Nakatago ako sa likod ng malaking puno tulad ng sinabi sa akin ni Jenna, peeking at the guy whose back faces me. Hindi ko tuloy masilayan ang mukha niya which added more to my curiosity. Lumingon ako sa katabi ko.
"Siya na ba 'yon?" I whispered to the ghost beside me.
"Oo, siya na nga," sabi nito bago ako nilingon at nginitian.
"Alright. Make it fast okay? I'll give you fifteen minutes and I believe that's more than enough dahil—"
"Oo na, oo na!"
I ignored her for cutting me at nagsalitang muli with the lowest voice I could manage. "Basta, no funny business. Stick to the plan!" Matalim ko pa siyang tinitigan para matakot siya sa akin pero sinuklian niya lamang iyon ng ngisi.
She saluted, "yes, Ma'am!"
Tumingin muli ako sa direksyon ng kinatatayuan ng lalaki ng bahagya itong lumingon, revealing the side profile of the mystery guy—Hey wait! Si ano to ah!
Nanlalaki ang mga matang lumingon ako kay Jenna. "Siya? Siya ang lalaking gusto mo!?" tila hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
"Shh! 'Wag ka ngang maingay ate Zaline. Oo, siya nga 'yon, ate!" masigla niyang sambit sabay lingon ulit sa direksiyon ng lalaki habang nagsimula na akong umiling.
Umatras ako, tumalikod at nagsimula nang maglakad paalis.
"Hep hep hep! Ate! Wait l ang! 'San ka pupunta?" mabilis akong nasundan ni Jenna at nakalutang na siya sa gilid ko. Wala talaga akong kawala sa multong 'to!
"Aalis," maikli 'kong sagot. Kung siya lang naman pala, huwag na lang! Side view pa lang iyon ng mukha niya, buwisit na ako.
"Hala, bakit? Akala ko ba nagkasundo na tayo? Ehhh! Ate naman eh! Nandito na tayo tsaka ka pa aatras?" niyugyog yugyog ni Jenna ang braso ko at ramdam ko ang malamig niyang kamay.
"Ayoko na pala... nagbago na isip ko."
Jenna freed my arm kaya't mas mabilis akong nakapaglakad palayo nang maramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. Natigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa'king likod. Jenna was staring intently at me with a huge grin on her pale face.
"Today is my last day... my last chance. Mukang wala na akong ibang choice," she mumbled to herself though enough for me to hear it from my distance.
"O-oy, Jenna ano 'yan?"
She slowly floated in my direction at nagsisimula na akong matakot sa kung ano mang gagawin niya. Paatras ako ng paatras nang bigla siyang lumutang palapit sa akin na sa sobrang bilis ay hindi ko na nasundan ang pangyayari.
The next thing I knew was that I felt something different... a very weird sensation within me na para bang may kung ano sa loob ng katawan ko na hindi ko ma-pinpoint. I was like half-conscious, half-awaken.
My feet started to move on its own. It's like my body has its own life na kahit ayaw ko man ay hindi ko ito magagawang makontrol. Para bang akin ang katawan ko pero wala naman ako sa sarili ko.
Naglakad ako pabalik sa park... sa lugar kung nasaan siya. I moved closer towards him at nang siguro ay maramdaman niya ang presensiya ko ay lumingon siya sa gawi ko.
Natigilan siya saglit, bahagyang nagulat. Nang makabawi ay napabaling ako sa kamay niyang itinaas ang kulay dilaw na sticky note na may nakasulat na, "I have something to tell you. Please meet me at the Glenfield park. 4:00 pm. I'll be waiting until you come."
"You own this?" marahan niyang sabi at naramdaman ko ang mabagal na pagtango ng ulo ko at ang bahagyang pag-init ng mga pisngi ko. What the hell? Anong nangyayari?
"So, what will you tell me that seems so important?" he flashed a boyish grin that normally irritates me but to my cheeks' contrast, I felt it grew hotter. What?
Tanging ang ingay lamang galing sa mga taong nasa paligid ng park ang maririnig. Nakatungo ako habang ramdam ko naman ang panonood niya sa akin. Namayani ng ilang saglit ang katahimikan sa pagitan namin nang maramdaman kong nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago nag-angat ng tingin at diretso siyang tinitigan sa mga mata niyang may halong pagkalito at pagkaaliw.
And the next words I uttered and my proceeding action was beyond my imagination.
"King Theo Ivañez! I've always liked you ever since!" I lead myself towards him, stopped in front of him, and tiptoed as I kissed him on his lips.
After awhile, I moved my face away from his and looked straight into his confused eyes. Basta ang huli kong nakita ay ang nanlalaki niyng mga mata na naka-direkta sa akin. Our faces were only inches apart before I felt my head spinning and my vision blurring before being completely drawn into darkness.

BINABASA MO ANG
Towards Me, Towards You
Teen FictionIt all started with the unusual dreams, a stupid deal and an unplanned incident that changed the monotonous life of Zalea Pauline De la Vega. Hindi niya akalaing dahil lamang sa isang kasunduan niya sa isang makulit na multo na nanghihingi ng kanya...