Ang Mangkukulam

33 1 0
                                    

  Nakarinig sila ng mga palo ng tambol. Ang tambol ang hudyat ng ritwal ng tribo sa paanan ng bundok.

 Nag katinginan ang grupo. Nag kaisa sila sa hinala na si Gazula,ang lider ng grupo ,ang may kinalam sa pagkalat ng nakapapandiring sakit.

 Si Gazula lang ang may motibo na mag pakalat ng sakit gawa ng pagtataboy nila dito at pagpapalayas sa lupain nila.

  "Patayin ang mangkukulam! Sunugin ng buhay!" sigaw nila

  Dala ang mga sulo,nadatnan pa nila ang buntis na si Gazula na nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng tambol at nakakwintas sa dibdib nito ang salamin.Ang sayaw ay ewan  kung nag tataboy nang masamang espirito o nag tatawag ng espirito.

   Basta ang alam nila, si Gazula ang mangkukulam at dapat itong patawan ng parusa "Dakpin Ang mangkukulam na yan! " utos ng lider ng grupo ng kalalakihan.

   Nagulat si Gazula nang palibutan sya ng galit na taongbayan " Wala akong kasalanan sa inyo! Wala!"

 Napaatras ang babae sa takot na saktan sya ng mga tao. Sinapo nya ang tiyan na nasa kabuwanan na.

 Nagulat ang mga taga-tribu sa tratong hayop sa pinuno nila . May mga nanlaban pero tinulos sila ng mga dalang sibat ng mga galit na taong bayan. Pag katapos ay tinalian at kinaladkad ang kawawang si Gazula na hindi man lang  Kinunsidera na isang buntis.

Sa kabila ng paki usap ni Gazula ay wala siyang awa na sinaktan at binato ng mga tao " Maawa kayo! wala akong kasalanan sa inyo!" ang palahaw niya.

Glass VoodoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon