Someone's POV
She's a pain in the ass. Kahit kailan talaga ay napakapabida nya sa lahat ng bagay. Lagi na lang si Ashley!
Katabi ko ngayon ang lalaking tanging natitira sa akin. Ang lalaking nais din atang agawin ni Ashley.
"Babe, wala ka ng time sa akin" malambing kong sabi sa kanya.
"Look, ginagawa ko lahat para makabawi sayo. Don't say such things." Paliwanag nya.
"Pumayag ka na kasi sa kondisyon ko. Make that girl fall for you then hurt her!" Tiningnan ko sya sa mga mata.
Oo alam kong napakadesperada ng ideya ko but I really don't want Ashley to be happy! Sapat ng ako ang naghirap noon at babawi ako ngayon.
"I have to go. May klase pa ako." Akmang aalis na sya pero pinigilan ko.
"If you won't do it, fine. Ako ang gagawa ng paraan para maghirap sya!"
--------
Ashley's POV
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil ang ingay nila Kuya. Hindi naman kami ganoon kayaman para magkaroon ng soundproof na practice room. Maybe I'll suggest it to my parents.
I sat in my usual spot sa room- last row, a chair beside the window. Perfect spot for someone who loves peace.
"Ashleeeeeyyy!!"
Here she goes again. Kulang pa nga ako sa tulog tapos bubulabugin pa ako ng wangwang.
"Did you ate megaphone for breakfast Joyce?" I annoyingly asked her.
"Why so mean? May ibabalita lang naman ako sayo eh!" She's so close to me now but she's still shouting like I'm from the other side of the universe.
I just ignored her and went back to sleep. I'm sure she got some nonsense gossips again. I don't have time for that.
"Bakit ba ang sungit mo? May period ka no?"
Nakuha naman ng malakas nyang bunganga ang atensyon ng buong klase. I-broadcast ba naman ang about sa period?
"Look Joyce, I don't have time for your nonsense news slash gossips so would you---"
"May laban ng soccer ang section nila Charles! Kalaban nila yung section ng pinsan nyang pogi!"
Hindi ko alam kung anong meron sa pangalan ni Charles which automatically changes my mood from bad to good. And I'll admit that not all the times ay puro walang kwenta ang sinasabi ng kaibigan ko. Napapakinabangan ko din naman ang talento nya sa pagsagap ng balita about Charles.
"Pinsang pogi?" Tanong ko.
"Yup! Yung Geremie ba yun? Ahh basta pogi din sya katulad ng Papa Charles mo" kinikilig nyang sabi.
Oh there goes Geremie again. Hindi pa ako nakakabawi sa pang-o-okray nya na ang pangit ko daw umiyak.
Hmm I wonder kung may ibubuga kaya sya sa pinsan nya. Super galing ni Charles sa soccer and I'm sure they will bring home the bacon.
"Anong oras daw ang laban nila?" See? Joyce's news got me awaken. Parang halos isang hikab na lang kanina ay makakatulog na ako but now ay daig ko pa ang nakuryente.
"3 pm, sakto halfday lang tayo ngayon. Mapapanood natin sila Beshy!!! Ichicheer ko si Jerry later." Excited nyang sabi.
Jerry is Charles' classmate. Joyce likes him so much.
Dumating na ang prof namin and I have no choice but to endure this boring discussion.
------
Joyce and I went at the cafeteria. Kakain muna kami bago manood ng laro ng aming mga crush. Well, nice parang mga elementary lang. But who cares? Having a crush has no age limit.
BINABASA MO ANG
The Focusing Effect
RomanceAng Focusing Effect ay isang phenomena na nagaganap sa ating utak. "Focusing effect is when people place too much attention onto something or someone therefore neglecting the others around them. They fail to recognize the other factors because of to...