Tres/ Gino's POV
Nagulat na lang ako ng idilat ko ang aking mga mata. Kasalukuyan akong bumubulusok pababa mula sa kalangitan, isa pang dahilan kong bakit ako nagulat ay dahil sa sobrang realistic ng game na ito, to the point na nararamdaman niya ang pagtama ng hangin sa kaniyang katawan, actually parang kompleto lahat ng senses ni pakiramdam pa yan o pang amoy.
Now this is what you call Virtual Reality. Napangisi na lang ako, alam kong marami pang sorpresa ang larong ito.
Makalipas ang isang minuto nakikita na Tres ang lugar ng mukang pag babagsakan niya. Mas lalo pang lumapad ang kanyang ngiti sa nakikita.
Isa itong napakalaking kastilyo, mula dito sa taas makikita mo kung gaano ito kalaki at kataas. Maraming mga tao dito na may kanya – kanyang ginagawa.
May mga nagtitinda, namimili mga gwardiya na nag papatrolya sa ibat – ibang parte ng siyudad, napaka lively ng buong kaharian. Isa lang ang masasabi niya, napaka ganda ng lugar na ito.
Ng malapit na siyang bumagsak sa lupa, automatic na ibinuka niya ang kanyang mga kamay at unti – unti bumagal ang pag bulusok niya hanggang sa maitapak niya ang kaniyang mga paa.
Tumunog ang VR niya at nakita ang isang notification.
{Kingdom of Miljour, City of Heroes}
Naalala ko na! Meron akong kopya ng mapa ng buong siyudad na ito, nakuha ko sa beta tester's forum.
Chineck ko ang VR ko at tinignan ang stats ko.
Name: Tres
Race: Human
Class: Assassin
Sub Class: None
Influence: 0
HP: 100 / 100
Mana: 100 / 100
SP: 100/ 100
Attack: 20 – 30 (+5)
Defence: 10 (+10)
Accuracy: 10%
Critical Chance: 5%
Strenght: 10
Dexteriety: 15
Intellect: 10
Vitality: 10
Chineck ko na din ang laman ng Inventory ko.
Begginer's Cloak (+4 Defence)
Begginer's Pants (+4 Defence)
Begginer's Shoes (+2 Defence)
Dagger (+5 Attack, + 5% Crit Chance)
x5 Low HP healing Potions ( Heals 50 HP)
x5 Low Mana healing Potions ( Heals 50 Mana)
x2 Biscuits ( Heals 50 SP)
Gold: 0
Mukang okay naman ang Stats ko. Ngayon kelangan ko ng mag umpisa na mag pa level at ng makaipon na ng gold. The sooner na simulan ko, mas maaga kong mababawi ang nagastos kong P 44,500.00.
Agad akong naglakad papalabas ng siyudad habang inaalala yung mga dapat kong daanan base sa mapa na nakuha ko sa forum ng beta testers.
Di nag tagal, narating ko din ang gate.
"This is the end of the safe zone. Out there, you will encounter a lot of monsters. Becareful young man!"
Nagulat na lang ako ng bigla akong kausapin ng isa sa mga gwardiya na nagbabantay sa gate.
BINABASA MO ANG
World of Myths
Science FictionPumasok sa World of Myths, at makitang magkatotoo ang mga akala nating kathang isip lamang. "All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced or utilized in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recor...