Sabi nila sa Earth daw ako nakatira pero bakit parang nakatira na ako sa langit?Yan ang naiisip ko habang nakaupo sa isang bleacher at pinapanuod maglaro ng soccer ang halos 4 years ko ng crush na si Charles. Para sa akin ay isa syang anghel mula sa langit kaya sa tuwing pinagmamasdan ko sya ay pakiramdam ko nasa langit na ako.
Sobrang sikat ni Charles sa buong campus kaya hindi ko maiwasang magkaroon ng maraming kaagaw. Actually hindi nga lang ako ang nag-iisang nanonood dito sa kanya. Narito yung ibang babaeng nagtayo na ng fansclub sa sobrang obsessed kay Charles.
Nagpapractice pa lang naman sya ngayon pero halos mapuno na ng fangirls ang buong field habang hawak ang kanilang mga banners. Samantalang ako? Heto tahimik lang na pinapanood sya sa malayo. Hindi nya rin naman ako mapapansin kahit pa siguro sumigaw ako dito para i-cheer sya.
"Go Baby Charles!!"
"You can do it Babe!"
"Charles ang galing mo!"
"I love you Crush!!"
"Aahhhh!!"
"Pssh nakakarindi naman dito." Aalis na lang ako tutal hindi ko rin naman masosolo si Charles.
Tsaka sa dami ba naman ng tao dito sa field ay makita nya pa kaya ako? Ni hindi nga ata sya mag-aaksaya ng oras para lingunin lahat ng nanood sa kanya eh.
By the way I don't have class. Napagpasyahan ko na pumunta muna sa isang vending machine sa campus at doon ako iinom sa rooftop.
Tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng campus. Bawat parte nito ay occupied ng mga estudyanteng busy sa kani-kanilang businesses. Tanging dito lang talaga sa rooftop tahimik ang buhay ko. Dito na lang muna ako magsstay hanggang sa mag-uwian. Wala rin naman kase akong gagawin sa bahay.
Blaaag!!
Nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto ng rooftop. Ngunit paglingon ko ay wala naman akong nakitang kahit sino.
Don't tell me may multo dito??
But it's too impossible. Hinanap ko ang pinagmumulan ng ingay. My feet lead me to a guy sitting at the railings. Kulay gray ang magulo nyang buhok but the messy hair looks good on him. Saka lang ako bumalik sa ulirat."Wag! Wag kang tatalon please!" Histerikal kong sabi. Yun siguro ang dahilan kung bakit sya naparito. Base on his looks mukhang depressed sya kaya one thing is for sure, he'll jump.
Tumingin naman sa akin ang lalaki wearing a what-the-hell-are-you-saying look. Bumaba sya sa railings and he slowly walk towards me while his hands on his pocket.
Mabuti naman at bumaba na sya. Dahil kung tumalon sya at nalaman nila na ako ang huli nyang kasama dito sa rooftop for sure I will be accused as the culprit.
"What makes you say na tatalon ako?" The guy finally spoke. He's smirking while saying those words to me.
"Ha? Hindi ba?" Medyo nasesense ko na mapapahiya ako sa kanya. Sala ba ang conclusions ko?
"No and I will never do it." Bored nyang sagot.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Dumaan ang malakas na hangin na syang tumangay sa mahaba kong buhok at sa magulong buhok nya.
"I'm sorry kung yun ang naisip ko. Kasi naman eh.." hindi ko masabi na yung itsura mo kase mukhang suicidal!
BINABASA MO ANG
The Focusing Effect
RomanceAng Focusing Effect ay isang phenomena na nagaganap sa ating utak. "Focusing effect is when people place too much attention onto something or someone therefore neglecting the others around them. They fail to recognize the other factors because of to...