CHAPTER 6

149 4 0
                                    


ALY ARRESSE TORRES

Hah!

Kapal ng mukha

"Wala akong pake sa sexcapades mo! O kung ano mang katarantadu---"

"I was joking Arresse. Nasa harap ako ng pinto mo. Tinakbo ko kaya hinihingal ako"

Nanlalaki ang mga mata kong lumabas upang tignan ung pinto ng condo ko.

"Aresse.. Let me in"

Itinapat ko ung cellphone sa bibig ko




"Ulol"

Sabay talikod at pasok ulit sa kwarto ko. Nagtalukbong ako ng kumot saka pinilit na matulog.

Asa ka pa.

----

From: 0921*******

      Morning. Hey Resse! Remember me? This is Janice.

Tinignan kong mabuti ung nag text sa akin. Actually dalawa ung text message na natanggap ko. Ang una ay galing kay Aly. Hindi ko binasa. Masisira ang araw ko panigurado at ung pangalawa ay galing kay Janice.

From: 0928******

     Uhm. Hey? Morning


Maya maya ay tumawag si Janice. Kinusot ko ung mata ko bago ko ito sinagot.

"Hey. Resse. Kagigising mo lang?"

Tumango tango ako kahit na hindi naman niya nakikita

"Yup"

"Uhh. Resse. Gusto sana kitang invite mamayang gabi. Sa may Ecstacy lang. I just want to know you more" malambing na sabi nito

"Uhh. Sige"

"Yes! See you later. Resse. I'll text the time. Bye" at nagpatunog pa ito ng flying kiss

Napailing na lang ako at nagsimulang gumayak para sa trabaho ko. Habang nag-susuot ako ng boxer. Naka receive ako ng message galing kay Janice. Sinabi nito kung anong oras. Tamang tama. Gusto kong mag-hang out. At tamang tama dahil 4 pa naman ang out ko.

Nang makaayos na ako. Nilagyan ko ng cardigan ang likod ko. Sleeveless kasi ang naisuot kong dress. Nag-heels ako at kinuha ang susi ng kotse.

Pinakain ko si Blu at binlower ang fur nito. Sinabay ko kasi sa paliligo.

Nang maayos ko na ang dog cage nito.

Tinawagan ko ung maid namin at pinabantayan si Blu. Hindi ko na hinintay ung maid at sinabing may spare key ako sa receiving area. Binilinan ko na lang iyon at umalis na

Bumaba ng ako ng condo at pumunta sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ko, dumiretsyo na ako sa firm ni Tito Ascel. Isang Engr si Tito Ascel at colleague ito ni Dad. 

Ang ibang business nito ay hawak ni Aly. At kaya pumayag akong magtrabaho sa firm ni Tito ay dahil una wala si Aly at pangalawa, ayokong mainsulto araw araw dahil kay Dad.

Inayos ko ang damit ko bago pumasok sa firm. Sumakay ako ng elevator at ng makarating ako sa Department namin ay agad akong binati ng mga kasamahan ko sa trabaho na pulo's lalake.

Nakangising umapir sa akin si Alen

"Sexy natin ngayon, miss ahh"

Tinawanan ko lang ito at dumiretsyo sa sariling cubicle. Inilapag ko ung bag ko at nagsimula ng magtrabaho.

ALYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon