" tanong ni Kent sa akin habang hawak-hawak sa paa ang lalaking tinutukoy niya.

"Ara, alam mo ba gusto ka niya!"

"Ano ba Kent ! Bitiwan mo ako gago!" sigaw naman ng lalaki kay Kent.

"Shut up Kent ! Out of my way bitch." 

Ganyan ako kamaldita. Sabihin na rin nating sadista ako kasi napapasunod ko ang mga lalaking nasa paligid ko dahil kung hindi, suntok at mura ang aabutin nila.

"Ara, gusto niyang makuha number mo!" Sigaw ni Kent sa akin habang papalayo ako sa kinatatayuan nila.

Ano bang pakialam ko sa lalaking yun. Wala pa sa isipan ko ang pumasok sa isang nakakasakal na relasyon. Mga lalaki, nagdadala lang yan ng kamalasan sa buhay.

"Hi Ara"

"Punyeta Justin ! Huwag kang humarang sa dinadaanan ko!"

"Hindi naman aah! May gusto lang kasing makipagkilala sa iyo."

"Hi Ara! Siya nga pala si Adrian. Gustong-gusto ka niya!" si Kent na naman ang nasa harapan ko sa mga oras na'to.

"Kayo na naman?! At siya na naman ?! Pwede ba tigilan nyo ako. Paksheet lang. Huwag niyo sirain araw ko aah ! At anong pakialam ko kung gusto niya ako? I'm too sexy and beautiful to be inlove so back off bitches !" sumbat ko sa kanila habang patakbong naglakad palayo.

- - - - - - - 

Napangiti ako. Hindi ko inakalang ang kilalang maldita at sadista ay mahuhulog din pala sa bitag. Heto talagang si Kupido, napakapilyo. Imbis ayaw ko pang umibig kasi nga nakakasakal, heto ako ngayon, ngingiti-ngiti kasama ang prinsepe ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit sa pilyong Kupido na'to. Magpapasalamat dahil ang galing niyang humanap ng kabiyak. Binigyan niya ako ng katulad ni Adrian. At magagalit dahil ang bata-bata ko pa, umiibig na. 

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Wala lang" mas lumapad pa ngiti ko. "Naalala ko lang yung araw na nagkilala tayo. Ang sungit ko pala ano? Sa kasungitan ko, sayo rin pala ang bagsak ko at eventually namatay. Ikaw naman kasi eeh, pinapatay mo'ko araw-araw sa pagmamahal mo."

Ngumiti rin siya. "Naalala ko pa nga mukha mo nun ehh, hindi madrawing. Galit na galit ka sa'min. Parang gusto mo nang durugin kami. "

"So, sinasabi mong ang pangit ko nun. ganun!?"

"Parang di naman" tumawa siya.

"I hate you" tinulak ko siya.

"I love you" hinatak niya ulit ako at niyakap.

"Huwag kang kumalas sa pagkakayakap ko. Hindi pa natatapos ang theme song natin ehh"

Napangiti na lang ako.

"I love you sungit. Mahal na mahal kita."

"I know right"

♪ ♫ ♩ ♬  And all along I believed

I would find you

Time has brought

Your heart to me

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more ♪ ♫ ♩ ♬ 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfinished FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon