Chapter 2

82 6 0
                                    



TACY

"Nak, may regalo pala ako sa'yo." Biglang sabi ni Sister Kuan Yin, binigyan niya ako ng isang maliit na box. Sabik naman akong binuksan ito at may nakita akong dalawang bilog na parang mata.

"Sister Kuan Yin, Ano poi to bakit po parang mga mata." Tanong ko sa kaniya.

"Ilalagay natin sa mata mo iyan, Nak. Para hindi na sila matakot sa iyo." Nakangiti niyang sabi. Lumiwanag naman ang aking mga mata dahil sa tuwa.

"Possible po pala mangayari iyon?!"

"Oo naman." Ngumiti sa akin si Sister Kuan Yin. Tinulangan niya akong ilagay ang tinatawag niyang 'contact lense.' Napangiti naman ako ang bait talaga ni Sister Kuan Yin.

Napamulat naman ako dahil naramdaman kong may tumulo na tubig, napaangat ako ng ulo at nakita kong nagsisismulang nang pumatak ng ulan. Napadpad ako sa isang kagubatan pagkatapos kong lumayo mula sa bahay. Tinignan ko ang aking kamay at naalala ko ang aking ginawa kanina, nangigilid ang aking luha dahil sa takot na naramdaman ko.

'Hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-get over sa nangyari kanina? Stupid Tacy, naramdaman mo naman kung gaano kaganda sa pakiramdaman ang pagpaslang kanina di ba?! Ano pa bang inaarte mo!' Bulyaw sa akin ng utak ko.

"ISA KANG HALIMAW! ANONG GINAWA MO SA AKIN" Sigaw ko sa sarili ko.

'Correction ISA TAYONG HALIMAW. HAHAHAHAHAHAHA'

Alam ko, para akong isang baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko. Alam niyo yung pakiramdam na mismong sarili mo ang kalaban mo. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang itulak palayo. Pero hindi puwede. Tama nga ang sinabi nilang.

There's a monster hiding inside you're body.

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko na kaya ayaw ko na! Isa lang ang naiisip kong paraan para mawakasan na itong paghihirap ko. Linibot ang aking paningin at may nakita akong isang hanging bridge, may mababaw na ilog ito sa ilalim na kapag mahuhulog ka tatama ang ulo mo sa mga bato. Tumayo na ako naglakad ako papunta sa –

'Look tacy, you still have a choice. Kapag nakipagtulungan ka sa akin magiging madali lang ang lahat, accept me truly at mareresolban natin lahat nang ito.'

Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa paglakad.

'Tacy! Come on! Marami pang ibang paraan maliban diyan!'

Wala na akong babalikan pa. Ayaw na sa akin nila Papa. Isa akong halimaw.

'TACY WAKE UP! STOP BEING SUICIDAL! NANDITO PA AKO!'

I am a killer. Ayaw ko ng maulit iyon. Ayaw kong kumitil pa ulit ng buhay. Bilang kapalit dapat ko ring patayin ang sarili ko.

'Tacy! Please Stop!'

Nasa bridge na ako, umakyat ako sa rehas tumayo ako sa gilid pero nakahawak pa rin ako. Kapag ito binitawan ko mahuhulog na ako at makikita ko na si kamatayan.

'Tacy STOP! STOP BEING STUPID!'

Ayaw ko na. Ayaw ko na. Binitawan ko na ang pagkakahawak . Tatapak na sana ako paharap para patuloy akong mahulog pero

"DON'T DIE YET!" biglang akong nakarinig ng boses lalaki at may nakahawak sa kaliwa kong kamay kaya hindi ko pa nararamdaman ang kamatayan. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang mukha niya pero nakamask din siya katulad ng napatay kong lalaki kanina.

"S-Sino ka ba?! B-Bitawan mo nga ako!" Imbes na bitawan niya ako binuhat niya ako pababa.

"You still need to pay for what you have done." Tinakpan niya ang aking bibig ng isang panyo at nawalan na nga ako ng malay.

***

Nararamdaman kong nakahiga ako sa isang malambot na kama. Isang panaginip ba lahat nang nangyari kanina?! Grabe isang paniginip lang pala— Minulat ko ang aking mata at mali pala ang aking akala. Bumangon ako at nasa kakaibang kwarto ako. Puro puti lang ang nakikita ko walang ibang gamit dito kundi itong kama lang. A-Ano bang nangyari kanina? Naalala kong may lalaking humawak sa aking kamay kanina noong balak kong wakasan ang buhay ko. Sumakit naman ang ulo dahil pilit kong inaalala ito.

"You still need to pay for what you have done." Tinakpan niya ang aking bibig ng isang panyo at nawalan na nga ako ng malay.

Natigilan naman ako nang tuluyan ko nang maalala ang nangyari kanina. H-Halla, baka gang sila at papatayin din nila ako katulad sa ginawa ko sa kasama nila. Inikot ko ang paningin naghahanap ako ng pwedeng pagtakasan.

Biglang bumukas ang pinto at napaatras naman ako sa takot. Akala ko yung lalaki kanina ang pumasok pero nagkamali ako, isang babae. Nakaitim na robe siya, may maikli siyang maitim na buhok at may maitim na kolorete sa kaniyang mukha. Ewan ko pero ang lakas ng dating niya, nakakatakot ang awra niya.

"Huwag kang matakot." Sabi niya ng nakangiti. Napaatras naman ako habang lumalapit siya, umupo siya gilid ng kama at nang maramdaman kong wala na akong maatrasan nakaramdam ako nang matinding takot. "Sabing huwag kang matakot."

"P-Puwede bang magsabi ka ng pwedeng kumalma sa akin para hindi ako tuluyan na matakot sa'yo?" Nanginginig kong sabi.

"I am here to help you." Seryoso niyang sabi nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero may kailangan kang pagbayaran." Napasinghap naman ako..

"P-Pagbayaran?" Tanong ko.

"Hindi mo ba naalala? May PINATAY ka." Sabi niya habang ine-emphasize ang 'pinatay.' "At isa siya sa mga tauhan ko and we have a rule." Tumayo na siya at tumalikod sa akin."Dahil hindi pangkaraniwan ang trabaho namin, may isang rule kaming itinalaga at tanging ikaw lang ang unang nakawasak nito." Humarap siya sa akin.

"H-Huh?" Naguguluhan ako.

"Nagsusumikap ang bawat isa kong mga tauhan para maging professional. They worked hard and risk their lives while being trained. Well trained silang lahat pero, ikaw na isang commoner na 14 years old how could you kill him na parang isang langgam lang ito."

Naguguluhan ako. "Teka, well trained? Risk their lives? Ano ba kayo?" Naguguluhan kong sabi.

"Assassins" Walang alinlangan niyang sabi.

Mas Malala pa sila sa gang. Mas Malala pa sa naisip ko. Napaatras naman ako sa takot.

Tumingin siya sa akin na para bang baliw ako. "Ako nga dapat ang matakot sa'yo. You killed one of my top agents?! Ano ka ba?! Ang pinaka pinagtataka ko bakit pula yang mga mata mo?!"

"H-Hindi ko rin alam, napayuko ako."

"I like you. Parang karapat-dapat kang maging isa sa amin dahil sa kakayahan mo." Masaya niyang sabi

"Ayaw kong maging katulad niyo, ayaw kong maging mamatay na katulad niyo." Matigas kong sabi.

"Well,you are already a killer. Ang rule namin ay 'Ang sino ang makapatay sa tauhan namin na hindi naman namin target at isa lang siyang commoner ay dapat na maging katulad namin. Pero kung nag-ayaw siya dapat din siyang patayin.' You have two choices, join us or die."

Matapos niyang sabihin iyon lumabas na siya sa kwarto. Agad ko naman ibinaon ang mukha ko sa kama dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Sa tingin ko, wala na akong choice. Kailangan kong mabuhay.

~*~*~*~

A/N: Now finally 1000+ words na! Thank you sa pagbasa! Pagpatuloy niyo lang ang pagbabasa at subaybayan niyo ang buhay ni Tacy! Keep Voting & Reading!


The Introvert's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon