Tested by FAITH by: dumbfoldedchibi

308 9 1
                                    

Faye's POV

Sinong tinatamad pumasok taas kamay. Hay. Pati paa tinaas ko, nakakatamad naman kasi talaga diba? Bakit ba kasi napakapunctual ko yan tuloy papasok ako. Anyway baon din kaya yun. Agree?

Pumasok na ako sa room ng malata. Kdot ako na talaga ang napuyat kakapanood ng mga korean drama, try niyo din kaya para kasama kayo sa asusasyon naming mga panda. 

" HUYYYYY FAYE GOOD MORNING" hmmfff parang ang saya ata ng bruhang ito ah. 

" Good morning ahhhh" bati ko kay Mae sabay hikab. Hay I wanna sleep! 

" TSS ANG KJ MO TALAGA. KAYA DI KA PINAPANSIN NI PAPA NEITH EH BLEEHHHHH."  

Guys sorry naman sa nagngangalit na allcaps ah, please do bare with me and masanay na talaga kayo kasi ganyan talaga yan si Mae - maingay, madaldal, maboka, machurva, uhm ano pa bang synonyms ng madaldal? hmmm ah basta maingay siya yun na yun.

Teka teka bakit naman kaya niya nabanggit yung pangalan ni Neith? Uhm tingin sa kaliwa tingin sa kanan eh wala naman sa paligid si Neith eh, tss baka naman naghahalucinate na si Mae sa sobrang pagkaobsess kay Neith.

" Hey Mae you should have wait for me, after seeing that Neith you left me alone :( " hooo nose bleed, sabi yan ni Rebecca na 1/4 filipino, 1/4 canadian, 1/4 spanish and 1/4 na uhmmm hindi ko na tanda, basta chop chop ang nationality niya kaya kung makaenglish yan nako para akong naiinsecure sa english ko.

Anyways, ito na naman si Bungs (nickname namin ni Rebecca kay Mae ' The Bungangera' ) kanina pa niya hawak hawak yung panyo niya tapos inaamoy amoy pa. Sa sobrang pagkakacurious ko aamoyin ko sana yung panyo niya kaya lang bigla naman niyang inilayo sa akin. Tss ang saltikin din nitong babaeng ito ah ano naman kaya ang problema niya.

" Hay nako Faye, nevermind that Mae. Ewwww. Hoy Bungs tigil tigilan mo nga yan baka mamaya masinghot mo na yang panyo na yan  kakaamoy mo."sa sobrang galit ni Lols ( short for bulol, well sige hindi na siya bulol magsalita ng tagalog ngayon, pero gusto ko pa rin siyang tawagin Lols cause I'm use to it na eh) hinila niya yung panyo

Wow ha, ano yan tug of war. Naghihilahan pa rin siya at bago pa ako madamay sa kabailwan na ginagawa nila hinila ko bigla yung panyo. Pero huhu, napunit yung panyo. 

" AHHHHHH HUHUHUHU WAHHHHHHHHH" ayan na what should I do may umaatungal na na bata. 

" Bungs sorry na bibilhan na lang kita ng bago."ahhhhh ang hirap pa naman nitong patahanin ni Mae. Napatingin ako kay Rebecca pero nailing lang siya ng nailing.

" Faye, you cannot have a replacement for that hankie, may fingerprint na yan ni Sean--" may fingerprint? Meaning hinawakan ni Neith yung panyo ni Mae. Omg! Hindi ko nga mapapalitan yun. Mae collected a lot of stuffs about Neith maski nga yung candy wrapper na itinapon na ni Neith pupulutin pa niya sa basurahan para ilagay sa scrap book niya eh.

" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH" yan na at ngumawa na si Mae.

" Sorry na Bungs, sige ganito na lang sayong sayo na si Neith." so lame na bid. Sorry wala na talaga akong maisip eh.

" Talaga? Okay :)" 

Wahhh baliw ba itong si Bungs kanina naiyak siya ah tapos ngayon nakangiti na siya. Tss dahil sa panyong yan kailangan ko tuloy igive up ang pagkacrush ko kay Neith. Si Neith? Ah he teach me how to move on, to move forward and continue life, though hindi pa kami magkakilala, ni hindi pa nga kami nagkakausap eh, pero the mere presence niya parang nawawala yung stress ko most specially nakakalimutan ko ang nakaraan. Hindi naman sigurong masamang magkaroon ng inspirasyon diba? Ang masama makipagcompetition sa kaibigan dahil sa crush.

Fine I accept defeat mas deserving siya na makaroon ng crush kay Neith. Ang saklap naman ng tadhana sa akin lahat na lang ng lalaking minamahal ko, nagugustuhan ko hindi pwede sa akin, minsan meron nang iba, at worst yung lalaking iiwanan ka.

Ah let's not talk about the past, maybe it's my fate na maging magisa :( 

" Good Morning class." nagsipagbalikan na ang mga kaklase ko sa kanya kanya nilang upuan. Ako naman ayun nakatulala habang nakapalumbaba sa desk ko. Bakit ba biglang nagflaflashback sa akin ang mga nagyari sa nakaraan.

Nagdiscuss na yung professor namin ng kung ano ano, wag niyo na akong tanungin kung ano yun basta ang alam ko English subject tong pinasukan ko. I'm not a lazy student gaya ng iniisip niyo as a matter of fact ako ang nangunguna sa klase namin, sadya sigurong wala ako sa mood ngayon.

" Thank you for sharing Ms/ Samonte. Next, Ms. Kathlyn Alice Hinayon." 

" Huy Ngags (short for bangag. Bangag ba ako? Tss. Hindi kaya noh?) tinatawag ka ni Sir." 

" Po?" sabi ko sabay tayo. A moment of silent. wahhh calm down Alice. " Pardon your question sir." 

" I haven't ask a question yet, mukhang masyado kang natetense."ngekkkk nagtawanan tuloy ang buong class, kfine I admit, Bangag nga ako huhu. " Ms. Faye Beatrice Rodriguez have you ever been in a relationship?" prrrt seriously ito yung tatanungin sa akin ni Sir? At kailangan ba talagang complete name? Tss.

Ang showbiz naman ng tanong ni Sir, tutok na tutok naman yung mga kaklase ko. " Yes Sir...before." pabulong na sabi ko.

" Okay. If you will be given a chance to see that person again what will you do?" Kung nagulantang ako sa tanong ni Sir, mas nagulantang ako sa follow up question niya.

Frozen. Natameme ako sa tanong ni Sir. Simpleng tanong pero bakit ang hirap hirap sagutin. 

" Honestly, I dont want to see him anymore."straight faced na sabi ko.

" KRRRIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG"

" Ah what an interesting story, will continue on you Ms. Rodriguez next meeting."

OMG! Para akong nanlata bigla akong napaupo sa upuan ko. 

" GRABE KA GURLS AKALA KO HIHIMATAYIN KA NA SA TANONG NI SIR EH--"

" Shh ano ka ba be considerate."sabi ni Lols kay Bungs para tumigil na siya sa pagsasalita. 

" Sus, I'm fine :)" I said faking a smile. I'm fine.. yan ang mga salitang paulit ulit na sumasagisa isipan ko ngayo. I'm fine, I'll be fine :(

Three months na rin naman since magbreak kami ni Mark, magmomonthsary na sana kami noon pero, iniwan niya ako :(( Before I believe in happily ever after, pero ngayon naniniwala akong, love won't last forever.

Without a word iniwan na lang niya ako bigla, ni goodbye or sorry wala akong narinig mula sa kanya, basta basta na lang niya akong iniwan ng walang dahilan Halos tatlong buwan na akong nagmukhang tanga kakaintay sa kanya, kakaisip sa ano ba ang nagawa ko kaya iniwan niya ako, kakaisip na hindi ba ako nararapat sa kanya? I believe that's how playful love is. Maybe lesson na rin sa akin ito, ipapaubaya ko na lang sa destiny, kung kayo surely love will take action para magkatuluyan kayo.

Kaya ako nagiintay lang ako, nagiintay na tumandang dalaga chos. Pero seriously I want him back :( But my heart keeps on aching when I reminisce the past ;( Madami namang nagtangkang manligaw sa akin, pati nga si Daniel Padilla eh yun nga lang sa panaginip, pero siguro sa sobrang sakit ng napagdaanan ko naging manhid na ako, parang yung puso ko siya at siya lang ang pwedeng kumatok at pumasok, nagsara na ang puso ko sa ibang lalaki, si Mark lang, siya lang ang gusto ko.

A/N: dumbfoldedchibi

Annyeong!!!!!!~ Kamusta guys hope you'll enjoy reading this story. Feel free to put comments and specially vote for the chapters. Thanks :) Saranghae.

Tested by FAITH by: dumbfoldedchibiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon