Andrea's P.O.V
Malamig.
'Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Tinignan ko ang suot ko.
Napanguso ako.
Tsk.Butas butas na ang uniform blouse ko at napakaiksi naman ng palda ko.
Kung pwede lang talaga magpalit ang mga multo.
Natawa ako.
Araw-araw kung dinadalaw ang puntod nila mama at papa.
Hanggang ngayon hindi parin mabura sa isipan ko ang mga nangyari,kung paano sila namatay,kasalanan ko 'to eh,ang tigas kasi ng ulo ko.
Pero wala eh,nangyari na.
Naglakad na ako pauwi sa bahay este sa dati kong bahay,kamusta kaya ang encounter ni Corridet kay Prince? Okay lang kaya? Or nagkita kaya sila?Tatanungin ko nalang siya.
Pumasok na'ko sa bahay or should I say sa bahay nina Corridet,nadatnan kong nagkakape ang daddy niya sa sala habang kinakalikot ang isang tablet sa kanyang kanang kamay.
I missed my dad.
Sakto namang pumasok si Corridet na nakabusangot,dali dali siyang kumaripas ng takbo papunta sa kanyang ama at balisang nagtatanong ng kung anu-ano.
Anong kayang nangyari 'dun?Nakita ko namang humalakhak ng disente ang kanyang ama.
"Hindi.Hindi Corridet,wala kaming pinuntahan ni Manong Seb ngayon,hindi kami naaksidente."patuloy pa nito na halatang tumatawa parin.
Eh?Ano naman kayang klaseng tanong ang natanong ni Corridet?
"Kahit na dad,mag-iingat pa rin po kayo,by the way 'asan si mommy?si Spike?"Narinig kong sunod-sunod na tanong ni Corridet,ano bang nakain neto?OA masyado.
"Okay,okay...relax Corridet,okay?Ang mommy mo nagshopping and Spike?Hindi ba kayo sabay umuwi?"
Sagot ng kanyang ama.Diretsong papasok na sana ako sa kwarto para 'wag nang makinig sa usapan nila nang pumasok si Spike na nakaheadset parin habang nakakawit ang bagpack sa kanang braso nito.
"I'm home."malamig na sabi nito,napalingon naman sa kanyang direksiyon si Corridet at ang kanyang ama habang patuloy niyang tinatahak ang daan papunta sa hagdan,"Pasok muna ako sa kwarto."dagdag pa nito at tuluyan na akong nalagpasan,as expected hindi niya 'ko nakita,what do I expect?babatiin rin niya 'ko?
"See?Maayos kami?Maya maya lang darating na rin ang mommy mo,dream is just a dream Corridet,don't over react,mabuti pa magpahinga ka muna sa iyong kwarto."Suhestyon ng kanyang ama at sumimsim ng kape.
"Fine."inis na sambit ni Corridet at tinahak ang daan papunta sa kanyang kwarto.
"Dont over react."narinig kong habol pa ng kanyang ama.
Nakita naman ako ni Corridet na nakaabang sa pinto ng kanyang kwarto,Natigilan siya saglit pero ngumiti narin.
"Having a bad dream?"tanong ko pagkapasok namin sa kwarto.
"Yeah"sagot niya at pabagsak na humiga sa kama.
"Okay..."Napatango tango ako,I was expecting na may ikwekwento siya about Prince but wala,she quickly fell asleep.
Corridet's P.O.V
Ikaw na nga 'tong concern,ikaw pang masama,tsk.
Napabalikwas ako ng bangon,umaga na pala.
Naghanda na ako para sa pagpasok nang biglang sumagi sa isipan ko si Andrea,wait...may itatanong pa pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Ghost In My Room
RandomShe is Corridet,tiyak na hindi mo magugustuhan ang ugali niya sakaling magkakakilala kayo. Paano kung isang araw,may misteryosong mangyayari at ipapagawa sa kanya,will she be able to handle it with her quite bad personality?or lalo lang maging kasuk...