Chapter 3

78 6 5
                                    


2 years later....

Inabot sa dalawang taon ang pag-eensayo ni Tacy. Dahil isang katorse lang siya nagsimula medyo hindi sumang-ayon ang kaniyang katawan sa una, pero nang tumagal na naging malakas na siya..

Sobrang lakas

Kahit isang labing anim na taong gulang lamang siya ngayon marami na siyang nagawa. Kahit nag-eensayo pa lang siya marami na siyang natapos na mahihirap na misyon. Katulad ng pumatay siya ng isang mafia, pumatay siya ng isang buong gang, anak ng isang politico at marami pa. Kadalasan ng ibinibigay sa kaniya malinis niyang natatapos kahit na gaano kahirap ito, ni pisong ebidensiya walang naiiwan.

Ganiyan kagaling si Tacy...

Dahil wala na siyang matitirhan inampon siya ng pinakaboss ng agency nila. Yung babaeng kumauusap sa kaniya sa white room noong bagong salta pa lamang siya, Siya si Ms. Morayta, siya ang nakasulat sa kaniyang bagong papel na ina ni Tacy. At yung dati niyang mga magulang nabura na siya sa kanilang memorya gamit ang teknolohiya ng kanilang agency.

Naglalakad ngayon si Tacy papunta sa meeting room ng kanilang headquarters. Pagpasok niya nakaupo rin ang mga kabatch niya roon noong nag-eensayo sila, kasama ng bawat isa ang mga Doyen na nagsilbing trainor nila noon. Nakita ni Tacy si Sir Allisatair Smith, umupo siya sa tabi nito. Si Allistair ang lalaking pumigil sa kaniya noong balak ni Tacy na tapusin ang kaniyang buhay sa tulay. Kung hindi dahil sa kaniya baka patay na si Tacy ngayon dahil siya ang nagmistulang isang life saver ni Tacy siya na rin ang itinalagang trainor nito. Sa kaniya rin nakatira si Tacy dahil palaging umaalis sa iba't ibang lugar si Ms. Lada Morayta at wala siya permanenteng bahay. kaya ipinaalaga niya na muna ito kay Allistair dahil alam niyang kaya niyang protektahan si Tacy.

Biglang umilaw ang projector sa meeting room at lumabas ang isang video kung saan, nakaupo si Ms. Morayta.

"Goodmorning. You're training will now come to an end. Today, all of you are now an official assassins. You will face much tougher missions starting today. Apply all you have learned and always remember the rules. You may now go to your respective office rooms except for Tacy and Allistair." Wika ni Ms. Lada.

Lumabas na ang lahat maliban sina Tacy at Allistair. Tumitig si Tacy ng walang emosyon sa kaniyang ina na nasa projector.

"Tacy, hindi ka makikisabay sa kanila at alam mo iyon. Kakaiba ka at malakas ka. Ikaw na ang bagong Agent No. 2, Si Agent No. 2 ang pinatay mo noon at usapan natin na ikaw ang papalit sa kaniya. Bagay naman sa'yo dahil sapat na o mas higit pa ang lakas mo sa kaniya." Tumango lang siya sa bilin ng kaniyang ina. "And Agent No. 1, please take care of her. Huwag mo siyang hahayaan na gumawa ng misyon sa umaga kapag may klase siya, gabi lang puwede. Tacy huwag matigas ang ulo!"

Oo nag-aaral pa rin ito sa isang ordinaryong paaralan, hindi lang siya halos lahat ng mga agent na nag-aaaral pa lang. Ang mga adults naman may normal din silang trabaho sa umaga. Kahit papaano kailangan rin nilang mamuhay ng normal kahit sa umaga man lang. Pero pagpatak ng gabi, gagawin nila ang kanilang misyon na para ba silang bampira. Pero meron din yung mga agents na halos buong araw assassins sila katulad nina Ms. Lada Morayta.

"Boss, wala pa bang code name itong si Tacy?" Tanong naman ni Allistair.

"Ikaw na ang bahala diyan Agent No. 1. Kailangan ko ng umalis. Ingat, see you soon Tacy." Namatay na ang projector pagkatapos magpaalam ang ina ni Tacy.

"Ingat? Really mom?" Hindi makapaniwalang sabi ni Tacy pero wala pa ring bahid na emosyon sa mukha ni Tacy.

"Aba! Dapat kang matouch Tacy! You're mother still care for you." Sabat naman ni Allistair.

"Shut up."

"Ano kayang code name mo?" Nagpaikot ikot si Allistair sa swivel chair na inuupan niya habang si Tacy kinuha ang phone niya at tinignan ang kaniyang sched."Dapat medyo malapit sa Morayta yung may 'MOR'" Napahawak naman si Allistair sa kaniyang baba habang nag-iisip.

"Malapit sa Morayta, for real? Aren't Thanatos far from Smith?" wika naman ni Tacy kahit abala siya sa pagbasa sa sched niya.

"Tumahimik ka nag-iisp ako--- Alam ko na MORANA." Biglang napatayo naman si Allistair dahilan para lingonin siya ni Tacy.

"Morana really? It sounds like Moana." Bored na sabi ni TAcy.

"Morana, The daughter of the great goddess Lada and her husband God Svarog, has grown up to become what ancient Slavs recognized as the patroness of the winter, the underworld and symbol of the end of physical life as we mortals know it.  Slavic Goddess of death and winter." Pag-explain naman ni Allistair.

"Whatever, Allistair. Papasok na ako sa klase." Tumayo na si Tacy at lumabas siya sa meeting room.

"Hoy Tacy! Sampong taon ang agwat natin dapat may sir or kuya! Atsaka prof ako sa eskwelahan niyo kaya bumalik ka dito!"

Hindi ito pinansin ni Tacy, lumabas siya sa meeting room na walang bahid na emosyon at tuwing dumadaan siya pinagbubulungan siya dahil sa paghanga sa kaniya.

Pero sa utak nito iniisip niya yung code name na ibinigay ni Allistair

Morana? Sounds cool though.

~*~*~*~

A/N: Tacy: 16 y/o. Allistair Smith 26 y/o. Lada Morayta: 40 y/o.

The Introvert's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon