Chapter 1

16 2 1
                                    


"Aaaaaaaaah!!!!" Sigaw naming lahat sa loob ng sasakyan. Naging napakabilis ng takbo ng sasakyan dahilan para mapayakap ng matindi sakin si Mommy.

Nakaharang man ang mga braso ni Mommy sa mukha ko ay kita ko pa din ang truck na mabilis na tumatakbo na babangga sa sasakyan namin. Kaya agad na pinihit ni Dad ang manibela pakaliwa para sana umiwas, ngunit sa kamalasan ay papuntang pala iyon ng bangin.

Kalaunan ay biglang nahagip ng truck ang likod ng sasakyan namin dahilan para tumilapon kami dirediretso pababa ng bangin dahil sa lakas ng impact.

Ilang minuto akong nawalan ng malay, ramdam ko pa din ang mahigpit na pagkakayakap sakin ni Mommy, kaya't dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko na sa una ay medyo nanlabo pero unti unti ay naanigan ko ang napakausok na paligid. Sinubukan kong kumawala sa yakap ni Mommy ngunit sa marahan na pagalis ko ng mga braso nya sakin ay ang dagliang paglupaypay ng mga braso nya at pagtumba ng katawan nya. Duguan sya.

"M-mommy!" Sigaw ko habang niyuyugyog ko ang katawan nya.

Wala syang response.

Hindi ko maramdaman ang paghinga nya.

Wala na si Mommy.

Nanginginig na ko sa sobrang takot.

Nangingilid na ang mga luha ko.

Agad akong tumayo para tignan si Daddy.

Duguan din sya na nakasubsob ang ulo sa manibela.

Wala na ding buhay.

Di ko na nakayanan pa at umiyak na ko ng napakalakas habang humihingi ng tulong.

Sa paggalaw ko upang buksan ang pinto ng sasakyan ay biglang lumundo ito at muling umusok.

Mula dun ay di na ko mapakali kaya pinilit kong buksan ang sasakyan hanggang sa nakaramdam ako ng matinding init at unti-unting nababalot ng usok ang loob ng sasakyan.

Nanghihina na ko kakasigaw.

Nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Naninikip na ang dibdib ko.

Hindi na ko makahinga.

Natumba na lamang ako sa walang buhay na katawan ng Mommy ko, habang umiiyak.

Napapikit na ko.

Di ko na kaya.

Nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan sa gilid ko.

Pinilit kong imulat ng maigi ang mga mata ko at unti unti ay nasisilaw ako sa sobrang liwanag na unti unti ay bumabalot sa kinalalagyan namin.

Hinang hina man ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at naaninag ko ang isang napakagandang babae, na may napakagandang ngiti. Nakaputi sya at may malalagong pakpak.

Isa ba syang anghel?

Ito na din ba ang katapusan ko?

Sya na ba guardian angel ko na kinikwento ni Mommy?

Sinusundo na ba nya ako?

Napakabata ko pa para matapos ng ganito ang buhay ko.

Pero ayos lang, atleast magkakasama pa din kami nila Mommy at Daddy.

Hinaplos nya ang mukha ko ng marahan dahilan para umiyak ako lalo.

Pinunasan ng anghel ang mga luha ko at dahan-dahang hinaplos ang mga mata ko.

Mukhang ito na ang huling sandali ko.

Oras na upang sumama na ko sa aking guardian angel.

(T⌓T)

(ㄒoㄒ)

(╯︵╰,)


o(╥﹏╥)o



DEAN'S POV


Krrrrrrrrrrrrrriinnggggg!!

< alarm clock po kasi yan O(≧∇≦)O>

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang kinakapa kapa yung pesteng alarm clock para patayin ito.

7:00 am

Nak nang!

Late na ko!

Dali dali akong tumayo at agad na pumasok sa cr para maligo. Pag tapos ay agad na nagbihis na ko at mabilis na bumaba.

"Good morning iho!" Nakangiting bati sakin ni manang Binang. Si Manag Binang ang inatasan ni lolo para bantayan ako mula pagkabata kaya kumbaga sa kanya na ko lumaki mula nung mamatay ang parents ko.

"Morning" mahinang usal ko habang kinakabit ang butones ng polo ko sabay higop ng kape.

"Alis na ko."

"Iho, sumubo ka muna ng agahan!"

"I'm late! I'll just take my breakfast in the office. I'll go ahead Manang, see you later!" At dun ay mabilis na kong bumaba ng terrace at pumunta sa sasakyan ko.

"Iho! Diyosporsanto, tawagan ko yung driver para ipagmaneho ka!" Pahabol ni Manang.

"No need Manang. I can manage." Sagot ko, sabat maniobra ng sasakyan at mabilis na pinaandar. Naaninag ko pa sa side mirror ang nagaalalang mukha ni Manang Binang.

Habang nagdadrive ay bigla kong naalala yung napanaginipan ko kanina.

Nah. Di lang sya panaginip.

Isang napakasamang panaginip.

Isang bangungot.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

At sandali ay ipinark ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Dahil nakakaramdam nanaman ako ng bigat sa ulo ko. Napakabigat.

"Aaaaaaaaaaaaaagh!!"


CALEB'S POV

"Keep the change." Tugon ko sa taxi driver pagkaabot ko ng bayad.

Tsk. Mukhang inabot nanaman ng trauma tong bestfriend ko sa daan. Sinabihan ko na na wag muna magdrive dahil bumabalik lang masamang nangyari e.

Natanaw ko si Dean na nakasubsob ang ulo sa manibela habang sinasabunutan ang sarili. Kaya't patakbo ko ng tinungo ang sasakyan at agad na umupo sa passenger's seat.

"Dre'? Are you alright?"

Umungot lang sya habang lalong hinihigpitan ang pagkakasabunot sa buhok nya.

"Sira ulo ka ba naman kasi. Kinukuha ka na nga ni Manag ng driver ayaw mo pa."

Di pa din kumikibo si Dean. Kaya tinapik tapik ko pa ang balikat nya.

"Dre? You want me to bring you to the hospital?"

Umungot lamang sya sabay iling.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Tayo dyan Dre, palit tayo. Ako na magdadrive."

At dun ay bumaba ako at lumipat naman si Dean sa passenger seat.

"Are you sure you're okay? Umabsent ka kaya muna so you could take a rest." Nagaalalang tanong ko pagkasakay ko sa sasakyan.

Lumingon sya sakin ng may malamlam na mata.

"Ikaw na din ba ang aattend sa Board Meeting?"

"Ay!" Biglang sambit ko. "May meeting din pala ako with my cluster. Let's go?" Sabay bitaw ng napakalapad na ngiti at paandar ng sasakyan.

"Tch." Tanging nausal nya.

At doon ay mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan dahil late na late na kami.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon