Chapter 5
"Ikaw?!" sabay turo sa kanya.He just smirked. Bakit siya nandito? At anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ko? Nag-alala siguro siya sakin.
"Dito ako nakatira." sabi niya at nabalik ako sa katinuan.
"Anong dito ka nakatira?! Panong ---"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang intercom at nagsalita si Tita. "Seung Jo! Ha Ni! Bakit ang tagal niyo? Pumasok na kayo ha."
Narinig kong sabi sa intercom. Teka ano sabi!
Processing...Processing...
Processing...
Connection Failed!
Teka ayaw mag sink-in ng sinabi ni Tita. Kilala niya si Seung Jo? Ibig sabihin, totoo ang pinagsasabi nitong lalaking to.
Ibig sabihin... O_______O Magkakasama kami sa iisang bahay? Napaka swerte ko naman!! Ay anong pinagsasabi ko? Pinahiya na nga ako nitong loko-lokong to eh. Erase! Erase! Lemme rephrase it. Ang MALAS ko naman at dito kami titira ni papa hanggang sa magawa ang bahay namin.
Lord... Sa pagkakatanda ko po, naging mabait naman po akong tao. Tatanga- tanga nga lang po minsan. Pero Lord, ano po ba ang kasalanan ko at napakabigat naman na PARUSA to. Huhu..
Tigil muna ang pagpapantasiya! Tinignan ko ulit si Seung Jo. Nakita kong nakatingin lang din siya sakin. Binigyan ko siya ng anong-tinitingin-tingin-mo-jan? look. Aba ang loko ngumisi lang.
Nakita ko siyang papasok na. Inayos ko na yung mga gamit para sumunod na sa loob. Malapit na siya sa gate nang magsalita ulit siya.
"Sigurado kang hindi mo kailangan ng tulong?" tanong niya. Tinignan ko muna siya bago sumagot. "H-hindi na kaya ko na to." pautal-utal kong sagot. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Haayy.
"Oo nga pala. Hindi mo nga pala kailangan ng tulong ko kahit mamalimos ka pa sa kalye." sabi niya sabay smirk.
Kinuha ko na yung bag ko at pati na rin yung teddy bear ko. Tapos sumunod na rin ako sa loob.
Pagkapasok ko, sinalubong agad ako ni Tita at dinala sa living room. Doon nakita ko sina papa, tito, at Seung Jo. Umupo si ako sa tabi ni Tita at katapat ako ni Seung Jo.
Nag-uusap sila papa at tito tungkol sa mga nangyari dati. Reminisce ba. Tapos tatawa kami pag nakwento nila yung mga kalokohan nila. Ang tibay ng friendship nilang dalawa. Nakakainggit sila.
Kinausap naman ako ni Tita nung mapansin niyang tahimik ako. "Kayo, hindi ba kayo makakilala? Batch mates kayo, di ba?" tanong ni Tita. Nakuu tita! Kung alam mo lang..
"Opo. Sikat nga po siya sa school eh." sagot ko at ngumiti ng pilit.
BINABASA MO ANG
Playful kiss
Roman pour AdolescentsCrush ni Oh Ha Ni si Baek Seung Jo fro almost 3 years. Si Ha Ni ay nasa last section ng school nila samantalang si Seung Jo naman ay nasa first section. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?