Chapter 5

58 1 0
                                    

Rain’s POV

OMG friend! Si Rain! May dalang roses!!! – Sara

 [Lumapit si Rain kay Hannah at iniabot ang Roses…]

Sorry na Hannah. Hindi ko matiis na galit ka sakin eh. Bati na tayo please. Hindi na kita ulit aawayin please. – Rain

Akala mo ba ganun lang kadali yun!? – Hannah

Friend! Wag ka na pakipot. Kakakilig – Sara

Pahiram muna kay Hannah ha? – Rain

Hindi Pwede!!! – Ryan

Pwede ba pre! Wag ka nga makielam dito! Ialis mo nga sa harap ko yan Sara at baka masapak ko pa yan! – Rain

Hayaan mo na sila Ryan, wala namang gagawin si Rain jan kay Hannah eh. – Sara

(Naglalakad na kami pauwi at para makalayo sa pakielamerong yun. Hawak hawak ko sa kamay si Hannah, Ano ba tong nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko… Pero bakit ganun hindi nagsasalita si Hannah. Galit pa rin ba sya sakin?)

Ammm Hannah? Okay ka lang ba? Malapit na tayo sa inyo pero hindi ka pa rin nagsasalita. May problema ba? – Rain

Bakit mo ako binigyan ng roses? Ano ibig sabihin nito? May gusto ka na ba sakin? – Hannah

(ha!? Sasabihin ko na ba sa kanya na may gusto talaga ako sa kanya na simula pa lang mga bata kami gusto ko na talaga sya.)

Ano ba sinasabi mo!? Para nga sa pag Sosorry ko yun. Hindi kasi kompleto yung araw ko kapag di kita nakakasama eh. – Rain

[Pagdating nila sa bahay nila Hannah]

Surprise! Happy Anniversary Hannah! – Rain

Anniversary!? Kalian naging tayo!? – Hannah

Ikaw talaga Anniversary natin ngayon simula nung magkakilala tayo. 12 years ago. – Rain

Ha!? Kalian natin cenelibrate yun!? Saka di ko na nga maalala kung kalian tayo nagkakilala eh. – Hannah

Di mo ba napapansin!? Tuwing February 1 inaaya kita sa Mall!? Di mo talaga napapansin!? – Rain

Hindi talaga! Ngayon ko lang nalaman yan! Saka pinagod mo pa si yaya na magluto tapos tayong tatlo lang kakain!? Nagsasayang ka ng food! – Hannah

Ano ka ba tinext ko na si Sara, pinapapunta ko sya dito para di sayang yung pagkain. –Rain

[Pagdating ni Sara, may kasama sya…]

Oh! Sara nanjan ka na pala! Hi! Ryan buti pumunta ka. – Hannah

Hoy! Sara sino nagsabi sayo na isama mo yan!? – Rain

Ano ka ba Rain!? Ako nagtext kay Ryan na pumunta sya dito. Kaibigan naman namin sya ha! – Hannah

Kahit na! Si Sara kaibigan na talaga natin! Eh yan!? Ngayong high school nyo nga lang nakilala yan! – Rain

Wag mo na sya pansinin Ryan. Baliw lang talaga yan! – Hannah

(Edi ano magagawa ko! Edi sya ang masusunod! Kasi naman ayaw ko ng close sila lalo na at nalaman ko na may gusto na sa kanya si Hannah! Bwisit talaga! Tapos ano tong nakikita ko! Sobrang sweet nila! Si Hannah pa kumuha ng pagkain nya at si Hannah pa nag-aasikaso sa kanya! Mamaya makikita ni Hannah ang pinaka surprise sa lahat)

Hannah’s POV

Sige Sara and Ryan! Ingat kayo pauwi ha. Salamat sa pagpunta. – Hannah

Sige see you tomorrow. Buti naman bati na kayo haha ang sweet talaga. – Sara

Umuwi ka na nga! – Hannah

[Umalis na si Sara at Ryan]

Oh! Ikaw Mr. Surprises wala ka ba balak umuwi!? – Hannah

Wala! Dito ko matutulog noh! – Rain

Ha!? Baliw ka ba!? Ang lapit lang ng bahay nyo hindi ka pa makauwi! – Hannah

Sige na papasok na ako umuwi ka na! may pasok pa tayo bukas. – Hannah

Hannah Wait! – Rain

Ano na naman!? – Hannah

[ Lumuhod si Rain at may nilabas na Box]

Hannah. Pwede ba kita ligawan? Mahabang panahon na din tayo magkasama at sana tanggapin mo to. – Rain

(Ano sasabihin ko!? Oo Hindi!? Bahala na nga!)

Hannah. Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sakin? – Rain

Wait! Hmmm oo na pwede ka manligaw! Pero hindi ko tatanggapin yang kwintas. – Hannah

Ha!? Bakit ayaw mo nitong kwintas? Binili ko talaga to para sayo. Pero salamat na din. – Rain

Hindi naman sa ayaw ko pero ibigay mo na lang yan sa tamang panahon at sa tamang tao. Malay mo hindi ako yung tamang tao para sayo. – Hannah

Pero Hannah naman binili ko nga to para sayo eh. Kaya tanggapin mo na. – Rain

Ibigay mo na nga lang yan sa tamang panahon. Okay!? Umuwi ka na daanan na lang kita bukas bago pumasok. Good night – Hannah

Sige na nga itatago ko muna to. Wag mo na ako daanan samin. Simula bukas ako na susundo sayo. Sige good night. Maraming salamat sa lahat  - Rain

Sige salamat din sa surprises. Good night – Hannah

[pagkaalis ni Rain]

WAHHHHHHHH!!! OMG! Ito na yung panahon na hinihintay ko!!! – Hannah baliw na naman

Calling….

Sara BFF…

Hello friend!! May good news ako sayo!!! Tinanong na ako ni Rain kung pwede nya ako ligawan at ang sagot ko OO!!!! – Hannah

Wow ha! Baka kung ano mangyari sayo jan! sabi ko naman sayo eh may gusto na sayo yang lalaki nay an humahanap lang ng pagkakataon. – Sara

Natutupad na ang mga wishes ko!!! – Hannah

Naku! Itulog mo na yan friend haha! Good night – Sara

Kinabukasan:

Good morning Princess Hannah. Gising na. May mga naghihintay sayo sa baba. – Yaya

Ha!? Mga!? Ang alam ko si Rain lang ang susundo sakin ha!? – Hannah

You and I: One True LoveWhere stories live. Discover now