Mabilis akong naglakad palayo sa faculty room ng makalabas ako rito. Damang-dama ko pa rin ang kaba sa muling pagkikita namin ni Sir Pogi. Akala ko ay napakadali lang iwasan ng isang yun. Ngunit tila inaasar talaga ako ng tadhana at ginagawang mahirap ang buhay-estudyante ko dito.
Sandali akong huminto sa paglalakad at pinikit ko ang aking mga mata. Ilang minuto na ang lumipas ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang matatalim na tingin na ibinato sakin ni Sir Pogi kani-kanina lang.
Grabe naman kasi talaga yung mga tingin. Parang nagbabadya ng giyerang mala-Marawi. Ayaw ko naman mamatay ng virgin, hindi naman kasi ako si Mary. Kaya super iwas-iwas talaga dapat ang gawin ko.
Nang bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa main gate ng school upang umuwi na lang sa boarding house. May isa pa kong klase ngunit hindi ko na lang muna ito pinasukan.
Habang naglalakad ako pauwi ay palingon-lingon pa rin ako sa aking paligid lalo na sa aking likuran at baka bigla na lamang sundan ako ni Sir Pogi. Sobra na ang pagka-paranoid ko ng mga oras na 'to pero hindi niyo talaga ko masisisi. G na G talaga yung tingin ni Sir Pogi. Help me!!!
Walking distance lang ang inuupahan naming boarding house ni Betsy. Mas gusto ko yung bahay-type at hindi yung mga bedspace lang. Feeling ko kasi nasa preso ako kapag ganon.
Makalipas ang limang minutong lakaran ay nakarating din agad ako sa boarding house. Naabutan ko pa si Betsy sa sala na busy sa kanyang laptop. Dumiretso ako ng upo sa tabi niya at inilapag ang aking bag.
Tinapunan niya ko ng tingin at saka nagsalita.
"Bakit ganyan mukha mo bes?" tanong niya habang nagtitipa sa keyboard ng kanyang laptop.
"Eh kasi naman, yung kwinento ko sayo nung nakaraan, natatandaan mo pa ba?" panimula ko.
"Yung gwapong lalaking nakabungguan mo? Yung hindi mo alam na professor pala?" dagdag niyang tanong.
"Oo, siya mismo!" sagot ko at hinagod ko pa ang aking buhok gamit ang kaliwa kong kamay. Indikasyon na medyo nafu-frustrate ako sa mga nangyayari.
"Anong meron sa kanya? Ni-rape ka ba? Omg! Bes ipahuli natin sa mga pulis!" eksaheradang wika nito with hand gestures at tumayo pa.
Medyo advance at malikot talaga ang utak nitong si Betsy. Palibhasa nilamon na ng sistema ng chismis. Wala ng matinong maisip. Lalo lang tuloy akong napasimangot sa mga pinagsasabi nito.
"OA ka kahit kailan! Walang rape-rape 'no! Lakas nito maka-pelikula!" sagot ko naman.
"Eh ano nga? Daming palabok. Sabihin mo na yung nangyari!" naiinip na wika nito at hinawi pa ang buhok.
"Ito na nga kasi.... Nakita ko nga si Sir Pogi sa faculty room kanina. Ito kasing biology teacher ko, ako pa inutusan kumuha ng hand-out. Badtrip tuloy! Ang sama kaya ng tingin sakin." naiinis kong sambit.
"Ay really? Kung ganoon pala, iwas-iwasan mo na lang ang pagpunta sa faculty room at wag kang pagala-gala sa hallway kapag vacant mo para safe ka sa masama niyang tingin. Ganoon kasimple." sagot nito na siya ko namang tinanguan. Medyo may punto kasi si Betsy sa part na yun.
"Wait, ano bang fullname ni Sir Pogi?" Dagdag nito.
"Nakalimutan ko yung pangalan, pero kilala ko naman sa mukha." Walang gana kong sagot.
Matapos ng saglit naming pag-uusap ni Betsy ay nagtungo muna ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Mabuti na lang at wala pang assignment kaya maluwag pa ang school works ko.
"Ano nga tamang spelling ng tomorrow? Double "r" ba?" bungad na tanong nito pagkalabas ko ng kwarto.
"Tatluhin mo na yung "r" para sigurado. Mas okay na yung sobra kaysa kulang." biro ko dito.
BINABASA MO ANG
Andres me not, Bonifacio! [BoyxBoy]
HumorAng magkaroon ng swimming bilang individual sports sa kanyang subject na Physical Education ay isang malaking problema na para kay Andres. Samahan pa ng isang napaka-gwapong Professor na mabait sa lahat ng estudyante maliban sa kanya. Ang dahilan k...