Chapter 11 (Part 1)

342 5 1
                                    

Chapter 11 (Part 1)

Normal POV

Pagkatapos ng gabing yun. Inihatid na ni William si Althea sa bahay nila tinignan nalang niya sa ID ni Althea yung address nila. Nagulat si Manang Dolores at syempre nakahinga narin ng maluwag ang akala kasi niya may masama ng nangyari kay Althea.

"Diyos ko po Althea!"

"Wag po kayong mag alala naglasing lang po yan wala naman pong masamang nangyari"

"Naku! Maraming salamat iho. Anong pangalan mo?"

"William po"

Kinabukasan.

"Ouch!!"

Ang sakit ng ulo ko!!

Wait?!! Paano ako nakauwi sa bahay?!! O_____O?

Aaaaah!! Wala akong maalala. Ang alam ko lang naglalakad ako sa may tulay tapos yung.. yung.. break up namin ni Andrew :'(

Althea!! Yan ka nanaman eh!! Wag kang umiyak dito kailangan mong bawiin si Andrew sa Camille na yun.

GO! GO! GO!

Tama!! Babawiin ko siya!! :)

Bumaba na ako para kumain ng breakfast pero ang sakit parin ng ulo ko!! wala akong maalala!! naku!! Pesteng ulo!

"Good Morning Kuya!!"

"......." Hindi siya sumasagot nagbabasa kasi ng newspaper.

"Sungit!"

"Saan ka nanggaling kagabi?! Bakit late na late ka ng nakauwi?! At sino yung naghatid sayo kagabi?! Nasan si Andrew bakit iniwan ka lang niya?!"

Ang sarap ipasok ng tinapay sa bunganga niya. PROMISE! -_________- Tsaka yung naghatid sakin??!! Di ko maalala!! Sakit sa ulo!

"Kuya hindi ba pwedeng isa isang tanong muna? tss! parang tanga lang."

"Eh?! Basta! Sagutin mo lahat ng tanong ko! Alam mo bang alalang alala na kami sayo kagabi?"

Si Andrew kaya? nag alala rin? Pssh! Imposible baka kausap na nun si Camille buong gabi. Althea umayos ka nga!

"Kuya... Nagbreak na kami ni Andrew kagabi"

* Paaaak! *

O____________O!

"Hoy kuya! Ang OA mo!"

"Nagulat ako bakit ba?! Nasan ba yung lalaking yun?! Gago yun ha! Tapos iiwan ka nalang niya mag isa pagkatapos niyong magbreak?! Nasan siya?! Buti walang masamang nangyari sayo!"

Tapos nilapag ni kuya yung newspaper na hawak niya at tumayo.

* Boink! *

"Ano ba Althea!! San mo nakuha yang papel?"

"Ang OA mo kasi kuya! Para kang tanga! Hahahaha!"

At humagalpak na sa tawa ang babae. Parang walang nangyari.

"Hoy! Abno ka ba?!"

"Kuya naman!! >3< Anong gusto mo umiyak ako?! Para namang hindi mo ako kilala! Kainis to!!"

"Hahaha!! Kailangan mag explain? Sino ngayon ang mukhang tanga?"

"Eh?!" O.O? Anong sabi?

"Kumain ka na nga lang!"

"Kuya! Nakita mo ba itsura nung naghatid sakin? Di ko maalala. I think I should thank him."

"Haa? Ewan ko. Tanungin mo nalang kay manang Dolores siya ang nakausap nung lalaki"

Who is Better PAST or PRESENT? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon