Chapter IV

2.7K 118 61
                                    

"Anong gagawin ko?" Naguguluhang tanong ko kay Betsy matapos kong makapasok sa loob ng bahay. Hindi ko na nga namalayan kong paanong nakarating ako sa loob ng hindi nabibitawan ang mga pinamili namin.

"Ano ba sa tingin mo ang dapat mong gawin? Kasalanan mo yan, madaldal ka kasi!" wika nito at sinimulan nang ilagay ang mga groceries sa dapat nitong kalagyan.

"Sayo pa talaga nanggaling ang salitang madaldal ah? Parang hindi ikaw ang laging number 1 sa listahan ng maingay nung high school tayo." sagot ko dito kahit malayo naman sa pinag-uusapan.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Bakit kasi kailangan na si Sir Pogi at ang professor ko sa phed 3 ay iisa? Samahan pa ng padalos-dalos na mga salita. Sarap tuloy maglaslas bigla. O kaya naman ay magbigti na lang, tutal may nakaready naman kaming lubid sa kwarto.

Malalim na pag-iisip muna ang aking ginawa, hinayaan ko lang si Betsy na magluto ng ulam namin ngayong gabi habang nag-iisip naman ako ng pinakamagandang alibi sa kapalpakan na ginawa ko.

Kailangan ay mapaniwala ko si Sir Pogi na mabait talaga ko. Kailangan isipin niya na naliligo ako ng holy water. Pwede rin na kumain ako ng bibliya para mas convincing.

Ay teka, mabait nga ba ko? Wag na lang pala yun. Ibang strategy na lang. Baka mahirapan ako.

Bakit ko pa kasi in-open yung topic tungkol sa pekeng medical certificate eh. Nagkalabo-labo tuloy. Kasalanan 'to ni Betsy talaga eh, kung di lang pinairal ang kalandian at di kami sumabay kay Sir Pogi ay maayos sana ang lahat. Ginigigil talaga ko! Patong-patong na mga problema ko.

"Andres, basta ibigay mo kay Sir Bonifacio yung 1k bukas ah. Magsorry ka lang dun, mabait naman yun." Pagpapaalala ni Betsy habang sinisimulan na ang pagluluto.

"Sigurado ka ba bes? Ganon lang kadali? Mapapatawad niya ko agad?" alangan kong tanong.

"Oo nga, basta pumasok ka na bukas sa kanya. Close ko nga yun si Sir, judge nga sya nung pageant ko di ba? Wag ka ng kabahan." muling sambit ni Betsy at kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

Sa tingin pa lang kasi ni Sir Pogi mukhang di na marunong magpatawad. Idagdag pa na ininsulto ko sya kanina, take note sa sarili niyang kotse. Juskooo! Kinakabahan talaga ko. Feeling ko ay kailangan ko ng tulong mula sa CHR dahil baka bigla na lang akong matagpuang patay sa liblib na lugar. Kaso 1,000 lang ang budget na binigay sa kanila ng kongreso. Mapapasigaw ka na lang talaga ng Paweeeeeer!!!!

Tumayo na lang ako mula sa sofa at naisipan kong tumambay muna sa labas. Mukhang mas mainam kung magpapahangin muna ko para tuluyang mawala lahat ng agam-agam na mayroon sa utak ko.

"Tambay lang ako dyan saglit." Paalam ko kay Betsy at pagtukoy sa tambayan sa labas.

"Hoy Andres, ayusin mong dyan ka lang sa tambayan ah? Wag ka nang lumabas pa ng gate at gabi na. Baka barilin ka na lang bigla ng mga pulis dyan sa daan!" Mahabang pahayag nito.

"Ang OA mo na naman. Mukha ba kong adik?" Balik na tanong ko dito.

"Hindi, pero babarilin ka pa rin nila kasi kailangan nilang makaabot sa qouta!" naiiritang sagot nito.

"Teka lang Betsy, bakit nagagalit ka ba? Easy lang, ako lang 'to." Pabiro kong sambit na tila wala akong iniisip na problema kinabukasan at kung hanggang kailangan ito tatagal.

Napailing na lang ako at diretsong lumabas ng pinto sabay lakad papunta sa tambayan. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya't sandali akong napayakap sa sarili ko.

Wala sa sariling umupo ako sa isang bakanteng upuan at patuloy na nag-iisip ng mga posibleng palusot ko kay Sir Pogi bukas at mga pinaka nakakatakot na resulta na maaaring mangyari habang nakatingin sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Andres me not, Bonifacio! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon