BEEP! BEEP! BEEP!
Nabigla na lang ako sa busina ng mga sasakyan.
Dyahe. Ano ba ang nangyayari sakin?
Agad akong sumakay sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito.
Kvngvnv mukhang nahahawa na ako sa kawirduhan ni Dean.
"Shvt!"
Agad ay pinark ko sandali ang sasakyan ko sa harap ng isang botique ng maaalala ko yung babae.
"Anong ginagawa nya dito? Diba nasa ospital sya?" Sigaw ko.
Tanga mo Caleb tumakas nga diba?!
Kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan para hanapin sya.
Maya maya ay natanaw ko sya mula sa di kalayuan.
Nang ilang dipa na lang ang layo ko mula sa kinatatayuan ni Angel ay dahan dahan na kong naglakad papalapit sa kanya. Napansin ko kasi na may pinagmamasdan sya mula sa labas ng isang sikat na restaurant.
Di din nya napansin na nasa likod na nya ko. Mukhang seryoso sa pinagmamasdan nya, kaya tiningnan ko din kung ano yung bagay na tinitignan nya.
Isang promotional poster ng restaurant na iyon.
Nakaramdam ako ng awa sa babaeng iyon.
Mukhang natatakam sya sa foods na nakadisplay doon.
"Are you hungry?" Mahinang tanong ko.
....
....
Okay.
Mukhang di nya ako narinig -_-
Ganun na ba talaga sya katakam sa poster na iyon para maski presensya ko di nya maramdaman?
One more time.
Dahan dahan kong inilapit ang bibig ko sa likod ng tenga nya.
"Hey pretty." Bulong ko.
....
....
Dedma.
Tsk. Sya lang ang babaeng nagawa akong dedmahin para lang sa pagkain -_-
"Ahem!" Sadyang nilakasan ko, malapit pa sa tenga nya para mas marinig nya.
At nagtagumpay naman ako (>y<)
Dahil dahan dahan ay gumalaw ang ulo nya para lingunin ako.
Paglingon nya sakin...
...
...
...
"Miss? Umiiyak ka ba?" Nagaalala kong tanong.
Hindi sya sumagot. Imbes ay tinignan nya muli ang poster.
Nakaramdam nanaman ako ng matinding awa.
Kaya ay hinawakan ko ang kamay nya sabay hila sa loob ng restaurant.
Pinaupo ko muna sya sa isa sa pinakakumportable na pwesto sa restaurant at inorder ko ang lahat ng pinakamasasarap nilang pagkain, desserts at inumin.
Nananatiling tahimik si Angel habang palinga linga sa loob ng restaurant.
Hanggang sa dumating ang orders namin ay tahimik pa din sya kaya pinitik ko ang noo nya.
"Aww!" Mahinang sambit nya.
Ang cute nya. ^________^
Tumingin sya sakin sabay nginusuan ako.
Tvngvnv.
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel
Fanfiction" You should never feel alone there's always someone to turn to, it is the Guardian Angel who is watching over you." K. Sue