Ch.14: DUDE

49.7K 740 23
                                    

Chapter 14: DUDE

Charvs' POV

 

Pagkahatid ko kay Lewis sa kanila ay umuwi na rin ako, wala naman din kasi doon si Biancs at Bien at saka pupunta pa ako sa resto ko dahil may ka-meet ako roon.

"Bye Titito," nagwave pa si Lewis bago ako umalis, sumaludo naman ako sa kanya at pinaharurot na ang kotse ko. Binilisan ko ang takbo dahil 3:30 na at 3:00 lang ang usapan namin ng ka-meet ko. Hindi ko naman ugaling ma-late pero dahil nga hinanap ko pa si Lewis na nasa kotse ko na pala kaya ako natagalan.

Pagkadating ko nagpalinga linga ako para hanapin kung san siya nakaupo, tiyak kasi nandito na yun. Hindi naman kasi talaga nagpapalate ang mga lalaki sa usapan.

Nung makita ko kung san siya nakaupo, mabilis akong naglakad papunta roon at kahit nakatalikod siya, alam kong siya yon, matagal din naman ang pinagsamahan namin kaya hindi ako madaling makalimot ng tao.

"Bro!"






At saka ko tinapik ang likod niya. Humarap naman siya agad at niyakap ako (manly yakap ok? yung hands first then parang bunggo lang ng katawan, ganun. Makiimagine na lang. Alam ko namang malakas mga imaginations niyo we. ^^,v)

"Dude!" bati niya sakin. "Tae ka pare, kanina pa ko dito. Bat ka ba ngayon lang dumating? Sasamahan mo pa ko magbar eh! Nakakamiss kaya!" sabi niya sakin na may nakakalokong ngiti at umupo na kami.

"Gago ka Chino! Magbago ka na! Tanda mo na oy! Happy-go-lucky ka pa rin ba?!" saka ko siya bahagyang sinapak. Ok lang yun, ganun talaga kami, wala lang naman yun.

Chino's POV



"Dude!" bati ko kay Charvs, kababata ko, tinawagan ko siya kaninang umaga para makipagkita sakin dahil kakarating ko lang ulit ng bansa matapos ang halos 5 taon ng pagpapakapagod magmanage ng business namin sa States.

"Tae ka pare, kanina pa ko dito. Bat ka ba ngayon lang dumating? Sasamahan mo pa ko magbar eh! Nakakamiss kaya!" sabi ko pa sa kanya at saka tumawa.

"Gago ka Chino! Magbago ka na! Tanda mo na oy! Happy-go-lucky ka pa rin ba?!" sagot niya naman sakin. Alam ko namang ganyan ang magiging reaksyon niyan dahil syempre tiyak nagsipagbago na sila ng iba naming barkada, nabalitaan ko nga din na may madalas daw siyang puntahan na babae kaya naman siguro nga, nagbago na sila. 

Ako rin naman nagbago na, matagal na. Niloloko ko lang tong si Charvin. Simula pa ng makilala ko yung kabuteng babae na yun. Hindi na ko nagbabar halos.

"Tado pre! Loko lang. Good boy na ata to!" sabi ko naman sa kanya at binatukan din siya, loko we. Hindi na nagbago, lagi nambabatok. 

"Mabuti naman no! Dahil kami ni Bien dude, mas good boy na!" Ah si Bien, yung barkada namin na hindi ko naman talaga masyadong kakilala, pero madalas makasama. Alam ko na ang ugali nun at close naman kami pero wala lang akong masyadong alam tungkol sa kanya.

"Balita ko nga may bago ka na raw? Waw pare nawala lang ako gumaganyan ka na!" sabi ko sa kanya at saka tumawa. "Ano kayo na ba? Ano ba? Balitaan mo naman ako! Pakilala mo ko!"

"Ayoko nga! Agawin mo pa!" sagot sakin ng loko. Hahahaha. Kapal! Kanya na!

"Gago, pakilala lang! Natatakot ka bang sakin mahumaling pag nakilala ko?" pambubuska ko sa kanya, hahaha.

"Loko mo! Akin yun uy! Binalikan ko yun dito sa Pilipinas eh hindi ko yun papamigay!" sagot naman sakin. Mukhang tinamaan nga talaga ang mokong. Buti pa siya, kasama niya ang taong gusto niya.

Naisip ko,

Hahanapin ko na nga ang babaeng yun, masyado ng madaming oras ang nasayang.

Panahon na para suyuin siya. :)

*Author's Note*

Sorry naman. Ako na maigsi mag-update. Wala kasing inspirasyon! Konting pampalubag loob naman po riyan oh. Please. Para lang mainspire ako mag-update ng mahaba.

VOTE.

COMMENT

BECOME A FAN.

Please?

Thank you guys! I love youuuuu ♥

----JuggyboyIsGirl :P

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon