Chapter 8

40 1 0
                                    

Hannah’s POV

Hannah? Umiiyak ka ba? Wag ka mag alala sakin ka lang okay? Mahal na mahal kita tandaan mo yan ha. – Rain

Bakit kasi ngayon pa!? bakit kung kalian tayo na at masaya tayo para sa isa’t isa. – Hannah

Wag ka na umiyak maayos din lahat yan ha. I love you – Rain

I love you too – Hannah

(Nakakalungkot naman, valentine ngayon pero 1week nang wala si Rain. Hirap talaga kapag may business ang mga magulang sa ibang bansa tapos kapag nagkaproblema ang bansa na yun problema na din ng mga business man. Namimiss ko na sya sana umuwi na sya)

Sa School:

Hannah! Happy Valentines! Flowers for you. – Ryan

(oo tama yan! Sinunod na din namin ung mga mother namin para matahimik na. wala na rin kami magawa ni Rain eh. Hindi naman kasi siguro totohanin nila mama yung kasal kaya kunwari kami ni Ryan. Masaya naman ako sa kanya hanggang wala pa si Rain. Opps hindi ako 2 timer ha. Friends lang kami ni Ryan, mas lalo nga lang sya naging sweet.)

Happy Valentines Ryan! Kain tayo gutom na ako eh. – Hannah

(hinahanap nyo si Sara? Wala! Nasa Hong Kong kasal kasi ng ate nya kaya kailangan nya pumunta dun kaya ito talaga si Ryan lang ang kasama ko lagi. Pero madalas na din ang pagsikip ng dibdib ko kaya todo alaga ako ni Ryan. Hatid sundo nya ako, lagi ako libre sa lahat! At ngayon ko lang nalaman na sweet pala tong tao na to.)

Ryan? Pagod ka na ba sa pag aalaga sakin? Sorry ha baka pabigat na ako sayo. – Hannah

Ano ka ba hindi ako napapagod noh. Saka wag mo iisipin na pabigat ka. – Ryan

[Uwian na!]

Hannah uwi na tayo para di ka mapagod. – Ryan

Ano ka ba hindi naman ako baldado para alalayan mo ng ganyan. – Hannah

Kahit na! kailangan kita alagaan. – Ryan

Schedule namin ni Ryan for the past 2 weeks:

Bahay – School – Minsan sa Mall – Bahay

(ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi naman sya mahirap mahalin kaya lang ang sinisigaw ng puso ko ay si RAIN!)

*Ring Ring

Ryan…

Hello? Ryan. Bakit? – Hannah

Nasa Airport na daw si Rain gusto mo sunduin natin? – Ryan

Sige sige! – Hannah

Daanan na kita jan ha malapit na ako. – Ryan

*Call ended

Airport:

Rain!!!! I miss you! – Hannah [sabay yakap ni Hannah kay Rain]

I miss you too Hannah. Inaalagaan ka ba nitong si Ryan ha!? Isumbong mo lang uupakan ko yan kapag pinabayaan ka nya! – Rain

Hindi naman nya ako pinabayaan eh… -Hannah

Hanna! – Rain at Ryan

You and I: One True LoveWhere stories live. Discover now