Corridet's P.O.V
"Mom!sigurado na ba'to?!"tanong ko kay mommy habang nagiimpake ng gamit sa kwarto.
Ang sabi kasi niya lilipat na raw kami ng tirahan doon sa probinsiya,nabili na raw ni daddy iyon,akala ko nga biro lang yun dahil kagabi pa nila sinabi,eh ayun pinanindigan pala nila which is tutol ako dahil nandito ang mga friends at ang mga malls na pinupuntahan ko sa city,and compare to province?it's like duh!ang boring kaya doon!
Nakatayo si mommy sa gilid ng pinto ng aking kwarto habang nakakibit balikat,hindi niya ba napapansin?!ayoko sa province!sana man lang tumutol siya sa desisyon ni daddy!
"Anak,sure na nga,ikaw na nga lang ang hinihintay eh,lahat ng gamit rito sa bahay naimpake at nasa loob na ng sasakyan,ikaw ang bagal bagal mo,bilisan mo na nga diyan,yung mga pinaglumaan mong gamit wag mo nang dalhin,matatraffic tayo dahil sayo eh."pagsusungit ni mommy sa'kin.Eh ano pa nga bang magagawa ko?
Dali dali kong inimpake ang aking gamit which is only one big maleta at pumunta sa parking lot.
"Ate!bilisan mo nga!"sigaw sa akin ni Spike na nasa loob ng sasakyan,kaisa-isa kong kapatid na lalake,excited naman 'to!
I rolled my eyes at him.
"Oo,andyan na!"sagot ko habang iniaabot ang aking maleta kay manong Seb para ilagay niya sa compartment.Pumasok na ako sa van,umupo ako sa backseat katabi si Spike na busy sa kakikinig ng music,may suot pa nga siyang malaking headset eh,music lover or trip lang?!
Ang boring naman!
Habang nagmamasid sa labas,nakaramdam ako ng vibration inside my pocket,kinapa ko ito and I realized it was my phone."Oy Corridet!totoo bang lilipat na kayo?mami-miss kita :( "
sabi ng text galing kay Levie,ang plastic friend ko,for sure hindi ako ang kanyang mami-miss kundi ang mga panlilibre ko."Oo,totoo yun,actually were on our way na nga eh,pero I think hindi kita mami-miss,sorry :p "
Reply ko sa kanya,honest kaya ako,lagi ko nga siyang sinusungitan eh pero kinakaibigan parin niya ako dahil nga sa pera ko,for sure hindi na magrereply yun,I think I hurt her feelings,sa loob ng 17 years of existence ko,wala akong naging tunay na friends,I think pera lang ang habol nila lahat sa akin.Si Daddy kasi may pagmamay-ari or should I say may pinapatakbong malaking Insurance Company,hindi nalulugi ang company kaya nabibili ko lahat ng gusto ko at nakakapunta sa iba't ibang lugar na gusto kong puntahan.
May nakain siguro na masama si daddy kaya naisipan muna niyang ipaubaya ang company sa kanyang secretary,gusto niya raw munang makapagrelax sa probinsiya dahil tahimik raw roon at malayo sa mga transportation at crowded na tao.
Ako naman I hate province,and worse,doon na raw ako mag-aaral,naku!baka ang cheap ng mga classmates ko roon!
"Mom!Dad!ayoko sa province!"pagmamaka-awa ko sa kanila habang umaarte sa pag-iyak!Para man lang siguro magbago ang isip nila.
Lumingon sa akin si mommy mula sa tabi ng driver seat.
"Honey,focus on the road,ako na ang bahala kay Corridet."sabi ni mommy which I think para kay Daddy.
Umiyak ako ulit and covered my face with my two hands.
"Sweetheart tama na ang drama,kahit ano pang gawin mo,hindi na magbabago ang isip namin." sabi nito sa marahang tono habang hinahaplos haplos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
A Ghost In My Room
RandomShe is Corridet,tiyak na hindi mo magugustuhan ang ugali niya sakaling magkakakilala kayo. Paano kung isang araw,may misteryosong mangyayari at ipapagawa sa kanya,will she be able to handle it with her quite bad personality?or lalo lang maging kasuk...