Take 2

558 23 1
                                    

DREW POV

"Hoy! Angeline!!" Teka si Christian yun ah? Lumingon ako, nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin.

"Good Morning Christian!"

"Good Morning din. Bakit ganyan suot mo?"

"Huh? Bakit ano bang suot ko?"

"Patawa Angeline? Bakit ganyang uniform suot mo?"

Ay oo nga pala, nakalimutan ko sabihin. "hehe..."

"wag mo akong tawanan Angeline."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Anong masungit ka diyan?"

"Uhm Christian."

"huh?"

Naglalakad na kami palabas ng Village namin. Ano kayang maging reaksyon ni Christian pag nalaman niya?

"Hoy? Ano yun?"

"ah? Ano kasi..." Huminto ako sa paglalakad. "Kasi ano eh..." kinakabahan ako. "kasi ano...ARAY! Ano ba? Bakit mo ako binatukan?" Sinigawan ko siya.

"Pwede bang ituloy mo na yung sasabihin mo? Nakakabitin ka eh."

"Christian nag transfer na kasi ako." Nakapikit ako habang sinasabi yun.

Naramdaman kong huminto siya sa paglalakad. Dumilat ako at...

"Hahaha..." Tumatawa siya. Wow huh? What a reaction Christian.

Hinayaan ko lang siya tumawa, "Hoy Angeline! Teka. Haha." Sige tawa pa Christian. "Wait lang Angeline."

"Sige Christian itawa mo lang yan. Hindi kita iistorbuhin. Promise!" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Hoy ito naman, natawa lang kasi ako. Bakit ka nga pala ng transfer?"

"Secret."

"huh? Hoy bakit secret? Sabihin mo na? Hindi ka lang pumasok kahapon transfer ka na agad? Bakit ang bilis ata?"

Oo mabilis talaga, hindi ko nga akalain na naayos na pala ni Boss eh.

HEADQUARTERS

"Yan si Denise Chan Mercado, 17 years old. Anak Ni Don Juanito Mercado, ang pinaka mayamang businessman sa bansa. Nag iisang anak lang niya si Denise at ngayon nanganganib ang buhay ng kanyang unica hija." Wow! Ang swerte naman ng babaeng ito. Anak ng pinaka mayamang tao sa Pilipinas. "Katulad mo, isa din siyang high school student na nag aaral sa isang sikat na paaralan ngayon."

"Pero paano ko po siya mababantayan Boss?"

"Magandang tanong yan Drew. Naayos na ni Vince ang papers mo para makatransfer ka na sa St. Joseph Academy..."

What? Transfer? "Ho? Ako mag tratransfer? Sa St. Joseph Academy?" Woah! Pangarap ko yung school na yun.

"Sa wakas matutupad na ang pangarap mo partner." Si Vince yun.

"Kanina ka pa dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Hanep talaga kaninjahan nito. Kaya kami mag partner eh. Ako magaling sa diskarte siya mabilis kumilos.

"Magkasabay kaya tayo pumasok dito." Ganda ng ngiti palibhasa may mission na naman.

"Boss wag mong sabihin kasama ko ang lalaking ito sa mission na to?"

"Ofcourse Drew, partner kayong dalawa." Sagot ni Boss.

"Hoy Partner, bakit parang ayaw mo ako kasama huh?"

"kasi alam kong mangbabae ka na naman sa mission na to."

Ngumiti siya, "Sus, if I know nagseselos ka lang eh." Kikilitiin niya sana ako, kaso pinakita ko sa kanya yung kamao ko.

High School UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon