Chapter 15

521 17 5
                                    

*Chapter 15*










I'd spend ten thousand hours,
And ten thousand more,
Oh if that's what it takes to learn that sweet heart of yours,
And I might never get there,
But I'm gonna try,
If it's ten thousand hours or the rest of my life,
I'm gonna loved you.
-10000 hours (Dan+Shay,Justin Bieber)




Sabi nga nila 'Kahit ilang beses pa akong masaktan,di ako susuko,di kita iiwan.Dahil kung may 100 mang dahilan para iwan ka,hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.' Siguro hindi pa sapat yung nararamdaman para maisip ko tong mga bagay na to. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga bagay na sinabi niya sakin kanina. So ibig sabihin,matagal na niya akong gusto?Tama ba?o nag a assume na naman ako?



"Hindi ko alam Natalie,pero since noon,ewan ko bat ngayon ko lang kinonform na kaya pala hindi ko kayang mahalin si Denice dahil, I loved someone for a long time. And I don't why.."

"Gusto kita Natalie"





Hayst. Ito na naman,kanina pa to ah. WAAAHHH kikiligin na ba ulit ako??Ano ?Ahm, krass ko na ulit siyaa? Ayy marupok AHHHAHA. Pero imposible kasing hindi mo siya magustuhan,bakit? Kasi mabait siya,gwapo,matalino. Kahit na ngayon ko lang siya nakasama ng matino. Ewan ko pero ang bait niya sakin.






Andito ako sa classroom. At nakikinig ng ako ng music. Wala kasi kaming magawa dito eh. Wala pang materials para makagawa kami para sa program. Well inuumpisahan na naman na yung para sa background, saka yung para sa exhibit dito sa classroom. So bali,maliban sa Mr&Ms. meron ding exhibit bawat classroom,
tpos ang ipapakita sa exhibit is about sa mga trabaho,kunware piloto. Dapat sa exhibit niyo parang yung Room nyo gagawin nyong loob ng eroplano tpos kayo Suot nyo yung mga suot ng mga flight attendant o di kaya ng piloto. Maliban dun meron din silang mga palaro. At maganda ito dahil per Grade ang mag kakampi. Mas maganda kasi kapag may activity na ganto sama sama kayo ng mga kaklase mo kasi mas masaya. Pag iba kasi parang Awkward.







"Hoy!" may nang gulat sakin. At sa sobrang oa ng pagkagulat ko nakatayo ako at tumama yung tuhod ko sa upuan ko. Putekk na buhay to.




"Ano b--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hinawakan ni JC ang kamay ko at hinila nya palabas ng classroom .





"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang hawak niya parin ang kamay ko.




"Kakain na. Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman ako." Hindi ko alam parang napangiti ako sa sinabi niya. Bwisett tlga to. Pinapakilig ako.




"WoW ah. Hindi kaya." tanggi ko sa kaniya. Syempre dapat pabebe charot.





"Wag ka ng tumanggi. Inaantay na tayo ng kaibigan mo." ha?kilala niya kaibigan ko?Weyt.





"Kilala mo si Lorraine?"Tanong ko sa kaniya.




"Oo. Diba siya yung nagmake up ng makapal tpos humarap siya samin na nagpapasign. Tpos hindi namin siya pinansin. Yung nerd na yun,mas matanda pala satin tapos kaibigan mo pa. Whatt a small school. I mean world." nakaismid niyang sabi. Ahh so natatandaan niya pala.




💖MY HIGHSCHOOL LOVESTORY💖Where stories live. Discover now