CHAPTER 8

263 7 5
                                    

WARNING: SPG.

READ AT YOUR OWN RISK

ALY ARRESSE TORRES

"I want you"

Nandidiri kong binitawan ang mukha ni Aly.

"Taglibog ka naman Aly. Ano ba! Hanggang ngayon ba naman?"

Umungol lang muli ito at hinila ang isang kamay ko. Hinalikan nito ang likod nito. Papunta sa mga daliri ko tapos ay sa palad ko. Tumaas ang kamay nito sa braso ko tapos ay sinubo ang index finger ko

Itinulak ko si Aly

"Kadiri ka! aso ka ba? Yuck! You drool pre" inis akong pumunta muli sa kwarto ni Aly at pumasok sa Shower room. Naghugas ako at lumabas. Naghanap ako ng tissue. Nakita ko ito sa table lamp ni Aly.

Pinunasan ko ang basa kong kamay at inayos ang bathrobe ko. Hinanap ko ung dress ko at nag-damit. Inayos ko ang basa kong buhok at naglipstick muli

Bumukas ang pinto. Nangilabot ako ng makitang naka-boxer na lang si Aly, suot pa rin ang puting polo nito na may nectie. Dala dala ang wine glass na ininuman ko kanina. Sa itsura ni Aly mukha na itong tinamaan.

"Lasing ka na Aly. Aalis na ako. Mag-aalas dose na. I need to see Janice"

Ngumisi lang ito at nagsayaw na parang macho dancer

Pinigilan kong masuka.

Gusto ko sanang ivideo si Aly para may pamblack mail rin ako pero nagtetext na ulit si Janice kaya wag na lang.

Tumayo ako habang humahakbang papalapit si Aly tapos nagsasayaw. Tinanggal nito ang nectie at inilagay sa ulo.

Nababaliw na to

Natatawang pinagmasdan ko ang nakapikit na mata ni Aly. Ganito pala malasing si gago.

Iniabot sa akin ni Aly ung hawak na wine glass.

Umiling ako pero inaabot niya pa rin

"Last na. Arresse then you can go wherever you want. Kahit sa langit pa. Gusto mo samahan pa kita e" tapos tumawa ito na parang baliw.

Nagkibit balikat ako at kinuha ang wine glass saka diretsyong nilagok.

Pumalakpak si Aly na parang nanalo sa lotto saka sumayaw muli. Unti unti nitong binuksan ang tatlong butones ng polo at nag-wink sa akin.

Nilunok ko ang natirang wine at parang mas lalong uminit ang pakiramdam ko.

Hinawakan ni Aly ang dalawang balikat ko at ngumisi. Parang namamalikmatang tumingin ako kay Aly.

Bat gumwapo yata si Aly ngayon? Gwapo ba to pag nalalasing?

"Gusto mo ng lap dance. Arresse?" natatawang tanong nito at nagsimula akong sayawan.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko.

Itinulak ako ni Aly sa kama kaya napaupo ako.

Tumunog ang cellphone ko pero parang nawalan ako ng pake doon..

Ngumising muli si Aly at kinuha sa kamay ko ang cellphone.

"Hello? Hey! Si Arresse ba? She can't go now. I'm sorry. Yes. Dahil sa emergency. Buntis kasi siya. Yes. I am the father. Oh. It's okay. Sige. Bye"

Napapikit pikit ako dahil sandaling rumehistro ang mga pinagsasabi ni Aly kay Janice

Sinong buntis? Ako? Buntis? Kailan pa? Sino bumuntis sa akin? Si Sena? Sht. Nakakabuntis ba ang babae?

ALYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon