Tres/ Gino's POV
Matapos kong maligo, agad akong nagbihis ng isang plain v neck gray shirt na pinaresan ko ng black fitted jeans at black old skool na vans.
Kinuha ko sa counter ang aking salamin a sinuot ito, near sighted kasi ako meron naman akong contact lense kaso ang sakit sa mata, nag mu-mukha akong naka drugs pag namula na.
Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang box ng WOM package, kinuha ko mula sa glass box ang silver na bracelet, kinuha ko mula sa Virtual Reality Dimension Linker ang Circular chip at nilagay ito sa loob ng lalagyanan sa bracelet.
Nilagay ko den yung transparent card na parang ATM sa wallet ko. Chi – neck ko yung oras sa aking cellphone at nakitang meron na lang akong 1 hour and 45 minutes para mamili, para naman makapag online ako kaagad after ng penalty ko.
Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa may garahe, agad akong lumapit sa motor kong itim, nag suot ng helmet at lumarga na.
Matapos ang 10 minutong biyahe, agad akong nakating sa mall. Nagpark lang ako saglit at dumiretso sa isa sa mga ATM machines, gusto kong matry ang pag co – convert ng gold to peso.
Nang makarating ako sa isang secured na ATM machine, agad kong kinuha ang transparent card mula sa aking wallet, ganun din ang circular chip na nasa bilog na parte ng aking silver bracelet.
Ipinasok ko ang circcular chip sa parte ng transparent card na parang isang jigsaw puzzle lang, ng sigurado akong naka kabit na ng maayos ang circular chip, agad ko itong ipinasok sa slot ng atm machine.
Nag check ako ng balance sa saving account at doon nakita ko ang P 10,000.00 na pinaghirapan ko. Ayos talaga!
Nagwithdraw/ convert ako ng P 4,000.00, matapos yun ay dumiretso na sa super market ng mall. Kumuha ako kaagad ng push cart tsaka pumasok ng tuluyan sa loob.
Una kong pinuntahan ang mga school supplies. Isang 500 pcs na box ng bond paper, tig apat na pad ng intermidiet at yellow pad paper, 20 pcs na ballpen at marami pang iba.
May natira akong P 1,800.00 at nakabili na din ako ng groceries niyan. Naisipan kong bumili ng bag kaya dumiretso ako sa bag sections ng mall, dahil sa di ako gaanong mapili, agad kong kinuha yung bag na sa tingin ko eh astig.
Binayaran ito sa cashier na nag kaka halaga ng P 1,499.00. Not bad, ngayon pa lang dahil sa larong yun di ko na kinailangan na manghingi pa kila mama ng pambili ng school supplies, nabilihan ko na nga din yung mga kapatid ko eh.
Bumili muna ako ng Hot Fudge sundae sa isang kilalang food chain saka nag lakad pabalik sa may parking lot. Meron pa naman akong 30 minutes bago matapos ang penalty ko kaya chill lang ako.
Naglalakad na ako malapit sa may parking lot at exit ng mall ng mapatingin ako sa isang cute na batang lalaking naka nguso at kunot ang mga kilay. Naka suot ito ng black sando na pinatungan lang ng gray na jacket, dark green shorts at tsinelas.
Di ko na ito pinansin at dumiretso na lang sa may parking lot at ng maka uwi na.
Katulad kanina inabot ng 10 minuto ang biyahe bago ako nakauwi. Agad kong inayos ang aking mga pinamili, hinati ang mga school supplies ng pantay pantay sa aming 4 na magkakapatid, nilagay sa food cabinet at ref ang mga groceries.
Eksaktong 5 PM, tapos na aking penalty. Agad kong sinaksak ang Virtual Reality Dimension Linker sa electrical slot sa may pader, ganun din ang circular chip na kinuha ko pa aking bracelet.
Habang suot suot na ang Dimention Linker at nakahiga sa kama, pinindot kong muli ang power button, agad kong naramdaman ang kagustuhang pumikit na siyang aking ginawa.
BINABASA MO ANG
World of Myths
Science FictionPumasok sa World of Myths, at makitang magkatotoo ang mga akala nating kathang isip lamang. "All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced or utilized in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recor...