Chapter 1
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Black. All I could see was pitch black. Alam ko ito... All of this is so familiar to me to the point na alam ko na kung anong susunod na mangyayari.
Just like what I've expected, the girl with a black shoulder length hair wearing a white dress materialized in front of me. At first, she was like a thin smoke na unti unting nabubuo until a figure of a girl is formed. But the thing is unlike before, her face was more defined dahil mas nakikita ko na kung anong itsura ng kaniyang mukha. Tancha ko ay hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Suddenly, she lifted her arm like she's reaching out to me.
"Tulungan mo ako... please."
Mabagal ang naging paglapit niya sa akin. Tsaka ko lang napansin na hindi nakasayad ang kaniyang mga paa sa sahig. She's floating! Unti unti akong binalot ng takot dahil sa nakita kaya naman nagsimula akong tumakbo palayo sa kaniya but I kept hearing her voice behind me asking for my help. I continued running pero parang palapit ng palapit ang kaniyang boses sa aking likuran! I shut my eyes, hoping that she would stop.
After minutes of running from the endless pitch black ay biglang tumahimik. Tumigil ako sa pagtakbo at naglakas-loob na subukang imulat ang aking mga mata. Nagbilang ako from one to ten before I slowly opened my eyes, only to be startled by the pale face of the same girl staring back at me.
"Ahhh!!!" Napabalikwas ako sa kama at agad na napahawak sa nahihilo kong ulo dulot ng biglaan kong pagbangon. My vision's still a bit blurry nang igala ko ang paningin ko sa paligid ng aking kwarto.
Again. That weird dream again. I've been dreaming the same dream for almost a week. The first time I dreamt about it, sobrang natakot ako until it became frequent na para bang nasanay na ako dahil paulit ulit lang naman ang nangyayari kaya nabawasan na ang takot ko. Ang pinagkaiba nga lang sa ngayon, lumapit ang babae sa akin at hinabol ako. Malinaw ko na ring nakita ang mukha ng babae. Hindi ko naman siya kilala.
Grabe, halos hindi na ako makatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw.
Medyo wala pa ako sa sarili at nakatulala pa when I finally decided to compose myself and glance at the digital clock beside my bed.
7:30 am! Late na ako!
Nag-exchange papers kami ng seatmate kong si William at nagsimulang mag-check habang sinusulat ni Sir Revi ang mga tamang sagot sa whiteboard. Aligaga kong chineck ang papel ni William at paminsan minsang sumisilip sa papel kong chinecheck niya. Nanlamig ako nang masilip kong onti lang ang may check. Puro ekis!
"Zaline, focus on checking my paper! Baka mali mali yung check mo dyan ah! Susumbong kita kay Sir!"
Sa takot na masumbong niya at ma-minus-an kapag may mali akong na-check sa papel niya ay tumingin akong muli sa whiteboard at nag-focus na sa pagche-check.
Lagot ako nito. Feeling ko bagsak talaga ako eh. Hindi kasi ako nakapag-review kanina! Nakalimutan kong may long quiz nga pala kami ngayon na nataon namang first subject namin para sa araw na ito!
"Exchange papers na daw ulit..." binigay sa akin ni William ang papel ko at kinuha naman niya ang kaniya.
I searched for my score in the paper at nakita kong 29 out of 60 ang naging score ko. Ano? Hindi man lang ako umabot sa kalahati!
Kinalabit ko si William na mukhang satisfied sa score niyang 47 out of 60 base sa ngiti niya habang nakatingin sa kaniyang papel.
"Psst. William, itama mo na 'tong number 19 oh," sabay turo ko sa isang item na 11 ang hula ko pero 12 ang tamang sagot.
BINABASA MO ANG
Towards Me, Towards You
Teen FictionIt all started with the unusual dreams, a stupid deal and an unplanned incident that changed the monotonous life of Zalea Pauline De la Vega. Hindi niya akalaing dahil lamang sa isang kasunduan niya sa isang makulit na multo na nanghihingi ng kanya...