DANIEL'S POV
Kakauwi ko lang dito sa bahay. Medyo masama ang loob dahil natalo ako sa dota at may consequence pa. Nakahiga ako sa kama at nagmumuni muni ng bigla akong nakarinig ng footsteps na parang nagtatakbuhan papunta sa room ko
Maya maya biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko
Pare! Ano kamusta? Ayos ba yung deal? natatawang tanong ni Seth sabay hagis ng katawan nya sa kama ko
Oo na oo na pero sinong babae ba? tanong ko sakanila sabay upo sa kama ko
Ganiito since may pasok na bukas kung sino ang unang babae ang maririnig mong maggitara okaya kumanta sya ang gagamitin mo sagot ni Katsumi
Astig din itong si Katsumi eh! Alam na alam agad ang isasagot. Adik lang. xD
Pero talagang naggigitara at kumakanta? Talagang yung gusto ko sa mga babae? Oo yun ang gusto ko sa mga babae, yun bang kakaibang kakaiba sya. Pamatay talaga sakin ang mga babaeng magaling maggitara eh.
Ideal girl ko pa talaga? Ayos ka bro ha! sagot ko kay Katsumi sabay suntok ng balikat nya ng mahina
Be ready bro nangiinis na sabi ni JC
Les ang tahimik mo ata? tanong ni Seth kay Lester na nagbabasa ng newspaper
Tutol ako sa deal nyong yan matipid na sagot ni Lester pero nakatingin parin sa dyaryo
Huh? Bakit naman? nagtatakang tanong ni Katsumi
Gagamit kayo ng babae na maiinlove kay DJ tapos malalaman lang nya na kaya lang sya niligawan dahil lang sa isang deal? Ayokong makasakit kayo ng feelings ng ibang babae sagot ni Lester pagkatapos ibaba yung dyaryo at tumingin ng seryoso sakin
Makisakay ka nalang bro. Exciting toh sagot naman ni Katsumi sabay akbay kay Lester
Ok pero wag kayong tatakbo sakin dahil nagkakagulo na ha. Binalaan ko kayo sa gusto nyong yan babala pa ni Lester
Pagkatapos ng usapan umuwi na sila tapos ako naman maagang natulog. Iniisip ko kung sino ba ang maririnig kong kakanta at maggigitarang babae. Try kong pumunta sa music room? Sige! Good idea pero di ko isasama yung mga kaibigan ko
KINABUKASAN
Nandito ako sa school, maaga pa masyado kaya wala pang masyadong tao. Wala parin yung mga kaibigan ko, di ko pa sila nakikita eh.
Kaya ayun naglakad lakad lang ako. Hanggang sa nariting ko ang second floor, nandito na ako ngayon sa art room ng mga elementary malapit na nga ako sa music room. Pero patuloy lang ako sa paglalakad. Nang biglang may narinig ako..........
KATHRYN'S POV
Ako si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Isang simple at tough girl. Hindi naman talaga ako ganito dati, napaka arte ko. Isang tao lang naman ang nakapagbago saakin.
Si Albie Casino. Sya ang first love ko. Actually bestfriends kami dati. Kaya lang pumunta sya sa America para sa girlfriend nya nanag migrate dun. Sobrang mahal nya kasi eh, isipin nyo yun? Ako yung laging nasa tabi nya, yung mas tatagal sa pakikisama sakanya pero mas pinili nya yung girlfriend nya. Mga 1 year na sya dun 1 year and di ko alam months.
Nandito ako ngayon sa music room, maaga kasi akong pumasok eh. Dala ko yung gitara na regalo sakin ni Albie nung birthday ko. Tumugtog ako nung 'Kung ako nalang sana'
Habang naggigitara ako kumakanta din ako. Pero nakangiti lang ako. Kapag kasi naggigitara ako gumagaan ang pakiramdam ko.
DANIEL'S POV
Nandito na ako sa second floor parin, napalapit na ako sa music room ng bigla akong may narinig. Parang sound ng gitara, napatingin ako sa bintana na glass, tapos binuksan ko konti yung pintuan ng konti lang. Narinig kong may babaeng naggigitara at kumakanta nung 'Kung ako nalang sana'
Nakita kong may mga ngiti sa mata at labi nya. Eto na nga, sya na yung gagamitin ko para kalimutan si Louise. Sorry miss ha. Hindi ko sinasadya kung ano mang sakit ang maidudulot ko sayo.
Habang kumakanta nakita kong masaya sya, muka sya anghel sa mga ngiting nasa labi nya.
I'm sorry God for I'm going to make your angel cry.
Parang di ko makakayang makapagpa iyak ng isang magandang babae katulad nya. Pero gagawin ko ang lahat.
Biglang may nagsalita sa likod ko
Bro sya na ba? Maganda sya! Lapitan mo na! Go! sabi ni JC sabay tulak sakin papasok ng music room
Ang lakas ng pagkakatulak ni JC sakin para akong nilampasong basahan dun sa lapag hahaha! Napahinto yung babae sa paggigitara nung nakita nya ako, napadilat din sya. Dahil nakapikit sya habang kumakanta. Ngumiti sya sakin ng malungkot tapos tumayo then inoffer yung kamay nya sakin na ang ibig sabihin ay tinutulungan nya ako sa para makatayo.
Are you ok? tanong nya sakin
Oo. Salamat sagot ko sakanya sabay hawak sa kamay nyang inooffer nya sakin
I'm Kath and you are? tanong nya sakin habang nakangiti
Daniel sagot ko naman
Nginitian lang nya ako
Narinig kong tumutugtog ko kanina, pano ka natuto? tanong ko sakanya
Umupo sya at nagsalita
Self taught lang, pero mas natuto ako nung ... pagdating sa second part bigla kong nakita yung lungkot sa mga mata nya mas natuto ako nung tinuruan ako ng bestfriend ko pagpapatuloy nya sabay ngiti at tingin sakin
Alam kong nalungkot sya sa sinabi nya kaya di nalang namin pinagusapan. Parang nakokonsensya ako sa gagawin ko. Kasi parang may hinanakit na sya tapos dadagdagan ko pa. Sorry Kath pero kailangan ko itong gawin.
Pagkatapos namin magkwentuhan nagbell na tapos hinatid ko sya sa room nila, magkaiba kasi kami ng room eh.
Days passed mas nagiging sweet ako sakanya tapos madalas ko din syang nahuhuling tumutugtog ng rock na mga kanta. Tapos ayun tinuruan ko pa sya ng iba pang insturemnts.
Mabait sya at hindi maarte pero masyado syang masikreto. Napaka unique na babae ni Kath. Nandito kami sa mini park ng campus dito kami tumatambay ng mga kaibigan ko. Ipapakilala ko si Kath sa mga kaibigan ko.
Tinext ko sila at sinabihan kong magmadali. Malapit na daw sila.
Maya maya natanaw ko na sila si Kath naman nagcecellphone lang. Lumapit na samin sila Seth. Kompleto sila
Biglang nanlaki mata ni Kath at ni Lester
BAKIT KAYA NANLAKI ANG MGA MATA NI KATH AT NI LESTER? HMMMM.... MAY ISSUE BA DITO? NAKU! PANO NA ANG PLANO NILA DANIEL? KEEP READING LANG PO ^_^