Corridet's P.O.V
Maaga akong nagising ngayon,mukhang inspired ata ako ah.
Nadatnan ko si manang na nagluluto sa kusina,5:00 na ng umaga,umiling ako nang mapansin na natutulog pa sina Mom at Dad and specially Spike,tulog mantika kaya iyon.
Bumalik ako sa kwarto para maligo pero halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Andrea sa likod ng aparador.
"Oh My Gosh Andrea!Kay aga-aga tinatakot mo ako ng ganito!"
Sabi ko habang nakapwesto pa ang magkabilang kamay sa'king dibdib."Pasensya na,napansin ko lang kasi,pinalitan na iyong lumang aparador ko."sabi niya.
Oo nga pala,na accomplish na ni daddy ang mga requests ko,kasama na iyong papalitan ang lumang aparador na tinutukoy ni Andrea,so sa kanya pala iyon.
"Sorry ha,ang luma na kasi nun eh."sabi ko.
"Okay lang!handa ka na ba para ngayon?"tanong niya.
"Oo,ikaw nga 'tong abala sa'kin eh"sagot ko habang pabagsak na umupo sa kama at nagkibit balikat.
Pumunta siya sa may aparador at may kinuha rito,woah!nakakahawak pa talaga siya ng bagay-bagay.
Lumapit siya sa'kin,tumayo ako para harapin siya.
"Ano iyan?"tanong ko nang mapansin na may hawak hawak siyang maliit na kahon,kulay blue ito at may ribbon sa gitna.
"Para sayo"inilahad niya sa akin ang kahon,tinitigan ko ito "Matagal ko rin itong iningatan,ibibigay ko ito sa'yo bilang pasasalamat,alam mo bang ikaw lang ang binigyan ko ng thank you gift."dagdag pa niya sabay ngiti.
Kinuha ko ang maliit na kahon at binuksan,nakalagay rito ang isang silver na kwintas at may pusong hugis na pendant,infairness maganda siya.
"Suotin mo iyan ngayon,treat it as your lucky charm."sabi ni Andrea habang pinagmamasdan ang kwintas.
"Sige,thank you!"sagot ko habang inilalapag ang kahon sa mesa."Maliligo muna ako"sabi ko at akmang tatalikod na sana nang muli niya akong tawagin.
"Corridet"her sweet voice said.
"Yes?"humarap ako sa kanya.
"Good luck!"masigla niyang sabi.
****
Papalakad ako sa hallway ng Ville University papuntang classroom.
Hinatid pa nga ako ni Daddy sakay sa Van kahit bagong gising pa siya,nadatnan ko kasi silang dalawa ni Mommy sa kusina kaya nagrequest ako na magpahatid.
Si Spike ayon tulog parin!for sure malelate talaga iyon.Hahaha.Si Andrea naman pagkatapos kong maligo ay wala na siya sa room ko.Nasaan kaya iyon?I was expecting her to go with me.
Tahimik akong naglalakad sa hallway,suot suot ko ang striped skirt na kulay sky blue at red at ang upper naman ay red blouse na may kulay sky blue na necktie with a logo of school on it.2 inches above the ankle naman ang puting medyas paired with black leather shoes.
Kunti pa lang ang tao sa campus,napa aga nga talaga siguro ako,tahimik ang hallway papuntang classroom ko,mangilan ngilan lang ang mga estudyanteng nasasalubong ko,nasa 3rd floor pa ang room ko kaya nagsipag pa akong umakyat sa pagkahaba-habang hagdanan.
Pumasok ako sa room 315 na tinutukoy nitong papel na binigay sa'kin ni daddy,si daddy kasi ang nagpaenroll sa'kin,or should I say tauhan niya.
Pinihit ko ang door knob.Woah.Ang lamig naman sa loob,its air conditioned.Pumasok ako at sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
A Ghost In My Room
RandomShe is Corridet,tiyak na hindi mo magugustuhan ang ugali niya sakaling magkakakilala kayo. Paano kung isang araw,may misteryosong mangyayari at ipapagawa sa kanya,will she be able to handle it with her quite bad personality?or lalo lang maging kasuk...