DREW POV
"Hello! Good Morning Boss? What can I do for you?"
"Hello! Drew I need you now, pumunta ka dito sa office." Sabi niya sa kabilang linya.
"Excuse me Boss? May pasok ako ngayon and I have to take the exam today. Pasensya na po." Pag tanggi ko sa kanya.
"Don't worry about that Drew, I handle it already. So make yourself ready and come here. NOW!" GOD. He's angry? For real? Ano na namang nangyari? May nagawa kaya akong mali? Shit!
Nangmamadali na akong naligo at nagbihis para pumunta ng office. Pagbaba ko sa living room, lumabas si Mommy galing sa kusina, "Angeline? Where are you going? Hindi ka ba papasok? Bakit hindi ka nakauniform?" Shit! Ano na naman ang hidadahilan ko kay Mommy nito.
"Good Morning Mom!" Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Good Morning too, so?"
"Uhm Mom, may outreach program kami today.. so hindi po kami nakauniform." Pag dadahilan ko sa kanya.
"Ah ganun ba?" Yes Mom, please maniwala ka. Last na to promise! "Eh bakit si Christian nakauniform?" Tinuro niya yung garden, at ayon papunta ng bahay si Christian. Shit! Bakit ba hindi ko naisip si Christian? Magkasabay pala kaming pumapasok.
Nataranta na ako. "Uhm Mom kasi.. ano magkaiba kami ng grupo.. Tama! Mom magkaiba kami ng group.. so iba yung project naming kesa sa kanila... So uhm Mom.. Pasok na po ako. Bye Mom!" Kumatok na si Christian sa bahay.
"Tao po! Tita? Angeline?" Tawag ni Christian.
Nagring na rin yung cellphone ko. Patay si Boss Sir na ito. "Nandyan na!" Sigaw ko. "Bye Mom! Alis na po kami."
"Teka, hindi ka ba kakain? Maaga pa naman?"
"Hindi na po Mom, malalate na po kami eh."
Lumabas na ako ng bahay, nakita ko si Christian na nakangiti sa akin. Agad kong sinara ang pinto para hindi na niya makausap si Mommy. Hinila ko siyang makalabas ng garden namin.
"Teka teka Angeline.. bakit hindi ka nakauniform?" Napatigil ako sa paghila sa kanya, huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Hoy!" Nanglaki yung mata niya "Angeline! Wag mo akong ngitian ng ganyan. Nangingilabot ako." Sinuntok ko yung braso niya.
"Sama mo! If I know nagagandahan ka lang sa ngiti ko."
"Wag mong ibahin ang usapan. Bakit hindi ka nakauniform at ano yang suot mo? Pupunta ka ba sa lamay? Bakit all black ka?"
"May pupuntahan ko." Sinundan niya ako. "Please, wag mong sasabihin kay Mom na hindi ako pumasok today. Sabihin mo may outreach program ang group ko today."
"Huh? Gagawin mo akong sinungaling? Ayoko nga."
Tiningnan ko siya ng masama. "Pagkatapos kita ipagtanggol sa Mommy mo na wala kang kinalaman sa gulo sa school, kahit na ikaw ang dahilan nun. Tapos ngayon na may kahilingan ako sayo hindi mo mapagbigyan?"
"Wait.. wait Angeline ibang usapan naman to! Hindi ka papasok dahil sa may pupuntahan ka tapos ganyan pa suot mo? Pano kung mapahamak ka? Edi konsensya pa kita? Sasamahan kita." Hinila niya yung kamay ko.
"Christian ano ba?" Hinila pa rin niya ako. "Bitawan mo nga ako! Huminto ka nga ano ba? Christian!!!" Tumigil siya sa paghila sa akin, nauntog tuloy ang ulo ko sa likod niya. "Bakit ka huminto?" Sabay hawak ko sa noo ko.
"Sabi mo huminto?" Huminga siya ng malalim, nilagay niya yun mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Sabihin mo kasi kung saan ka pupunta? Sasamahan kita, hindi kita isusumbong kay tita promise."
Hinarap ko siya sa akin, nilagay ko ang kamay ko sa mga balikat niya. "Christian bestfriend kita at alam ko na nag-alala ka sa akin. Pero sana naman intindihin mo ako. May mga bagay na hindi ko pwedeng ipaalam sayo. Pero pangako ko sayo na mag iingat ako. Please hayaan mo muna ako. Tatawagan na lang kita huh?" Nag ring na yung cellphone ko. Pagkatingin ko sa Screen ng cellphone ko si BossSir tumatawag na. Sinagot ko yun.
"Hel-"
"Where the hell are you Drew?" Sigaw ni Boss sa kabilang linya bago pa man ako mag "hello" sa kanya."
"I'm on my way.. Don't worry. I just settle something." Pinatay na niya ung linya. Humarap ako kay Christian. "I really need to go. Tatawagan na lang kita mamaya para malaman mong safe ako. Don't worry. Ingat sa school huh? See you!"
Iniwan ko na siya at agad na pumara ng taxi, at sinabi sa kanya yung pupuntahan kong lugar. Pagkadating ko ng office. Nakita ko si Vince sa labas ng office mukhang kinakabahan.
"Manong ito po oh, keep the change."
"thank you Mam."
Lumabas ako ng taxi at tinawag si Vince. "bro!"
"Drew!!" Tumakbo siya sa akin. "bakit ang tagal mo? Galit na galit na si Boss."
"Ano bang nangyari? Bakit ganun na naman ang mood niya?"
"Yung kalaban kasi may panibagong pinaplano na naman laban sa atin."
Naglalakad kami papasok sa office. "huh? Pano nalaman yan?"
"May pinasok na tao si Boss sa kampo ng kalaban para magimbistiga sa kanila at para ibalita yung mga plano nila."
"Good Morning Drew!" bati ng mga kasamahan ko. "Good Morning din." Bati ko sa kanila.
Hindi pa pala ako nagpapakilala ako si Angeline Mae Park aka Drew, half Korean and half Filipina. 17 years old na ako at mag 18 na this year. High School student at graduating na rin. At sa mga naguguluhan pa, isa akong Secret Agent. Police Officer ang Daddy ko. Nasa US siya ngayon nakabase, hindi niya alam na pinasok ko ang ganitong trabaho. Two years ko na ring trabaho to, at ngayon sasabihin ko na kay Boss ang desisyon ko. Ayoko malaman ni Daddy ang pinasok kong ito.
Kumatok ako sa office ni Boss. Narinig ko ang boses niya. Pumasok ako sa loob.
"Good Morning Boss."
Tumingin siya sa akin. "Drew maupo ka, may sasabihin ako sayo."
Umupo ako sa harap ng table niya, "Ano po yun boss?"
"May mission kang gagawin Drew."
"Mission?" Patay. "Pero boss-"
May binigay siyang brown envelope. " Ano po ito?"
"Tingnan mo." Binuksan ko yun at nakita ko ang picture ng isang babae. "Kailangan mo siyang bantayan, nanganganib ang buhay niya ngayon. Kailangan niya tayo." Binalik ko yun sa loob ng envelope at binigay ko ulit sa kanya.
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "I'm sorry Boss pero hindi ko na po matatanggap ang mission na ito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Boss kilala niyo naman po yung Daddy ko diba po? Sa mga susunod na araw malalaman niya ang lahat ng ito. Kaya habang maaga gusto ko nang tumigil sa lahat ng ito. Pati ang mga mahal ko sa buhay nagdududa na sa lahat ng mga kasinungalingan ko. And at the same time, gusto ko pong magfocus sa study ko. Boss graduating na po ko this year."
Ngumiti si Boss at tumayo siya sa upuan niya. Humarap siya sa bintana ng office. "Alam kong darating ang araw na masasabi mo yan Drew." Humarap siya sa akin. "Kaya pinaghandaan ko na ang araw na to." Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
May kinuha siya sa drawer niya, at binigay sa akin ang isang email. Galing kay Daddy? Nanlaki yung mata ko, tumingin ako sa kanya. "Alam niya lahat Drew. Sa katuyan nga siya ang nagrecommend sayo sa akin." WHAT? Si Daddy? For real? "Alam niyang matagal mo nang pangarap ang ganitong trabaho Drew, at nung nalaman niyang nangangailangan ako ng tauhan agad ka niyang nirecommend sa akin kaya ka nakapasok dito Drew."
Kaya pala lagi niya akong kinakamusta kung okay lang ba ako? O kaya naman sasabihan niya ako nag do my best. Naiiyak ako. Si Daddy talaga. Kilalang kilala niya ako.
"Drew, may tiwala siya sayo. Kaya sana wag mong sirain yun. Ipagpatuloy mo ang sinimulan mo."
"Okay Boss. I take it."
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
BINABASA MO ANG
High School Undercover
ActionIsang secret agent si Angeline Mae Park, 17 years old, high school student. Ngunit dahil sa pagiging secret agent niya, dito mapapahamak ang buhay niya at higit sa lahat ang malalaman niyang sikreto tungkol sa tunay niyang pagkatao. Paano kaya niy...