Chapter 3

0 0 0
                                    


Akala ko hindi na ako makakauwi sa lakas ng ulan. Salamat na lang talaga sa kung sinong good samaritan na nag-iwan ng payong.

Flashback

Bumalik na si Charles after nyang matapos ang tawag. Katulad ko ay nagtaka din sya kung saang lupalop ko nakuha yung payong.

"Where did you get that?" Takang tanong nya sakin.

"Someone left it here in my table. Hindi ko kilala kung sino ang nag-iwan eh." I honestly told him.

Napa 'ahh' na lang sya. Maya maya ay nagpaalam na sya sa akin dahil sa isang emergency. Ayaw ko man syang paalisin dahil alam nyo na... pero sa huli ay pinayagan ko na din sya.

Im not his girlfriend remember?

Lumabas na ako sa cafe para umuwi. Ngunit bago yun ay nakita ko yung lalaking nakagrey na tshirt! Kaso hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng payong. Medyo hindi din naman ako sigurado kung galing nga sa kanya ang payong.

I mean, come to think of it, bakit naman nya ako iiwanan ng payong? Sino ba sya? Kilala ba nya ako? Why would he care?

End of flashback

Hindi ko pa rin maiwasang maalala ang encounter ko kanina kay Charles. Sulit naman pala ang halos 4 years kong paghihintay dahil finally napansin na nya ako at nakakausap ko na sya. He even know my name. Hindi naman ako ganoon kakilala sa campus coz I'm just a typical nobody.

Narining kong kumakatok si Kuya Ark sa pinto ng kwarto ko. I let him in.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Uhm wala naman. I just want to check you out. Kamusta na ba ang babygirl ko?" Sincere pero may halong pang-aasar na tanong nya. Here comes the 'babygirl' again.

"Kuya wala akong panahon makipag-asaran sayo." Inirapan ko sya.

"Haha I'm just kidding Ley." Saka sya umupo sa tabi ko. Kuya loves to call me Ley. Common na daw kasi yung Ash and it sounds boyish. Hindi nga naman sya bagay sa personality ko.

"Kuya finally..." finally abot kamay ko na sya. Hindi katulad dati na hindi nya ako matapunan ng tingin o kaya batiin ako. But now..

"What happen Ley?" Takang tanong nya.

"I know it may sound so corny but finally he noticed me!" Excited kong sabi. Kuya doesn't know anything. Hindi ako madalas mag-open sa kanila.

"Who? Ley do you already have a boyfriend?"

"Sana nga Kuya boyfriend ko na sya eh kaso hindi..." malungkot kong sabi.

Hindi ko tuloy maiwasan to imagine the thought of me and Charles in a romantic relationship.

Ano kayang feeling na maging girlfriend nya?

"By the way Ash, do you know Geremie? Or have you even heard of him?" I snapped back to reality right after hearing his name.

"Uhh yes Kuya. He's my crush's cousin. Bakit mo natanong?"

"He's our new band member. I was so amazed on how talented he is nung nag-audition sya."

I forgot to mention that Kuya has a band. He's playing the keyboard and I remember that they are looking for a vocalist before. I bet Geremie got the slot. Sinubukan akong pasalihin ni Kuya noon but I refused due to some hectic schedule.

Why does Geremie always enter the moment? Wala atang araw na hindi ko maririnig ang pangalan nya.

"Pupunta nga silang lahat mamaya dito, including Geremie." Super excited na sabi ni Kuya. Damn his childish expression. Lagi na lang nyang ginagawa yan.

"Anong gagawin nila dito?"

"I just invited them to have fun. Gagamitin na din namin yung studio para magpraktis." He said.

After a while, we both heard someone pressing the doorbell. Kilala na ni Kuya kung sino yon. He immediately rushed to the gate to open it and welcome his fellow visitors.

Hinayaan ko na sya sa kung ano mang business nya. Nanood na lang ako ng Kdrama. I'm now watching Hwarang at nasa episode na ako kung saan namatay si Taehyung a.k.a V ng BTS. Hindi ko mapigilang umiyak. It's like, among all the casts, why does it have to be him? Pwede namang isa sa mga panget na extra na lang but why V?!

Kulang na lang ay humagulhol ako sa pinapanood ko. Feeling ko ako yung kasintahan ni V na naghihinagpis dahil hindi ko na makakamit ang pangarap kong forever dahil namatay sya. Damn those tragedies. Sino bang nakaimbento ng ganung ending? Pero sabagay, not all endings should end with a happily ever after.

Nasa kasarapan ako ng panonood ng hindi ko namalayan na may pumasok pala sa kwarto ko. Ewan ko kung paano ko sya napansin basta napalingon na lang ako sa pinto.

There he stood with his usual look. Hands on his pocket, messy hair and a blank expression. But sometimes behind that blank expression is a naughty bastard. Yeah it was Geremie.

"Ahh you seemed to busy so I just let myself in. Tinatawag ka ng Kuya mo."

Pwede namang si Kuya na lang ang pumunta dito eh. Bakit kelangan na ang lalaking ito pa?

"Your Kuya is busy cooking." Here comes his mind reading skills again.

Akala ko tuluyan na syang aalis at lulubayan na nya ako but then ye turned to me again.

"By the way, ang panget mo kapag naiyak."

At umalis na sya agad. Anak ng balahura naman talaga! Ano bang kasalanan ko at lagi na lang ako pagtripan ng lalaking yun?! Nakakarami na sya ha!

Bago ako bumaba ay nag-ayos muna ako. Nakakahiya kase sa abnormal na lalaking hindi marunong magsuklay!

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko sila sa sala. They are busy chatting and eating Kuya's experiments. I called it experiments dahil kung ano ano ang naiisip nyang iluto. Pero masarap naman.

"Hey Ark, I didn't know na may maganda ka palang kapatid. Hi there pretty lady! I'm Jin." Bati ng ka-band mate ni Kuya habang papalapit sa akin. Sya ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Sinuklian ko lang sya ng isang ngiti.

"Yes Jin, her name's Ashley. Hey Ley meet my band mates" sabi ni Kuya.

Kilala ko na yung Jin, yung pinakamatangkad. Sya ang drummer ng banda. Next na itinuro ni Kuya ay yung may pinakamalalim na dimples, his name's Joon. Isa sya sa mga guitarist. Kasama nya ay yung laging nakangiti na ang pangalan ay V. Naalala ko tuloy yung eksena sa Hwarang dahil kapangalan nya yung character ni Taehyung. Si Kuya ang sa keyboard. Lastly ay ang vocalist at face of the group according to Kuya.

And that's Geremie..

The Focusing EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon