Hannah’s POV
Nakakaasar! Pupunta lang siya dito para ipagtanggol yung babae na yun! Nakakasira talaga ng araw! – Hannah
*Ring ring*
Sara BFF…
Oh!? Bakit ka napatawag!? – Hannah
FRIEND!!!! – Sara
Hoy! Wag ka naman sumigaw! Ang sakit sa tenga! Problema mo ba!? – Hannah
Tumawag sakin si Rain. Tinatanong kung may gusto ka na daw kay Ryan! Sagot ko oo may gusto na sya kay Ryan tapos binabaan ako! – Sara
Oh nagalit pa pala eh ano problema mo!? – Hannah
Mag-isip ka nga Hannah! Nagalit sya kasi nagseselos sya kasi may gusto na sya sayo! – Sara
(May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! Yan ang paulit ulit na sinasabi ng utak ko)
Friend? Nanjan ka pa ba? Naku! Natulala ka sa sinabi ko noh!? Sige na nga iFeel mo muna haha bye. – Sara
*Call Ended
(May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! May gusto na siya sayo! Ano ba naman tong utak ko! Wag ka muna feeler please baka akala lang ni Sara yun) – Hannah nababaliw na haha
Kinabukasan:
OMG! Wala nga pala ako kasabay ngayon. Nag-away nga pala kami kahapon dahil dun sa babaeng ewan na yun! –Hannah
Paglabas nya ng bahay nila nagulat sya dahil nakita nyang nakasandal sa gate nila si Ryan.
Ano ginagawa mo dito? – Hannah
Eh kasi nagtext si Sara sakin, wala ka daw kasabay kasi nag-away kayo ni Rain. – Ryan
Pero malapit lang naman yung school kayang kaya ko na sarili ko. – Hannah
Naku! Kailangan mo pa rin ng kasabay noh! Baka maulit na naman yung nangyari sayo dati na bigla ka na lang nahimatay sa gitna ng kalsada. At hindi ko makakaya kapag may nangyari sayong masama. – Ryan
Alam mo ang bait bait mo pa rin sakin kahit halos 3 years ka na nanliligaw sakin at di pa rin kita sinasagot. Salamat ha. Tunay na kaibigan ka talaga. – Hannah
Kahit ano para sayo alam mo naman na mahal na mahal kita eh. Tarana pasok na tayo baka malate pa tayo eh. – Ryan
Sa School:
Alam mo friend may naisip ako. – Hannah
Ano yun? Yung sinabi ko na may gusto na sayo si Rain? – Sara
Hindi! Baka kasi iniisip lang natin yun at feeler lang tayo eh. Sagutin ko na kaya si Ryan pero… - Hannah
Oh? Sasagutin mo na si Ryan? Pero ano? – Sara
Pero pano kung may gusto na talaga sakin si Rain edi sayang lang yung sobrang habang taon na paghihintay ko sa kanya. – Hannah
Pero tama ka jan friend wag mo muna sagutin si Ryan. Malay mo matupad na lahat ng ilusyon mo haha! – Sara
Grabe ka naman makailusyon. Hindi ilusyon yun noh! Magiging totoo din yun! – Hannah
[Tumunog na ang bell at… Uwian na!]
Friend! Hindi ka pa rin pinapansin ni Rain? Ano ba yan magkaka classmates na nga tayo hindi pa kayo nag-uusap usap! – Sara
Hayaan mo sya! Ako ba may kasalanan kung bakit kami nagkagalit diba hindi naman!? Saka tignan mo umalis na lang sya agad! Wala na balak makipagbati yan. – Hannah
[Pero nagkamali ng akala si Hannah. Bago pa sila makalabas ng School nakita nila si Rain sa Gate at….]
YOU ARE READING
You and I: One True Love
Novela JuvenilTungkol ito sa mga pag kakaibigan na nauwi na pagiging MAGKA-IBIGAN... Karamihan sa Climax nitong Story ay galing sa mga panaginip ko.. Kaya Thank you sa mga babasa :)