ALY ARRESSE TORRES
"Hijo. How's your business. I heard, you got the deal with the japanese investors. I'm sure kumpadre is very proud of you" sabi ni Dad.
Nakayuko lang ako habang kumakain. Ayokong makita si Aly. Katapat ko lang kasi ito.
"It's good Tito Arman. Actually by the end of this month. May deal pa akong kailangang ipanalo" sagot ni Aly
Napanguso ako. Yabang.
"Oh. Kumpare. I'm so proud with my son. Biruin mo at the age of 27, nasa one of the most famous bachelor itong anak ko. At lagi siyang laman ng business columns"
Huh!. Pati kamo. Showbiz columns. Landi po kasi ng anak niyo Tito Ascel
"Hay. Sana nagkaanak rin ako ng lalaki"
"Arman!" sigaw ni Mom
Lalo akong napayuko
"What? I'm just having a wistful dream. Kung pumayag ba naman yang anak mo na ma-engage kay Aly. Edi sana, nagkaroon rin ako ng anak na lalaki na pwedeng pamanahan ng business natin"
Naikuyom ko ang kamao ko. Lagi na lang ganito.
Dad. Hate me not being a son he dream about.
Kaya siguro at the back of my mind. Gusto kong maging lalake. Kaya siguro attracted ako sa mga babae.
"Tama na yan. Arman. Don't ruin the night" saway nang aking Mom kay Dad
Nagkibit balikat lang ito at muling nakipag-usap kay Tito Ascel.
Pinaglalaruan ko ung pagkain ko. Nawala na ako sa mood dahil Dad bring that again. Tulad sa mga korning teleserye. Gusto ng mga magulang ko at magulang ni Aly na ipakasal kami. Hindi nila ipinilit ng hindi ako pumayag. Akala ko tanggap na nila lalo na ni Dad pero kapag may pagkakataon. He will bring up again the topic that create havoc in my system.
Bakit ba. Hindi niya ako mapagkatiwalaan sa negosyo niya? Because he think girl's are emotional? Na madaling utuin? Na madaling maloko?
I did everything. I got latin honors as a Mechanical Engineer. I did my best to reach the top. But my Dad was not a fan of appreciation.
Kaya sometime, I'm asking myself. Why did i born female? May ginawa ba akong masama in my past life kaya ganito ang naging karma ko? Why dad can't accept me?
"Aly. Your Tito Ascel is asking you" malamig na boses ni Dad ang nagpabalik sa pagmumuni ko.
Pinigilan kong huwag mapaismid when i heard my first name. I hate being called 'Aly'.
Peke akong nanghingi ng pasensya kay Dad at bumaling kay Tito Ascel
"What is it Tito?"
Ngumiti sa akin si Tito. Minsan i wish Tito is my Dad. Napakabait nito, nanghinayang pa nga ng malamang lalaki ang naging anak nito. Tito want to have a daughter dahil puro lalake ang naging kapatid nito pero dahil naoperahan si Tita. Hindi na sila nagkaanak.
"How was your job hija?"
"Good. Tito" matipid kong sagot
Tumango tango ito bago bumaling kay Aly
I get a piece of cake. Kinuha ko ung tinidor ko at kumuha ng kapiraso saka isinubo agad.
"May boyfriend ba si Aly. Hijo?"
Muntik ko nang mailuwa ung isinubo kong cake. Tumingin muna sa akin si Aly bago umiling
May naging girlfriend po ako Tito. Inagaw lang ng anak niyo.
BINABASA MO ANG
ALY
General FictionWARNING: MATURE CONTENT PS: I'LL PRIVATE THE SPG PART. FOLLOW ME IF YOU WANT TO READ THE CHAPTER. Read at your own risk © All rights reserve 2017 Original work of Katandrea