Chapter 6

562 8 0
                                    

Chapter 6

Vincent's POV

Haisst! Ang tagal!! Kanina pa kasi di pa nagsisimula mahigit 30 minutes na ang nakalipas. Nakakabanas na. Eto namang bading sa tabi ko panay ang halikhik. Nakatabi lang ng gwapo eh abot hanggang langit na ang ngiti. Patayin ko na kaya para mapunta na sa langit. =_____=

Nasa gilid kasi ako ayoko ng may magkabilaang makatabi tsaka para makaiwas sa mga babaeng maiingay tutal ayaw naman ng mga babae sa gilid. Eh ngayon naman sa malas ko mas malala pa. Wala na akong choice kundi makatabi tong bakla to.

"LADIES AND GENTLEMAN OUR PLAY IS GOING TO START. SO ENJOY!" -sabi nung babae. Haaay! Sa wakas. Thank you LORD!

Makalipas ang ilang minuto. Ang boring naman. Nakinig nalang ako ng music. Tuwing lalabas lang naman si Camille saka ako nanunuod. To namang bakla sa tabi ko ang ingay ingay. Sobra! Ang sarap pasukan ng sapatos sa bunganga para manahimik.

Oh, biglang tumahimik ang paligid. Baka nandyan si Camille.

Tinignan ko kung nandun ba si Camille. Nandun nga may kasama siyang isang babae at lalaki. Tapos nagsalita yung lalaki, si Camille naman nagsalita rin medyo naiiyak pa siya. Galing talaga umarte ng babes ko. Biglang lumuhod si Camille at tinulak siya nung lalaki. Fucksh!t yun ah!

"HOOOH!" Sigaw nung bakla. Sh!t bakit ba kasi kailangan pang itulak?!

Aalis na sana yung dalawa biglang nagsalita si Camille, lumapit siya dun sa babae tapos sinampal.

"HOOOH! Grabe! Impakta talaga yang Camille na yan!" -Bakla

Sh!t, sinong impakta?!

Lumingon ako dun sa bakla, nanggigigil pa. Aba! Dapat ako nga ang manggigigil dito eh! Sabihan ba naman ng impakta ang girlfriend mo!! Sinamaan ko siya ng tingin, at ayun lumayo ng kunti ang loko. Dapat lang baka mapatay ko na to eh.

Sasampalin pa sana ng babes ko yung babae kaso pinigilan nung lalaki at umalis na sila. Ganun lang ba yun?! Humanda yang lalaking yan mamaya.

Pagkatapos ng eksenang yun. Boring na naman, kaya nakinig nalang ulit ako ng music hanggang sa matapos. Tapos tinulog ko nalang.

* Poke Poke Poke *

"Vincent....?"

"Mmmmm.."

"Vincent!!"

"HA!! MAY SUNOG!! SI CAMILLE!!? SI CAMILLE!?"

"HAHAHAHAHA!!" -Camille

"Psh!"

"Kaw talaga, ako pa unang naalala ah. Ayiee!"

"Siyempre ikaw lang naman kilala ko dito"

"Eh, kahit na ^_____^"

" ~__~ "

"Tara na nga uwi na tayo"

"Huh?! Teka, may pupuntahan pa tayo"

"Hmmm... Saan naman?"

"Basta. Tara na ^____^"

Hinila ko na siya papuntang kotse. 7 narin pala. Nang makarating kami sa parking area napansin ko kanina pa siya nakangiti ng abot tenga. Alam na kaya niya? Hindi naman cguro baka naman masaya siya kasi ok yung play nila. Ang ayaw ko lang dun eh yung pagtulak sa kanya nung lalaki, takte mananagot yun mamaya. Tsss! ang ayaw ko pa naman sa lahat yung sinasaktan mga babae eh.

"Vincent san tau pupunta?"

Nagdridrive na ako papuntang restaurant malapit sa beach. Malapit na kami, siguro naman ok na ang lahat. Pagdating namin kita ko na yung lugar maganda siya, tamang tama lang para saamin. Pinareserve ko yun para kaming dalawa lang. Hehehe, para saamin ang gabing to eh.

Who is Better PAST or PRESENT? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon