DEAN'S POV
"Thank you Dre." Sambit ko sabay tapik sa balikat ni Caleb.
"Tsk. Maghire ka na kasi ng driver." Sagot niya.
"Nah."
"Gvgv ka ba? Dumadalas na kaya ang pagsumpong ng sakit mo. I think you should see your psychiatrist once again."
I nodded. "Yeah. I'll find time for it."
"You should." Caleb said.
"Yea." I answered.
"I'll go ahead. See you later Dre." Sabay tapik sa balikat ko habang naglalakad palabas ng office ko at sya namang pagpasok ng ojt.
"Goodmorning sir. Here is your coffee." Sabay abot sakin ng coffee na tinimpla nya.
"Thanks." Tugon ko. Nilapag ko muna yung coffee sa table ko at pabagsak na umupo sa office chair ko.
"Ms. Nancy, you can leave now." Utos ko sa ojt nang mapansin ko na nakatayo pa din sya sa may gilid.
I rested my nape in the back of my seat as I closed my eyes. Then 'her' image suddenly appeared in my mind. I smiled unconsciously as I have seen her smile onced again.
I just remembered the time, 16 years ago after that tragedy happened in my family.
FLASHBACK
Nagising ako after 2 days na pagkakatulog ko, habang dahan-dahan kong minumulat ko ang mga mata ko ay muli kong naaninag ang napakagandang ngiti ng 'nya'.
Dun ay dahan-dahang tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko nanaman ang init ng palad nya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Mahal ka ng Diyos Dean. May dahilan kung bakit hinayaan ka nyang mabuhay. May dahilan din kung bakit nya kinuha ang mga magulang mo. Pero Dean, di magbibigay ang Panginoon ng masamang dulot sayo. Pakiusap, mabuhay ka ng masaya at sa iyong paglaki, doon mo mauunawaan ang lahat." sabay turo nya sa taas.
Bumubuka buka ang aking bibig ngunit wala man lang akong kahit anong salita na masambit. Madami ako gustong sabihin pero di ko alam kung paano. Gusto ko makita ang Mommy at Daddy ko. Gustong gusto.
Hinaplos 'nya' muli ang mukha ko. "Nandito lang ako para bantayan ka. Para protektahan ka. Hinding hindi kita iiwan at pababayaan, Dean."
At doon ay muling pumikit ng kusa ang mga mata ko.
Ngunit maya maya ay nagising ang diwa ko ng marinig kong may nagtataas ng boses mula sa isang bahagi ng silid na kinaroroonan ko. Dahan-dahan ay iminulat ko ang mga mata ko.
Nilinga linga ko ang aking ulo.
At biglang tumakbo palapit sakin ang isang nurse.
"Doc, gising na po ang pasyente!" Sambit nito.
"Check his vital signs!" Utos ng doktor dito.
"Jesus!"
Pamilyar sakin ang boses at pananalita. Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Lolo.
"My son! My son! Oh my Jesus!" Sigaw ni lolo sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Habang nakayakap ay lininga linga ko ang ulo ko, tila may hinahanap.
Oo. May hinahanap nga ako. Si Angel. Ang guardian angel ko. Ngunit walang babae na may napakagandang ngiti ang nasa loob ng silid ko.
"Apo, may hinahanap ka ba?" Si Lola.
Tumingin lamang ako kay Lola. Hinaplos nya ang mukha ko habang humihikbi.
After 3 days...
"Espren kamusta ka na?" Si Caleb.
Buntong hininga lamang ang naisagot ko sabay tungo.
Masakit pa din sakin ang nangyari. Hindi ako makapaniwalang iiwan ako nila Mommy at Daddy ng ganun kabilis.
"Condolence." Tugon uli ni Caleb.
END OF FLASHBACK
9:00 pm
Katatapos lang ng meeting ko kasama ang mga cluster managers ko. Bumaba ako sa office at tumungo sa parking area. Ngunit malayo palang, naaninag ko na may mga lalaking nakikialam ng sasakyan ko.
Wtf.
"HEY!" sigaw ko at naalarma naman ang mga lalaki.
Akala ko ay masisindak at aalis sila sa pagdating ko. Ngunit hindi. Imbes, ay sinugod ako ng isa sa lalaki dun at inaambaan ako ng suntok. Nakaiwas naman ako kaya ginantihan ko din sya ng mas malakas na suntok sa mukha, dahilan para tumilapon sya.
Doon na sumugod ang mga kasamahan nito.
Suntok dito.
Suntok doon.
Napabagsak ko silang lahat.
Pero sa di inaasahang pangyayari ay bigla ako sinugod ng isa sa mga lalaki para saksakin ako gamit ng balisong nya ng biglang--
WHAT THE---
"Pre!" sigaw nung isang lalaki na kasama nya
"Tvnginv!" Bulong ng lalaki na dapat ay sasaksak sakin.
Sabay dating ng mga gwardiya ay sya namang takbo ng mga kumag. Habang inaalalayan ko ang babaeng nagligtas sa buhay ko...
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel
Hayran Kurgu" You should never feel alone there's always someone to turn to, it is the Guardian Angel who is watching over you." K. Sue