Prologue: World Of Myths

43 3 0
                                    

Ang World of Myths o WOM, ay isang kilalang laro na, na buo mula sa pag co - colab ng dalawang kilalang kompanya, ang Zuzumiya Technologies ng Japan at Make It Happen ng Pilipinas.

Ang advance gaming technology ng Japan, at ang pambihirang concept/ animation ng mga artist mula sa Pilipinas, ang nagbigay buhay sa isang laro na di aakalain ng nakararami na posibleng mabuo.

Ang WOM ay isang Virtual Reality Massive Multiplayer Role Playing Game (VRMMORPG), nag re - require ito ng console na siya ring magiging susi para makapasok sa WOM, ang console na ito ay tinatawag na Virtual Reality Dimension Linker (VRDL).

Para itong wireless headphone ang pinagkaiba lang, yung parang headband part nito ay para sa likuran ng ulo, habang yung dalawang bilog naman ay nakalagay sa magkabilang side ng noo (temples), meron din itong tinted black fiber glass para sa mga mata.

Bawat console ay merong Specialized Micro SD Card na hugis bilog at kasing laki lamang ng limang piso, gawa ito sa fiber glass at gold.

Ang mga circular chip na ito ang nilalagay sa right side ng Virtual Reality Dimension Linker, dito nakalagay lahat ng character data, items at lahat ng mga makukuha mo sa WOM.

Ibig sabihin lang, pwede kang maglaro gamit ang ibang Virtual Reality Dimension Linker, basta ba mai - insert mo dun ang circular chip.

Tapos na ang beta testing na isinagawa sa ibat - ibang bansa at ngayon ngang araw na ito, ay official nang ni release ang mga Virtual Reality Dimension Linker at Specialized Micro SD Card para sa publiko, ngayon ding araw na ito ang sabay - sabay at official na pagbubukas/ pag o - online ng mga server sa ibat - ibang bansa, 12 PM -Philippine Time, Manila.

-----------------------------
•{Author's Note}•

Thank you for reading and giving my story a chance!

Please feel free to comment your thoughts, they will be greatly appreciated.

Also, if you find the story good. Please click on that vote button.

Thank you!

-Kei

World of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon