Chapter 2

25 1 3
                                    

Chapter 2

White ceiling. It was the first thing I saw nang magising ako. My vision's still kind of blurry at medyo nag-aadjust pa ang mga mata ko sa liwanag ng nilibot ko ng tingin ang lugar. Nasa clinic ako at kasalukuyang nakahiga sa malabot na kama.

"You're finally awake. How are you feeling?" napatingin ako sa tabi ko at sinalubong ng ngiti ni Mrs. Brenna, school doctor namin.

"Fine... I think..." mahina kong sabi habang dahan dahang umuupo. I yawned at nag-inat inat pa. Well that was a good sleep!

"Mabuti na lang at may nakakita sa iyo at dinala ka rito sa clinic," she was scribbling something sa hawak niyang board at pinanood ko lamang siya sa kanyang ginagawa.

"Your classmate found you lying unconsciously at the garden. Sabi niya ay baka nahimatay ka raw. Ano bang nangyari?" she curiously asked nang lingunin niya ako habang inaalala ko naman ang mga nangyari kanina.

"I-I did?"

Mrs. Brenna eyed and gave me weird look.

"Uhm-hmm," tumango pa siya, "Iyon ang sinabi ng nagdala sayo dito... Anyway, there's nothing serious naman as of why you fainted. It seems like kulang ka lang sa tulog or pahinga. So when you get home, make sure to rest and remember na hindi lang para sa ngayong araw. Every day you should have enough rest para hndi na ito maulit, okay?" malumanay niyang sabi at um-oo na lang ako.

My mind's still clouded by what happened earlier.

Was I just seeing... things or talagang?

Natigil lang ako sa pag-iisip nang mag ring na ang bell. Umalis na ako sa kama at sinuot ang black shoes ko na nasa ilalim lang nito.

"Ms. Brenna, thank you po. Alis na po ako for my next class..." malumanay kong sinabi nang bigla siyang tumawa.

"Oh no dear, uwian na... You should go back to your room and pack up your things," sabi niya, natatawa tawa pa, habang nag-aayos ng kanyang mga gamit sa desk.

Napaawang ang bibig ko. I slept that long!?

Naglalakad ako pabalik ng room habang may malalim na iniisip. Maingay ang corridor dahil sa mga estudyanteng excited magsipag-uwian.

Imagination ko lang ba yun? I can't just drop what happened earlier from my thoughts.

When I finally reached my room, binuksan ko ang pintuan at nakitang umuwi na rin ang mga kaklase ko... well, except for one. Mukang palabas na rin siya ng room. Nagkatitigan kami pero ako agad ang bumitaw. I headed to my seat for my bag and my things pero wala doon na siyang ipinagtaka ko.

Bahagya pa akong nag squat para makita kung nasa ilalim ng desk ko. Tumayo ako nang makitang wala doon!

Nakita ko sa peripheral visipn ko ang dark blue coat at white long sleeve uniform ng school namin. Lumingon ako at nakitang nakatayo siya sa gilid ko.

Si Ivañez. Anong kailangan nito?

"Uhh—" he was about to say something nang lumandas ang mata ko sa kaliwang balikat niya kung saan nakasukbit ang bag pack ko! Nagkasalubong ang kilay ko sa nakita.

"Teka, bag ko iyan ah!" sabay turo sa balikat niya. Mukang nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw. Napatingin siya sa balikat niya at tsaka niya dahan dahang tinanggal. Saglit pa siyang sumulyap sa akin habang ginagawa iyon at inabot sa akin ang bag ko.

"Well, I was about to—" he started to explain pero hinablot ko na sa kamay niya ang bag ko. Medyo napalakas ang paghablot ko na siyang muling ikingaulat niya.

"Bakit na sa'yo?" I hissed. His face showed amusement and annoyance. Before he could talk, I stumped my way out of the room and rolled my yes at him nung magkatalikuran na kami.

I really hate that guy to bits.

Pabagsak akong humiga sa kama at pinikit ang mga mata ko. Too much happened today na medyo sumasakit ang ulo ko. Ni hindi ko na nga inalam kung paano ako napunta sa clinic dahil lumilipad ang utak ko sa nangyari kanina hanggang pag-uwi.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga when I felt that familiar chill at my back. Don't tell me...

Mabilisan ang ginawang paglingon ko at napanganga sa nakita. Kulang na lang ay malanghap ko lahat ng hangin sa sobrang lakas ng pagsinghap ko.

"Please, Ate, don't faint on me again," sabi nung babaeng multo na humabol sa akin kanina! Ano?! Nakikita ko talaga siya!

"Paanong?" hindi ko na nadugtungan dahil parang nagkabuhol buhol ang utak ko.

"Ate, ikaw na lang po talaga ang pag-asa ko. Please, tulungan mo po ako..."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya, "Ha? Anong ako ang pag-asa mo? Hindi kita maintindihan."

"Promise me, you'll listen and don't freak out, okay?" hindi ako tumango o umiling sa sinabi niya. I just stared at her face, very confused.

"Well..." pagsisimula niya at tsaka siya nagkwento at nagpaliwanag sa akin at hindi makapaniwalang "Ano?!" lang ang nasabi ko sa dulo.

Everything is too much to process! I can't help but freak out with the things she just said!

Una, I'm shocked knowing the fact na siya pala si Jenna Rae Torres, iyong 2nd year student na namatay two months ago because of Leukemia. Nalaman ko iyon dahil naging kalat iyon sa campus kasi siya iyong top 1 ng batch nila at minsan siyang nabanggit ni Ms. Collins sa amin. At ngayon ay nakikita ko ang kaluluwa niya!

At pangalawa, she's asking for a favor na ayon sa kaniya ay makakatulong daw sa kaniya na payapang makatahak sa "liwanag" at para raw matupad iyon, kailangan ko raw "ipahiram" ang katawan ko sa kaniya. In short, isang pabor na hindi ko alam kung kayang kong gawin para sa ikatatahimik niya at ikatatahimik ko rin.

"All you have to do is to lend your body to me for only one day! As in one day lang talaga!" sinundan sundan niya ako habang binubuhos ko ang nalutong adobo sa bowl. Bumalik ako sa sink para ilagay ang pinaglutuang kawali while she kept on convincing me to say yes. Ang kulit.

Umupo ako sa silya habang umupo naman siya sa tabi ko.

"Hindi ba pwedeng maghanap ka na lang ng iba? Baka mayroon pang iba dyan na makakakita sa'yo at tutulungan ka rin," kinuha ko ang mga kubyertos sabay kuha ng kanin pero pinigilan ng nanlalamig na kamay ni Jenna. She held both of my hands with hers kaya napaharap ako sa kanya.

"Ate naman eh," she whined, "you know my deadline's in three days at tsaka ikaw pa lang ang na-meet kong suitable vessel for me."

"Suitable vessel?"

"Compatible. Iyong masasapian ko."

"Ano?!" gulantang kong sabi. My god I'm going crazy for this.

"Please Ate... pumayag ka na... You're my only hope," medyo naawa naman ako sa kanya nang makita kong teary-eyed na siya. I can see desperation in her eyes kaya naman nakonsensya tuloy ako.

Pumikit ako ng marrin. Think about it Zaline. You just have to help this girl and after three days everything will go back to normal. She'll be at peace and you'll be at peace too plus guilt-free.

Bahala na nga.

I opened my eyes and met her hopeful ones. I sighed.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Unti unti siyang ngumiti at bigla akong niyakap.

"Thank you!"

I just wish I won't regret this.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Towards Me, Towards YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon