"Hoy Andres! Pinasukan mo na ba yung PHED 3 mo?" Bungad na tanong sakin ni Betsy. Pinakamadaldal na kaibigan sa balat ng lahat ng binalatan.
Kasalukuyan kaming naka-upo sa loob ng library. Wala pa kasing klase kaya nagbabasa muna ko. First week pa lang kaya hindi pa kami busy.
Si Betsy? nagchichismis lang sakin yan! Walang amor yan sa pag-aaral. Promise, pumapasok lang yang babae na yan para sa chismis sa buong University. Hindi ko naman mapalitan yang kaibigan ko na yan kasi wala pa kong mahanap. Pero syempre, biro lang!
Kasama ko yan sa boarding house na inuupahan namin malapit dito sa school. Sanggang-dikit at lahat ng pwedeng gawing pandikit. Kahit pa kaning-lamig. Ganoon kami ka-close ng babaeng yan.
Pareho kaming Second year student. Nursing ang kinukuha kong kurso habang Psychology naman ang kurso niya. Gagamutin niya yung sarli niya pag nagkataon. Pabor yun para sa kanya.
"Hindi pa ko napasok. Kinakabahan kasi ako eh." Nahihiya kong sagot dito.
"Anooo? Bakit ka kinakabahan? Diba pinag-usapan na natin 'to? Kaya mo yan Andres." Pagpapalakas nito ng aking loob.
Ewan ko ba, pero takot kasi ako sa ideya na malulunod. Nagkataon pa na swimming ang individual sports namin. Badtrip talaga. As in iniyakan ko talaga nung malaman kong 'yon ang PHED 3 ko, balak ko sanang i-drop kaso mahihirapan lang ako in the near future kaya titiisin ko na lang. May masamang plano na rin ako para makaiwas sa mga practical exams. Binigyan kasi ako ng ideya ni Betsy.
"Sige na, papasukan ko na yun bukas. Basta yung pinangako mo ah. Gumawa ka ng pekeng medical certificate na nagsasabing may sakit ako sa puso, para hindi ako lumangoy-langoy." Paalala ko dito.
"Oo naman. Mamaya agad, igagawa kita. Para bukas pumasok ka na sa Phed subject mo!" Tila nasisiyahan nitong sambit.
"Bakit ba parang tuwang-tuwa ka? Alam mong may phobia ako sa mga pools o kahit anong uri ng yamang-tubig ni mother earth tapos sobrang saya mo pa!" Naiinis kong wika dito.
"Ano ka ba! Nakita ko na schedule code mo sa P.E. at masasabi kong mag-eenjoy ka talaga this semester bes. Professor mo lang naman ang pinaka-hot, pinaka-gwapo at pinaka-macho na teacher dito sa University. Kung alam ko lang eh, nagpalipat sana ako sa section mo tuwing P.E." mahabang salaysay nito at may patalon-talon pang nalalaman habang kinikilig sa chismis niya.
Alam niyo na siguro ang sumunod na nangyari. Syempre pinalabas kami ng librarian dahil sa sobrang ingay nitong si Betsy. Nakakahiya tuloy sa ibang estudyanteng nakakita at nakarinig.
"Napakalandi mo talagang babae ka! Mag-aral ka nga ng mabuti. Puro ka kalandian. Ayan tuloy, pinalabas tayo!" Naiinis kong wika rito.
"Ano ka ba, hindi mo kasi alam na walang jowa si Ms. Ramos kaya galit sa mundo yan. Wag kang OA, puro ka aral wala pa namang exam!" Natatawang pahayag nito.
Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang mapailing sa kalokohan ng bestfriend ko. Ultimate chismosa talaga. Walang kupas eh.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagpaalam na ito sa akin na aalis na dahil simula na ng susunod niyang klase. Hinatid ko na lang siya sa pamamagitan ng aking tingin.
Sa totoo lang ay maganda si Betsy. Morena ang balat nito at may tangkad na 5'7. Pang Miss Universe ang ganda kaya lang maingay talaga. Wala ng gamot sa kadaldalan niya kaya nasanay nalang din ako. No choice eh.
Naglakad na rin ako papunta sa College of Nursing at doon ko na lang napiling ubusin ang nalalabing minuto bago ang aking susunod na subject.
Nakikipag-ngitian naman ako sa mga kaklase kong naghihintay rin sa professor namin sa Biology. Pero mas pinili kong tumungo na lang dahil medyo inaantok ako. Hindi naman ako puyat kagabi pero gusto ko lang matulog.
BINABASA MO ANG
Andres me not, Bonifacio! [BoyxBoy]
HumorAng magkaroon ng swimming bilang individual sports sa kanyang subject na Physical Education ay isang malaking problema na para kay Andres. Samahan pa ng isang napaka-gwapong Professor na mabait sa lahat ng estudyante maliban sa kanya. Ang dahilan k...