TAKE 3
DREW
Aray. Ang sakit ng ulo ko. Nasan ba ako? Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Puting kisame ang nakita ko, tapos ang tahimik ng buong kwarto. Nasaan kaya ako? Ang huli kong naalala nasa school ako kasama si Vince, pero bakit ngayon nandito ako at nakahiga? Babangon na sana ako nang biglang may pumasok.
"Drew? Drew.. Okay ka na?"
"Vince anong nangyari? Bakit ako nandito? Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin habang inaabot sa akin ang isang bote ng mineral water. "Nasa clinic ka ng school. Anong nangyari sayo bakit bigla kang hinimatay?"
"Ako hinimatay? Saan?"
"Sa hallway nung papunta tayo sa dean's office. Akala ko nga nasa likod kita pero nung paglingon ko wala kana. Kaya binalikan kita, nakita na lang kita buhat ng isang lalake..."
"Lalake?" Sinong lalake? "Ah!!!"
"Bakit kilala mo yun?" Tanong niya.
"Hindi mo kilala yun Vince? My God."
Napakamot siya ng ulo "Eh sino nga kasi?"
"Si Ethan Joseph Rodriguez yun.. Yung model na artista."
"Ah!!! Oo nga. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin."
"Dito pala siya nag aaral. Ayos!" Tumayo na ako sa kama. Inayos ko na rin yung uniform ko sabay kuha ng bag ko.
"Oh saan ka pupunta?"
"Pupunta ng classroom." Nakangiti kong sabi sa kanya. Haha ang saya naman hindi sasakit ang ulo ko sa assignment na to. Dahil araw-araw kong makikita ang ultimate crush ko na si Ethan. Matagal ko na rin pinangarap na makita siya sa personal. And this is my chance.
Ang swerte ko talaga. Magpapasalamat ako sa kanya, kasi dinala niya ako sa clinic tapos mag seselfie kami. Bwahahaha! Ipopost ko yon sa Website ng fansclub niya. Panigurado maiingit ang mga friends ko online.
"Hoy! Drew! Drew ano ba?" Sino ba yon? Ang ingay naman? Lumingon ako para makita kung sino ang tumatawag sa akin. Si Vince na naman.
"Vince naman eh." Binatukan ko siya.
"Bakit? Anong ginawa ko? Bakit mo ginawa yun?"
Tiningnan ko siya ng masama. "ilang beses ko ba sasabihin sayo na Angeline ang itawag mo sa akin. Ang DREW ay codename ko. Naiintindihan mo ba? Pang 1000 times ko na sinabi yan sayo eh."
"Sorry naman oh.. Sabay na tayo pumunta ng classroom mag classmate naman tayo eh."
Naglakad na kami papunta sa room namin. "bakit kaya tayo mag classmate? Hindi man lang ako makahiwalay sayo."
"As if naman gusto kong maging mag classmate tayo. Beside sawa na ako sa pagmumukha mo."
"Wooh! Talaga lang huh? If I know ayaw mo mawala ako sa paningin mo."
Tumawa ako ng malakas. "Haha okay ka lang Vince? Naririnig mo ba ang sarili mo? I love my own ang peg mo ah? Hahaha."
"Sige lang Dre--- Angeline, ipagpatuloy mo lang yan." Tiningnan ko siya ng masama, nung muntikan na naman niya akong tawaging Drew.
Huminto kami sa tapat ng naka assign sa aming classroom. Nagkukulitan pa rin kami ni Vince nang biglang nagbukas ang pinto ng room. Bumungad sa amin ang no other than Mr. Ethan Joseph Rodriguez.
Napahinto kami ni Vince, nakatitig lang ako kay Ethan. Ang gwapo niya talaga sa personal, mas matangkad siya sa akin ng kunti. Matipuno siyang tingnan. Ang amo niyang tingnan. Grabe talaga. Basta ang perfect niya.
BINABASA MO ANG
High School Undercover
ActionIsang secret agent si Angeline Mae Park, 17 years old, high school student. Ngunit dahil sa pagiging secret agent niya, dito mapapahamak ang buhay niya at higit sa lahat ang malalaman niyang sikreto tungkol sa tunay niyang pagkatao. Paano kaya niy...