Hindi ko alam kung paano ko sisismulan ito. Ilang buwan na rin kasi.
Siguro nga ang tagal na pero hanggang ngayon nahihirapan parin akong kalimutan ang lahat. wala talaga akong isang salita. Sabi ko kasi di ko na gugustuhin na bumalik kapa. Pero bat ganito? Mahirap parin talaga kalimutan ka.
Oo okay na ako pero ang hirap parin lalo na pag may bagong ganap sa buhay mo. Hindi ko maiwasan hindi masaktan 😞 siguro nga talaga mahal pa kita. Sa tuwing tinatanong ko sarili ko or nang hihingi ako ng sign kung ano bang dapat ko gawin biglang mag bibigay ng positive pero madalas negative. 😞
Ewan ko hindi ko alam kung ano sa dalawa yung susundin ko nahihirapan ako promise. 😞 bakit ba kasi ganito? Ikaw nga halos di mo na ako maalala eh. Halos wala kana pakealam sa akin samantalang ako ito parin na stuck na sayo. Yung tipong kahit may bagong ganap sa buhay ko minsan hinihiling ko parin na sana ikaw yung unang taong makaalam nito.
Yung ikaw yung unang taong maging proud sa akin, yung unang taong mag sasabi na "ang galing mo sabi ko naman sayo kaya mo eh" pero pag naiisip ko, wala kana nga pala sa buhay ko at imposibleng mangyari pa yon.
Sa mga nangyayari palang sa buhay mo ngayon mukhang masayang masaya ka eh. At ayoko humadlang dun. Kahit alam ko sa sarili ko na ikaw parin walang iba di naman nagkaroon ng bago eh ikaw lang hanggang ngayon.
Ang sarap sabihin ng mga salitang yan sayo. Kaso ano ba naman ako? Ano bang purpose ng mga salitang yan kung wala naman akong lugar sa buhay mo. Aanhin ko naman yan eh ni lakas nga ng loob wala ako eh masabi ko pa kaya yan?
Hayy duwag kasi eh pero kasi mas makakabuti yun kaysa naman sabihin ko yan di naman makakatulong sayo baka mainis ka lang or magalit. Buti nga kahit papaano nakikita ko yung mga ngiti mo eh na kahit di ko matanaw katulad noon masayang masaya na ako.
Kasi alam ko masaya ka kahit na sa lahat ng ngiti na nakikita ko ngayon eh hindi ako ang dahilan. Ayos lang yon alam kong darating rin yung panahon na baka sakaling mamiss mo ako or kahit maalala lang. Yung tipo kahit mag pop up lang ako sa utak mo na minsan na napasaya ka rin ng taong ito.
Siguro sobrang saya ko pag nangyari yon pero hindi ko alam walang kasiguraduhan mahirap umasa masakit sobrang sakit. Pero ayos lang masaktan basta ikaw masaya lang basta tandaan mo na nandito lang ako di man ako nag paparamdam pero mahal kita.
Kung sakali man mapagod ka sa kakahanap ng taong handang pasayahin ka tawagan mo lang ako handa ko mag volunteer kahit sakit pa kapalit. Maramdaman ko lang ulit mga yakap mo at masilayan ko lang yung mga mata mo at mga ngiti mo.
Basta mahal kita kahit sa imagination lang pag bigyan na sana ako ng tadhana na okay tayo at nakikita kita masaya. Alam ko magiging okay rin lahat may purpose kung bakit ganito. Ingat ka palagi mahal kita ikaw lang. Ikaw parin talaga.
- 6537 💔🖤❤️☹️
YOU ARE READING
Hello Sadness ☹️
PoesiaNababaliw lang ako kaya nasulat ko ito. Active utak ko pag nasaksaktan ako eh 😊 pero seryoso sabi nga sa kanta ni ed sheeran "But if he breaks your heart like lovers do Just know that I'll be waiting here for you" kaya alam mo na pag napagod ka mag...