Chapter 14

433 15 2
                                    

*Chapter 14*











Denice...



Nagulat kami ni JC ng makita kami ni Denice kung kaya't napabitaw agad ako sa yakap nya.  Nang titigan ko si Denice kita ko ung sakit at galit sa mga mata niya. Sa totoo lng ok lng na magalit sya sakin kasi ako din ang may kasalanan. At baka ako pa ang dahilan para hindi sila magkaayos. Oo masakit sakin pero siguro kailangan ko nang tanggapin ang lahat. Masakit pero kailangan. Kailangan kung mag move forward kasi kung masasanay ako sa ganto,ako at ako lng din ang mahihirapan. Siguro ok na to. Tama na. Siguro dapat maging masaya nalang ako.



Sandali lng namin pinapakiramdaman ang isa't isa at nang gumaan na ang atmosphere,tumakbo si Denice paalis sa bahay na yun. Sinundan ko naman agad sya. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko humingi ng tawad at yakapin siya. Nang malapit na ako sa kanya,hinawakan ko agad ang braso niya para pigilan siya ngunit nagulat ako nang biglang isang malalakas na Sampal ang natamo ko.




Hindi ko alam,pero parang namanhid ang mukha ko at biglang may luhang tumulo dun. Napaupo ako nang bigla niya ulit akong sinampal. At ngayon wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak.



"Ano Natalie masaya kana?Pati si Jc kukunin mo sakin?Akala ko ba gusto mo sumali sa group namin?Natalie alam ko gusto mo siya,pero pls lng layuan mo boyfriend ko."  Napatingin lng ako kay Denice habang sinasabi niya yun.

Boyfriend.    


"Natalie, tinanggap kita. Kasi gusto din kita maging kaibigan,kaso apakabobo ko. Dapat hindi ako dumikit, naging mabuti sayo. Kasi hindi mo yun deserve. Saka para sabihin  ko sayo hinding hindi ka magugustuhan ng boyfriend ko. Alam mo kung bakit?kasi hindi kita ka level. At hinding hindi mangyayari yun. " dagdag nya.



Ang sakit. Shocks. Gusto ko pigilan yung sarili ko na hindi umiyak. Pero kapag pinupunasan ko yung mukha ko mas lalong bumubuhos ang luha ko.



"D-denice,m-mali yung iniisip m-mo, sa totoo lng l-lalayo naman t-laga a---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na naman niya ako sinampal.


Ouch.


"Alam m---"
"Tumigil ka na Denice."madiing Saad ni JC. Kaya't Napatingin kami sa kaniya. Nagulat ako nang bigla nya akong itayo. Pero hindi ko yun pinansin at tumayo mag isa. Pero hindi ko alam parang biglang nanghina ang tuhod at napaupo ulit ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa kakaiyak at kahit gustuhin ko man. Ayaw tlga ng mga mata ko.



"J-jc..." tanging sabi ni Denice at bigla siyang umiyak.



"Alam mo Denice,nung makipag break ka sakin yun yung mga oras na tinanggap ko na ang lahat. Hindi ako umiyak?kasi gusto ko na ring makipag break sayo. Denice,hindi ako nakipag break sayo para masukat kung loyal ka sakin,nakipag break ako kasi na realize ko hindi ikaw yung nilalaman ng puso ko. Wala na yung dati. Oo nasaktan ako,pero tinanggap ko na lahat. " Saad ni JC kung kaya't  patuloy lng na umiiyak si Denice.




"Alam mo Denice,alam  kung nakipag break ka to test my loyalty towards you. Pero sorry Denice.  I'm really sorry siguro ito na yung Time. Im officially breaking up with you. Thank you sa lahat and I hope na makahanap ka ng mas better sakin,sana tigilan mo na ako,kami. Sana pag nagkita tyo treat me just a stranger."




"Sorry Denice pero I hope maintindihan mo na iba ang gusto ko. Oo mabilis man pero hindi ko alam eh. Siguro Denice,hindi talaga kita minahal. Siguro nasanay lang ako sa presence mo. Hindi ko to sinasabi kung wala lang. Thank you sa lahat Denice pero siguro tama na. Ito yung reyalidad Denice Im Sorry and Thank you." Lahat yun sinabi ni JC.  Maging si Denice ay nagulat pero nangingibabaw ang Pain sa kaniya.




"Jc,pls give me a reason.. Please stay.." Saad ni Denice. Sobrang mapula na ang mga mata niya at umiiyak pa rin siya. At ngayon ay nakaluhod na ito sa harap ni JC,
nagmamakaawa na wag siyang iwan.




"I don't need to give you a reason. I'm sorry Denice. Naiintindihan ko kung isipin mo na ang sama ko,pero sorry..." Saad ni Jc saka niya ako tinulungang tumayo.




"Saka please don't hurt her. You dont know kung gano sya kaimportante sakin." Sabi niya at binuhat niya na ako para makaalis dun.



Habang buhat buhat ako ni JC, tiningnan ko si Denice sa likod namin at kita ko na umiiyak pa din siya pero nung nag tama ang mga mata namin,bigla niya ako sinamaan ng tingin tila ba lalapain ako nito.



Andito na kami ngayon ni JC sa likod ng school. Walang tao dito dahil may klase pa. At sa mga oras na to hinding hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ganto yung nararamdaman ko.



"Alam mo,totoo yung sinabi ko kay Denice kanina. At tama nga ako,nasanay lng ako sa presence niya. Hindi ko talaga siya totally minahal. Sabihin man niyang ang sama ko,ok lang kasi para din sa kanya yun. Kasi kung pinagpatuloy ko yun tapos masanay sya mas masasaktan siya pag sinabi ko yung totoo." Pag amin ni JC. Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.






"Natalie ayoko ng makitang umiiyak ka." Sabi ni JC sakin. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba,pero bakit....



"Jc--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya takpan ang bibig ko at hinawakan niya ang buhok ko.




Ohmyghadd!Beklus ba siya?tuyab? Juice colored.




"Hoy hindi ako bakla ah. G-gusto ko lng maging r-romantic. Hayst sheets. Ewan ko ba pero..." humugot siya ng malalim na hininga at,




G-gusto niya maging romantic?NO NATALIE. WAG.  >•<




"Hindi ko alam Natalie,pero since noon,ewan ko bat ngayon ko lang kinonform na kaya pala hindi ko kayang mahalin si Denice dahil, I loved someone for a long time. And I don't why.."Saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero para akong matutunan nun.  Napakabilis ng tibok ng puso ko. At dahil yun sa  kanya. Pero may doubt sakin,dahil natatakot ako. Pero kahit anong pilit kung kulong ang puso ko sa hawla,nakakalaya pa rin ito at patuloy bumabalik sa nag mamay-ari nito.





Oo. Tanga na kung Tanga pero binigay ko na ang puso ko sakanya. Binigay ko na kahit na alam ko sa huli ibabalik nya sakin ang puso ko na mahina, may sugat at hindi alam ang gagawin. Pero ito ako kahit na alam kung mapanganib,nagtake ako ng risk para sakanya. Para sakanya lng.



"Natalie,may mali ba sa sinabi ko?" halong pagtataka at hiya ang nakikita kung reaksyon sa mukha ni JC ngayon.



May sinabi ba sya?Hanlaa di ko alam. Kasi naman,masisisi niya ba ako kung iisipin ko siya??Ayy Maharot. Sabing tama na eh.




"Gusto kita Natalie. "




Dahil dun nanatili lang akong nakaupo at nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi.



Magsasalita na sana ako nang mapansin kung wala na siya sa harap ko. At tuluyan na siyang nakalayo. Totoo ba?? M-may gusto siya sakin??P-pero bakit ako??



Pero aminin ko man  o hindi. Hindi ko alam pero isang ngiti ang gumuhit saking mga labi. At umaasang sana hindi na to matapos.








My Highschool Lovestory
To be Continue...

💖MY HIGHSCHOOL LOVESTORY💖Where stories live. Discover now